Chapter 22 MAGKASAMANG lumabas ng bahay si Ma’am Vica at Athena matapos nilang mag-almusal dahil mamamasyal sila sa palibot nitong farm. I left alone inside the house, isang bagay na hustong ipinagpasalamat ko. Puno ng pagmamadali ang naging kilos ko sa mga sumunod na minuto. Umakyat ako patungo sa kuwarto namin ni Azure para kunin ang aking pitaka pati na ang aking cellphone. At nang makababa akong muli ay para akong kriminal na pasikretong tumatakas mula sa pinangyarihan ng krimen. Tuluy-tuloy ang aking hakbang. Pabilis nang pabilis sa takot na baka nakasunod sa akin si Ma’am Vica at sapilitan akong pabalikin sa farmhouse. Hindi ko na talaga kayang makasama sa iisang bahay ang ina ni Azure at idagdag pa si Athena. Hanggang sa mga sandaling ito ay nasa mga ugat ko pa ang kilabot na d

