Daddy “I need to forget you, Zadkiel. Hindi ako makakapagpatuloy hangga't mahal pa rin kita,” I whispered before I wiped my own tears. Nagkulong ako sa aking kwarto, ngunit hindi ko ini-lock ang pinto. Nasa labas lang din ang aking mga kaibigan, hindi sila umuwi at pinilit pa akong i-celebrate ang birthday ko kahit na hindi ko maramdaman na kaarawan ko ngayon. Umupo ako sa aking kama at niyakap ang aking mga tuhod. Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay umiyak akong muli ng tahimik. Pinakikiramdaman ang namumuong sakit sa aking dibdib kasabay nang pamimilipit ng aking sugatang puso. Buong gabi kong pinag-isipan ang lahat ng masamang nangyari sa aking buhay, simula sa simpleng paghahanap lang ng sperm donor hanggang sa dumating ulit sa buhay ko si Zadkiel at naging miresable na ako. Sa

