Chapter 23 MATAPOS KONG malinis ang dumi sa aking katawan ay doon ko naramdaman ang paniningil ng pagod. Kaya nang humiga ako sa malambot na kutson dito sa cottage ay mabilis akong hinila ng antok. Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng matagal. Cellphone ko ang unang hinanap ng aking kamay at nang buksan ko ito ay nagising ang buong diwa ko sa dami ng text messages at missed calls. Hindi lang galing kay Azure kung hindi pati na rin kay Salome. Kung literal lang na sumasabog ang cellphone kapag bumabaha ang missed calls at text messages, marahil ay kanina pa ako nagising sa pagsabog ng phone ko. Bago ko pa magawang ibangon ang katawan ko mula sa kutson ay may pumasok na namang tawag but this time it wasn’t from Azure nor Salome. Numero ni Lala ang nag-flash. Siya iyong usisirang kasamb

