Conflict “A-ANO'NG ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong bago ako umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko maisip kung ano ang maaari niyang maging dahilan upang hindi niya pirmahan ang kontrata naming dalawa. Naging malikot ang aking mga mata habang nagtatambol ang aking puso sa loob ng aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang aking kaba habang hinahabol ko ang aking hininga. Napatigil ako sa pagluha kasabay nang paglapit niyang muli sa aking pwesto. Palipat-lipat ang kaniyang tingin sa akin at sa aking tiyan hanggang sa makapunta siya sa aking harapan. “Pwede ko ba siyang mahawakan?” masuyo niyang tanong habang ang kaniyang mga mata ay tila nagpapaalam. Lalo ko namang iniwas ang aking paningin habang sunod-sunod ang ginawa kong paglunok. Hindi rin ako nakaimik dahil namanhid ang a

