Chapter 2
Ito ang isa sa iilan lamang na umaga na gumising akong may awtomatikong nakapaskil na ngiti sa aking labi. And I can’t help giggling while my face is smashed against my pillow.
Since I was a little child, genuine happiness was very difficult for me to find.
Well, God knows how forever grateful I am for having Mamita as my parent and guardian pero wala akong masyadong alaala na naging ganito ako kasaya. Si Mamita kasi noon ay nakatuon ang atensiyon at panahon sa paghahanap-buhay. Siya iyong taong malimit ngumiti. She wasn’t friendly. Normal na ang sungit sa kaniyang mukha, lalo naman sa pananalita.
Naalala ko noong bukas pa ang brothel n’ya, madalas kong maringgan mula sa mga babaeng nagtatrabaho roon ang pagkayamot nila kay Mamita dahil sa pagiging istrikta nito. Sumisigaw pa kapag galit.
I have nothing much of happy memories to reminisce with Mamita dahil wala akong maalala na pinangakuan niya akong ipapasyal niya ako sa parke o playground. I never heard her say that we were going to church o hindi kaya’y isasama niya akong bumili ng bagong damit o tsinelas. Nasanay ako sa kaswal na relasiyon namin ni Mamita. She wasn’t vocal and never told me she loved me that’s why most of my existence I thought na iyon ang normal sa ina’t anak na relasiyon but then eventually I realized from what I’ve observed in my surroundings that it was not pero walang sama ng loob. I rather understood it and embraced it.
Suwerte nga ako dahil may Mamita ako and I wasn’t abused physically. Hindi kagaya sa kuwento ni Salome tungkol sa karanasan niya noong kabataan n’ya.
Kaya hanggang sa hukay ko’y dadalhin ko ang utang na loob na iyon para sa taong umaruga at nagpalaki sa akin.
Ngunit buhat no’ng ako ay nagkaisip, I was not used to waking up in the morning, smiling because I have something special to look forward to. Sure, I prayed. Pumapalya man pero palagi kong ipinagpapasalamat sa Kanya ang bawat umagang ginigising pa rin Niya ako.
Pero kagaya ng sinabi ko, genuine happiness was very difficult for me to find. ‘Yong uri ng kaligayahan na gumigising sa bawat himaymay ng pagkatao mo. Uri ng kaligayahan na kumakalat ngayon sa sistema ko.
Hindi lang ang opisyal na pagtatapos ko sa kolehiyo ang dahilan ng dalisay kong kaligayahan ngayong araw. I could say that I am more excited to meet Sir Azure later tonight than my graduation.
Oo, magkikita kami mamaya sa penthouse ni Sir Azure. Lunes ngayon at hindi ito ang karaniwang araw ng linggo ng pagkikita namin but I was informed last night through an email na kailangan kong pumunta sa penthouse mamayang gabi. Maaga rin kaysa na karaniwang oras ng pagpunta ko roon.
So, I assume it is going to be a special day. I assume that Sir Azure is going to make this day special for me. For us.
Marahil ay masaya rin siya sa pagtatapos ko sa kolehiyo. Marahil ay ibig niyang samahan ako na ipagbunyi ang araw na ito na pinakahinihintay ko.
I am not expecting any material gifts from him later tonight. Sa isip ko nga’y hindi ko na tatanggapin kung may ibabayad man siya sa akin kinabukasan. I will decline it. His presence is more than enough as a gift for me. Sobrang sapat na ang naibigay niyang pera para makamit ko itong achievement ko. I owe everything to him. I couldn't ask for any more.
Kaya naman ay nangako ako sa aking sarili na pasisiklaban ko siya mamaya sa kama. I will see to it na magiging core memory niya ang mainit na pagsasaluhan namin mamaya.
Sa kama.
“CONGRATULATION, Miss Gaston.”
I could barely conceal my smile when Damgo, Sir Azure’s bodyguard, private driver and assistant rolled into one, congratulated me as soon as I walked near where he parked the usual car he used to fetch me. It is still the matte blue, armored Sedan.
Bago iyon sa akin. Mahigit isang taon na akong exclusive bedmate ni Sir Azure at mahigit isang taon na rin akong sinusundo ni Damgo ngunit ito ang natatanging pagkakataon na direkta niya akong kinausap.
Nakasanayan kong simpleng tango ang nakukuha mula kay Damgo as his way of acknowledging my presence.
Si Damgo ay mana sa amo n’ya, hindi palasalita. Iniisip ko nga na baka nagpapaligsahan sila araw-araw kung sino sa kanila ang huling mapapanisan ng laway.
“Salamat po kaya lang ay wala po akong award na maipagmamalaki. Maganda ho sana kung nabiyayaan ng talino nang sa gano’n ay nakasungkit ng award para maging proud sa akin si Sir Azure.” I chuckle awkwardly.
Muntik pa akong mautal nang tumugon ako kay Damgo. Paano ba naman kasi ay hindi talaga ako sana’y na kausapin s’ya. It’s more than a year but it is still difficult for me to get totally comfortable with either Sir Azure or Damgo.
Kay Sir Azure, intimidated ako sa kaniya pero kapag napupukaw na niya ang kaharutan ko, doon lang matutunaw ang hiya ko sa kaniya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin sa kaniyang mga mata ng diretso. Unless I’d feel he’s in heat. Iyon nga ay ibang usapan na. Sa s*x kami nagkakasundo. We’re so compatible in bed and in our relationship, o kung relationship nga itong matatawag, it’s the only thing that really matters. it's the sole thing that binds us.
But now, I would love to desire a bigger dream. Hoping for a bigger chance. Gusto kong may mamagitan sa amin ni Sir Azure na mas higit kaysa sa pagiging bedmate lang. Gusto kong magkaroon ako ng papel sa buhay n’ya na mas higit sa parausan n'ya lang.
I guess… I rather believe it’s now going to be possible. Posible na iyon dahil hindi na ako magiging parausan lamang niya dahil ngayon ay magiging ina na ako ng anak n’ya.
I am carrying Sir Azure’s child in my womb at hindi na ako makapaghintay na ibalita ito sa kaniya.
Walang tugon si Damgo sa naging pahayag ko. I am disappointed but I wasn’t surprised at all for not getting an answer from him. Malaking bagay na talaga na narinig ko siyang i-cinongratulate ako.
Ngunit nang nakaupo na ako sa backseat nang Sedan ay may nakita ako sa mga mata ni Damgo na ewan ko kung guni-guni ko lang o talagang tunay. I think I saw something in his eyes that conveys a sense of pride. Maliit akong ngumiti dahil mas gusto kong isipin na hindi ko iyon guni-guni kung hindi totoong proud sa akin si Damgo.
Damgo, by the way, looks like Sir Azure’s father. Sa aking tantsa ay nasa early fifties si Damgo. Ngunit sa edad nito ay bakas pa rin ang kisig. Hula ko nga’y baka naging miyembro siya dati ng military.
In less than fifteen minutes ay humimpil na sa basement parking lot ang aming sinasakyan. Si Damgo ang unang lumabas para ako ay pagbuksan.
One thing I like about being Sir Azure’s exclusive bedmate, ay itong princess-like treatment na nakukuha ko mula sa kaniyang tauhan. Hindi man nila ako kinakausap masyado pero mababasa naman sa kilos nila ang respeto.
Pero siyempre, pagdating kay Sir Azure, kapag nasa bedroom na kami, doon ay tumatanggi talaga akong respetuhin n’ya ako. Walang gano’n. Dapat walang hiya-hiya at todo-bigay para sagad sa alaala n’ya ang mga ginagawa namin.
Bumaba na ako sa Sedan.
“Thank you po sa safe ride palagi.” I politely said and nodded at Damgo.
Nakailang hakbang na ako patungo sa basement elevator na pribado lamang paakyat at pababa sa penthouse floor ni Sir Azure nang marinig kong may sinabing muli si Damgo.
“He’s proud of you, Miss Gaston.”
Hearing that, I feel a jolt of emotion within my heart.
He’s proud of me?
He?
May kakaibang kabang lumingon ako para sana kumpirmahin mula kay Damgo kung si Sir Azure ba ang tinutukoy niya ngunit napanguso na lamang ako nang makita ko siyang pumasok nang muli sa loob ng armored Sedan.
Ilang sandali pa’y bumukas na ang glass elevator, palatandaan na nasa penthouse na ako. I am instantly welcome to the penthouse’s living room na mayroong mataas na ceiling kung saan ay may nakasabit na modern luxe crystal chandelier na isa sa pinakanagugustuhan kong palamuti sa penthouse na ito. Niyakap kaagad ako ng familiarity sa paghakbang ko pa lamang palabas ng elevator.
Sa mahigit isang taong pabalik-balik ako sa penthouse na ito ay hindi kailanman nag-iba ang interior design nito, even the paint. Ang mga furniture ay hindi kailanman ginalaw o inilipat sa ibang posisyon. But the hint of its high maintenance was something that never faded.
Binasa ko ang pang-ibabang labi ko bago ko itinuloy ang aking hakbang patungo sa main suite ng penthouse. Ito ay ang nag-iisang bedroom lamang sa penthouse na ito. Bedroom na naging saksi sa hindi mabilang at hindi matawarang boombayah namin ni Sir Azure.
Suot ko pa rin ang itim kong toga at sinadya kong huwag itong hubarin kapag humarap ako kay Sir Azure ngayong gabi.
May maliit na bahagi sa puso ko na kanina’y nag-aasam na sana’y mayroon akong madatnan na sorpresa sa pagdating ko rito sa penthouse. Like rose petals shattered on the floor, o banner na may nakasulat na congratulation o hindi kaya’y isang bouquet ng bulaklak but I guess hanggang pag-aasam ko na lamang iyon because I found none but the usual ambiance of this penthouse. Nothing’s new at lalong nothing’s special.
Subalit kaagad kong kinalamay ang nadismayang bahagi ng puso ko. I cheered myself mentally. Okay lang na walang ganoon. Ang mahalaga ay makikita ko si Sir Azure. Makakapiling ko siya sa gabing ito and we’re together to celebrate my graduation and yes, my pregnancy too. Our pregnancy.
Wala si Sir Azure sa mismong loob ng suite ngunit hindi naman ako nadismaya dahil kaagad na nahanap ng mga mata ko ang kinaroroonan n’ya.
Nasa private terrace siya ng suite. Nakaharap sa akin ang malapad niyang likod na nagtataglay ng makisig na tindig. Hindi lang saksakan ng guwapo si Sir Azure, matikas din siya. He has that luscious, well-toned body to die for.
Kaya hindi ko masisisi ang aking sarili na kahit segu-segundo ko mang sinaway ang sarili noong umpisa ngunit matindi ang epekto sa akin ni Sir Azure at mabilis na nahulog ang loob ko sa kaniya. Hindi ako umilag sa kamandag niya na ngayon ay nananahan sa puso ko.
Inalis ko ang bikig na tila bumabara sa aking lalamunan dulot ng pamilyar na kaba sa tuwing haharap ako kay Sir Azure. I caught his attention by simply greeting him.
“Good evening, Sir.” Tulad ng nakagawian ay pormal ang pananalita ko. Pormal ang asta ko kahit na ang totoo’y abot-langit na ang pananabik kong ihagis ang sarili ko sa kaniya.
I noticed the subtle movement of his shoulder upon hearing my voice. At dahan-dahan siyang pumihit para humarap sa akin. Hindi bago sa akin ang uri ng outfit n’ya. Crew neck sweatshirt na kulay puti, na ang manggas ay nakarolyo hanggang sa may bandang siko n’ya. Classic stone-wash blue tone denim pants ang pang-ibaba at brown leather loafers sa paa. Wala siyang ano mang accessories sa katawan, something that made him look more expensive and elegant yet untouchable.
At sa tuluyang pagharap niya sa akin ay halos lumundag ang puso ko at parang magwawala na kaagad sa sobrang saya. Hindi ko rin mapigilang mapalunok because the ravishing sight of him always takes my breath away. And he looks hotter whenever he’s wearing his eyeglasses.
Kung tipid ang tango ni Damgo, higit na mas tipid ang tango ni Sir Azure.
With his slight nod, I took it as a cue that he is commanding me to draw myself near him. Habang humahakbang ako palapit sa kaniya ay doon ko rin naramdaman na nagsisimula nang manlamig ang mga kamay ko. I am getting nervous and I could not fight it.
Akala ko’y handang-handa na ako para sa gabing ito. Pinaghandaan ko kasi ‘to sa loob ng ilang araw. Pinag-practice-an ko ang pagbubunyag sa kaniya na may nabuo kaming baby sa aking sinapupunan. Na alam kong gugulat sa kaniya dahil ang akala niya ay hindi ako pumalya sa pagti-take ng contraceptive pills but I did, unintentionally. Naging abala ako sa final examinations at requirements ko sa nakaraang mga buwan kaya isa ang pills sa nakaligtaan ko.
Pero hindi niya ikagagalit 'to, iyon ang inaasahan ko kasi baby na namin 'to. Isa itong malaking blessing.
Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Sir Azure hanggang sa nasa mismong harapan na niya ako.
Tumikhim ako at lakas-loob na tumitig sa mga mata niya through his eyeglasses.
“Graduate na ako, Sir Azure. Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa tulong mo. I mean sa bayad mo sa akin.” Kumirot ang dibdib ko sa sariling term na ginamit ko patungkol sa perang nakukuha ko mula sa kaniya but I already accepted it a long time ago. Nag-inarte lang ako ngayon. Pregnancy hormones maybe.
As expected, hindi bumuka ang mga labi niya para tumugon. He just keeps on staring straight into my eyes, too. I notice a hint of warmness from those steely grey orbs which makes my heart trembled in joy and appreciation. Gusto kong hilingin na sa ganoong paraan niya na lamang ako titigan palagi.
Ilang minuto rin kaming nakulong sa staring contest hanggang sa kumurap na siya at disimulado niyang tinanggal sa bulsa ng pantalon ang kaniyang kamay. Sa marahang paraan ay nilingon niya ang bahagi ng terrace kung saan ay mayroong naka-set na outdoor table.
I blink when I see a big bouquet of white lilies. They’re freaking adorable!
“P—para sa akin?”
He answered me through a single nod.
At doon ay sumilay ang ngiti kong punung-puno ng tuwa, appreciation at sincerity.
Hanggang sa nakaramdam ako ng pagkailang sa uri ng paninitig ni Sir Azure sa mukha ko. Iyong titig niya ay kakaiba kumpara sa nakasanayan ko tuwing magkasama kaming dalawa na malinaw na purong kayamuan lamang. Ngayon ay para bang may kapansin-pansin na kakaiba at ang nakapagtataka pa’y tila wala siyang balak na itago iyon mula sa obserbasiyon ko. There is this longing emotion floating in his eyes. Longing na tila may kalakip pang lungkot at pagsisisi.
He is being transparent, na magandang pangitain pero ewan ko ba at parang mas nahirapan akong basahin siya.
“Ako rin pala may re—regalo sa’yo.”
Inilabas ko mula sa dala kong purse ang maliit na kahita kung saan ko inilagay ang pregnancy test na may positibong resulta. Iniabot ko ito sa kaniya ng may ngiti ngunit ang ngiti ko ay dahan-dahan na napawi nang lumipas ang mahabang sandali ay hindi niya kinukuha ang maliit na kahita. He shows no interest in it.
“Buksan mo lang. It’s… It’s a very special gift.”
My heart clenched when he suddenly turned around to look away from me. He's totally neglecting my gift.
“Ayaw mo ba? Kahit silipin mo lang, please.” Hindi ako sumuko. He has to see it.
“Just keep it to yourself, Miss Gaston.”
Miss Gaston? Hindi dolcezza? Isn’t he going to f*ck me tonight that’s why he’s addressing me formally?
“It won’t cause any good to me if I’m going to accept that.” Mababa ng boses niya. He declined my gift clearly pero wala naman akong napunang galit sa boses niya. Lungkot parang mayroon.
“I should not keep anything that will remind me of you.”
“Ha? Bakit naman? Hindi naman ‘to mamahalin. This is just a simple gift pero umaasa akong ikatutuwa mo.” I chuckled, hoping it will lessen the melancholy we’re imposing in the atmosphere.
“I still won’t accept it, Miss Gaston.”
Nakakatuwa na sana na marami siyang sinasabi pero puro naman salita na nakakasakit ng damdamin ko.
“Kung ayaw mo, ako na lang ang magbubukas para saiyo—”
“I would like to ask you.” He cut me off.
“A—ano ‘yon?”
Close na nga yata kami dahil nagtatanong na siya.
“If you were given a million pesos, how are you going to spend it?”
“Ha? Milyon?”
“Answer.”
Lumunok ako at sandali lang na nag-isip. Simpleng tanong pero na-pressure ako.
“Uhm s—siguro ibibili ko ng house and lot? Kahit maliit basta nasa payapa at ligtas na lugar. O—oo, iyon siguro. Doon ko gagastusin. Uhm, pangarap ko kasi na makaalis sa lugar namin kasi naiilang na ako sa ibang nakatira roon. Ang weird kasi nila kasi minsan, hatinggabi ay may naririnig akong nagpupukpok sa bubong nila. Minsan nama’y hatinggabi rin ay may naglalaro ng basketball sa harapan ng bahay ko pero walang bola. Kaya ‘yon, parang hindi na safe sa lugar kung saan ako nakatira.”
“I’ll grant you a new house and lot.”
“Sir?!” bulalas ko.
“And one million cash.”
“Sir ba!” Dumulas na mula sa kamay ko ang kahita. Nakamulagat akong nakatitig sa likuran ni Sir Azure. Nalulula sa mga naririnig mula sa kaniya.
House and lot? isang milyong cash? He's joking!
“I’m serious. That’s the benefit you’re going to have, statutory to the agreement you have signed which clearly you did not pay any attention to that specific clause, Miss Gaston.”
“Hindi ko ho maintindihan, Sir Azure.” Puwede bang mag-hard f*ck muna tayo para maalis ang bara sa utak ko?
“It’s for the termination of our agreement, Miss Gaston. I believe you understand now.”
Narinig ko at naintindihan ko pero parang mas naligaw sa kawalan ang utak ko.
“T—termination?” I gaped.
“Yes, Miss Gaston. Our agreement and everything we have between us two has now come to an end.” Deklara n’ya, walang patumpik-tumpik.
“End? T—tapos na?... T—tayo?” Parang tangang sambit ko. Ibig kong hablutin ang sweatshirt niya para humarap siya sa akin ngunit para akong namamanhid sa mga naririnig mula sa kaniya.
“You’re going to be paid fairly, don’t worry.”
Paid? Babayaran na naman ako?
Mapait akong ngumiti sa sarili ko habang nag-uumpisa nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata.
Ano itong mga naririnig ko? Iba 'to! Ang layo naman nito sa inaasahan kong kahahantungan ng pagkikita naming ito.
“P—puwede bang ‘wag na? Puwede bang huwag mo na 'kong bayaran pa? Puwede bang kahit ngayon lang ay huwag mo naman akong ituring na bayaran?” My voice keeps cracking and cracking.
“Puwede bang kahit ngayon lang ay iparamdam mo sa akin na wala akong katumbas na ano mang halaga ng salapi? Nagmamalabis ba ako kung h—hihilingin ko ang mga iyon saiyo?”
I heard him scoff. “Drama is the least thing we needed right now, Miss Gaston. I am not here for it.” Pormal na aniya.
“Bakit ba kasi pabigla-bigla?” Tampo ko. “Bakit tinatapos? Hindi ba mas maganda kung mas lumalim? Kung mas patatagalin? Kung mas pagtitibayin? Gano'n na lang sana.”
“Those were the things you should not consider in the first place, Miss Gaston. You are an adult and in your right state of mind when you decide and agree to involve yourself in this kind of set-up. In this kind of setup, there’s no infinity in this. You shouldn't draw any expectations.”
“Mayroon kung hindi mo tutuldukan.” Umagos na ang mainit na luha sa aking pisngi. “Hindi mo kailangan na tuldukan dahil willing akong ituloy ‘to. Gusto kong ituloy pa ka—kasi mahal kita.”
Nangatal ang labi ko matapos ang deklarasiyong iyon. Despite my not-so clear vision, I still notice how his shoulders went stiff.
“Mahal na kita e. Ang daya naman kung ngayon pa natin ihihinto.” Madamdaming patuloy ko.
“We… can’t.”
Huminga ako ng malalim. “We have to because I’m preg—”
“I’m getting married.”
Mas nangibabaw ang rebelasiyon niya kaysa sa balitang dapat ay malaman n’ya. Parang ilang sandali akong nabingi.
“A—ano ‘kamo?” Pinalis ko ang luhang nagpapalabo sa aking paningin. Nakita ko ang pagyuko niya kasabay nang pagbagsak ng balikat n’ya.
He took a deep breath. He still has no courage to face me.
“I am getting married, Miss Gaston. Tapos ka na sa pag-aaral at tiyak na madali na lamang para saiyo na makahanap ng magandang trabaho. Find a decent one this time, Arietta. Ako naman ay ikakasal na kaya kailangan na nating tuldukan ang ano mang namagitan sa ating dalawa sa loob ng mahigit isang taon.”
Sunud-sunod akong umiling kahit na hindi niya ako nakikita.
“I am getting married.” Muli pang ulit niya. “I am obliged to be in that reality where I have to marry the woman whom I promised a marriage with. And you. . . you’re just going to be a beautiful fantasy… A very beautiful one that I have no option but to get left behind so that my life could go forward. I’m sorry because we have to be at this point that we have no other choices but let go of each other.”
Hindi ko na sinikil ang hagulhol ko. “N—ngayon na ba dapat? Hindi na ba puwedeng sa susunod na l—linggo na lang? Hindi ba puwedeng ‘wag muna ngayon? P—paano ba ‘to?” Sinapo at kinalampag ko ang aking naninikip na dibdib dahil nahihirapan na akong huminga.
“B—bakit ganito? Wala naman sa pinirmahan kong kontrata na kailangang masaktan ako ng ganito ‘di ba? Pero ba—bakit ang sakit dito?“ Duro ko sa dibdib ko. “Naging mabuti at masunurin naman ako saiyo pero bakit ganito? Bakit sinasaktan mo ‘ko ng ganito? B—bakit ngayon pa kung kailan mahal na mahal na kita?” I slammed my chest with my fist again and again while heavily sobbing.
Wala akong nakuhang sagot at kung mayroon man ay baka hindi ko rin maunawaan dahil mahigpit nang nakayakap sa akin ang pighati at matinding sakit na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Sakit na tila nagpaparusa. Sakit na wala akong kaide-ideya kong paano pakikisamahan.
Mas lumakas ang hagulhol ko nang maramdaman ko siyang kumilos hanggang sa nag-umpisa siyang lumakad. Humakbang palayo sa akin.
“Lingon. Lumingon ka naman. Sige na oh.”
“Arrivederci, la mia dolcezza.”