Contract “Tell me the truth, baby.” I felt his sadness in his voice as his eyes were gently pleading. Bago ako umiwas ng tingin sa kaniya ay nahagip pa ng aking mga mata at pag-igting ng kaniyang panga. Hindi niya binitiwan ang aking kamay at lalo pa siyang lumapit sa akin, tila naninimbang kung hanggang kailan ko siya iiwasan. Nakakarindi ang pagkabog sa loob ng aking dibdib at para bang mabubuwal ako nang dahil sa pangamba at sa takot na namamayani sa aking sistema. Hindi ko pa kayang ipagtapat sa kaniya ang lahat. Hindi pa ito ang tamang panahon dahil gusto ko pa siyang makita at makasama kaya mas gusto ko na lamang na huwag siyang sagutin. “S-saan ka ba pupunta at ganiyan ang ayos mo?” nauutal kong tanong upang ibahin sana ang aming usapan, pagkatapos ay sinubukan kong bawiin ang a

