3. NAMAMALIKMATA NGA BA?

2682 Words
Azure pronounced as A·zhr Arietta pronounced as Ah-ree-et-ta in Italian Chapter 3 One rejection does not mean everything is over. One rejection does not mean I am not good enough for him. He cannot just decide that I was not good enough for him because in the first place, we were never given ourselves a fair chance to know each other. To know each other deeper. Kung hindi lang siya nagmamadali. Kung hindi lang siya padalus-dalos ay pihado akong hindi siya mahihirapan na mahalin ako pabalik if he would just give himself a chance to know me better. To give himself the chance to witness and feel the things and sacrifices I would willingly do for him to make him stay. Kaya ko. Kayang-kaya kong ibigay sa kaniya ang mundo ko kung binigyan niya lamang ako ng pagkakataon. Mahal ko na s’ya e. Ewan ko kung kailan ‘to nag-umpisang umusbong pero ang nasisiguro ko ay hindi lamang ito isang ligaw na emosiyon. And I know I am ready enough to live in the new chapters of my life having this emotion in me. This feeling. Alam ko na ang gagawin ko. May mga plano na ako sa isip ko. The love grows in my heart for Sir Azure, it’s a magical feeling. Ang ganda nito sa pakiramdam not until that night when Sir Azure unhesitatingly declared his sudden decision to terminate our affair. Wala pa man akong nauumpisahan sa mga plano ko ay tinabas niya kaagad ang dadaanan ko papunta sa magiging proseso. Sa gitna ng kadiliman ay napabalikwas ako nang tumunog ang cellphone ko. Naka-set sa highest volume ang call at message tone ng telepono ko. Ginawa ko iyon sa kadahilanang gusto kong masagot ko kaagad ang tawag, text message o email na manggagaling kay Sir Azure. I am hugely hoping to hear from him that he didn't mean to cut ties with me. Na ipagpapatuloy pa rin namin. Na may chance pa na malaman niyang magkaka-baby na kami. Taranta kong sinagot ang tumatawag nang hindi sinisipat ang caller. “Sir Az—” “Hoy gago! Nasaan ang liwanag mo? Putik! Kinain ka ba ng kadiliman?” A dejected posture fastened along my back when I realized that the caller is not the person I am yearning to talk to and waiting for. “Naglalaro ka ba ng tagu-taguan maliwanag ang buwan at pinili mong isilid sa aparador ang sarili mo? Naglalaro kayo ni Sir A mo, ‘no? Ay mali pala ako. Araw ng Biyernes ngayon at usually ay si Sir A mo ang umuukopa sa buong gabi mo pero hindi ba’t bawal kang gumamit ng telepono? Lumalabag ka ba sa patakaran ni Sir A, Arietta?” It’s Salome and her usual outspoken character. May dalawang karakter ang kaibigan kong si Salome. Kapag nasa school kami o nasa work mode siya as an escort, mahinhing babae ang atake niya pero kapag kaming dalawa na lang ay malaya niyang ipinapakita ang tunay na siya. When she’s with me, she’s free to be outspoken, outgoing and she’s not hesitant to speak her own diverse viewpoints sa lahat ng bagay. Namimintas din ‘yan at matalas ang obserbasiyon. Matalas din ang pakiramdam. Umaasta lang iyan na grade unconscious pero alam ko na katulad ko’y nagsisikap din siyang tapusin ang kolehiyo. And we did it. We nailed it. Muling bumagsak ang katawan ko sa aking higaan. Nilamon na naman ako ng panghihina. Lalo pang nilamukos ang dibdib ko dahil si Sir Azure ang laman ng talak ni Salome. Saglit kong inilayo mula sa tainga ko ang aking telepono to check its screen. Si Salome nga ang nasa kabilang linya. She video called me pero hindi ko binuksan ang ilaw. “Nakabalik ka na pala from Singapore.” In a faint voice. “Kumusta ang bakasiyon mo? Ninyo ni Mr. Tang?” Nagawa kong itanong. Si Mr. Lachlan Tang ay masugid na kliyente ni Salome. Ito ang pinakamabait na kliyente ni Salome ayon sa obserbasiyon ko at sa mga kuwento na rin nisl Salome sa akin. Mr. Tang is a Singaporean national. Businessman ito at foreign investor dito sa bansa. Trip to Singapore ang regalo ni Mr. Tang kay Salome para sa kaniyang graduation na pinatos naman ng aking kaibigan although hindi talaga magaan ang loob ni Salome kay Mr. Tang but she has no choice dahil si Mr. Tang ay isang galanteng kliyente. Respetado pa. “Putik! May sakit ka, Gaston?” Umakyat ang pitch ng boses ni Salome sa medyo eksaheradong punto. She neglects my question and gets straight to what she had noticed in my voice. “Wala ‘to. Sinat lang. Malayo sa bituka.” Napakinggan ko ang pagsingasing ni Salome, palatandaan na hindi niya kinabig ang sinabi ko. “Ayaw ko nang alamin kung napaano ka. Sigurado akong mala-severe tornado ang naging performance ninyo ni Sir A no’ng gabi ng graduation natin at lubhang napinsala iyang Pocahontas mo kagaya sa nangyari saiyo noong na-virgin-an ka niya! Nilagnat ka rin ng tatlong araw.” Nag-init ang buong mukha ko nang ipaalala iyon ni Salome sa akin. “Salome,” mahinang ingos ko. “Ano, hindi ka pumunta sa doktor kanina?” “Wala nga 'to.” Brokenhearted lang. Muli siyang sumingasing. “D’yan ako didiretso. Nasa taxi na ako. Marami akong pasalubong sa’yo.” “Na mga keychain at ref magnet.” Marahan akong tumawa. And I got surprise because it went out real at hindi peke. Akala ko ay hindi ko pa rin magagawang tumawa ng ganito habang nakakulong ako sa matinding sakit na iniwan sa akin ni Sir Azure. “Aba’t natural! May sandalyas ka rin dito.” “Wow! Bago ‘yan ah,” ani ko. “B1T1 ‘to, ‘wag kang assuming. Kung hindi ‘to buy one take one, sa tingin mo paggagastusan ko ‘to?” “Alam kong hindi. Kuripot ka kasi sa lahat ng kuripot.” “Mismo! O s’ya’t ibababa ko na itong video call at kadiliman lang din naman ang nababanaag ko. I’ll be there in less than half an hour siguro. Diyan ako matutulog. Tinatamad akong umuwi sa apartment ko.” I have to get up. Hindi na bago sa akin na nakikitulog dito sa bahay si Salome simula nang maging malapit kaming magkaibigan dahil sa pareho naming secret job. At dahil nga’y kuripot ang babaeng iyon, sanay na akong ipaghanda siya ng makakain. Never iyon nag-aambag para sa food at wala iyong problema sa akin. I would rather love it kapag nakiki-stay dito sa bahay si Salome dahil nagagawa kong lutuin iyong mga putahe na natutunan ko kay Mamita. Noong nagsara ang brothel ni Mamita, pagtitinda ng mga lutong-bahay na ulam ang naging hanapbuhay n’ya. Tumutulong ako sa kaniya hanggang sa eventually ay unti-unti ko ring napag-aralan ang magluto. Ani ko nga noon kay Mamita na kursong may kinalaman sa pagluluto at kusina ang kukunin sa kolehiyo but yeah, she really did insist na iyong gusto niyang kurso ang kunin ko. “Tinatamad akong lumabas, Me. Puwedeng de lata na lang ang lutuin ko? May nakita akong trending sa social media. ‘Yong sinigang na corned beef. Iyon na lang ang ihahanda ko.” “Hep! Hep! Hep! Sige na at huwag ka nang mag-abala. Dadaan na lang ako sa puwede kong mabilhan ng pagkain natin.” When the call ended, I managed to get up and decided to turn on the light. Hindi ko ito binubuksan kahit tatlong gabi na ang nakalilipas mula noong huling pag-uusap namin ni Sir Azure. Yari sa kalahating konkreto at kahoy ang bahay na ito ni Mamita na naiwan sa akin. Sa tagal na nitong nakatayo ay may mga kahoy nang pinagkutaan ang mga anay. ‘Yong bubong ay may ilang tulo na rin kaya pinaglaanan ko iyon ng budget para mapalitan ang yero. Ang concrete flooring ay may ilang biyak na at tinakpan ko na lang ng linoleum. Hindi ito kalakihan. Bungalow style at mayroong dalawang maliliit na kuwarto. Tag-isa kami ni Mamita noong nabubuhay pa siya. Walang gaanong palamuti ang bahay kahit na sa sala. Hindi kasi gusto ni Mamita ang mga palamuti at dekorasiyon but she loved constantly changing window curtains from one color to another. Halos linggo-linggo iyon. Ngunit nang maiwan na akong mag-isa na nakatira sa bahay na ito, I started buying decorative stuff kagaya ng mga wall décor, aesthetic mirror, corner floor lamps, artificial plants pati sofa cover ay napabili rin ako. Sa kuwarto ko naman ay nakapag-setup na ako ng komportableng study table. Nakakailang bili na rin ako ng welcome sign para sa front door pero kinabukasan lang matapos kung i-hang ay naglalaho na lang. Dati ay wala rin naman sa isip ko ang lagyan ng mga abubot ang bahay na ito dahil sa isip ko ay baka multuhin ako ni Mamita dahil ayaw niya iyon pero nakapag-isip na lamang ako bigla na i-improve ang matamlay na bahay na ito after kong nakapasok sa penthouse ni Sir Azure. Na-inspired ako sa ibinibigay na alwan sa paningin kapag nakakakita ng palamuti and it doesn’t need to be overly decorated. Mas maganda sa mata at isip iyong simple lang. Iyong hindi marami ang kulay. In less than fifteen minutes ay natapos na akong maligo. Nakapagbihis na rin ako at nakapaglinis sa sala at kusina. Mabuti na lang at kalahating oras pa bago dumating si Salome dahil hindi ko talaga kaya na kumilos ng maayos. Matamlay at wala akong gana sa lahat ng bagay sa loob ng ilang araw. ‘Yong pagkain ko ay pilit lang dahil para iyon sa baby na nasa sinapupunan ko. Dinurog man ng tatay niya ang puso ko at kahit ulit-ulitin pa niya ay hindi iyon magiging rason para idamay ko siya. Although hindi ko mapigilan ngayon na hindi siya madamay sa lungkot na nararamdaman ko. Sinisikap kong ngumiti sa harapan ni Salome. Sinisikap kong itago sa kaniya na may pinagdadaanan akong karimlan sa loob ng dibdib ko. Nagagawa kong makinig sa kaniya habang siya ay nagkukuwento. “Nakakairita e! Naiirita ako sa ganoong uri ng tao na masyadong mabait. Iyong ganoong tao, madaling ma-take for granted ‘yon. Para siyang utuuto. Nabasa niya lang sa phone ko iyong text ng kuya kong batugan, ayon at gustong ura-uradang padalhan ng salapi ang kapatid ko. Ayaw makinig sa akin na mauuwi lang sa wala iyong pera na iginigiit niyang tulong niya kay kuya. E kaya nga pinagdadamutan ko ‘yon dahil nilulustay sa sabong, sugal at laklak iyong ipinapadala ko sa kanila dati. Itong si singkit, ang kulit kaya ayon at nabungangaan ko. ‘Di naiwan siyang mag-isa do’n sa Chichiri kong koyla nilang bansa. Inaway ko nga.” Kaya pala maaga ang uwi ni Salome ay dahil nagkaroon sila ng maliit na pagtatalo ni Mr. Tang na siyang kasama niya sa Singapore. “Baka gusto lang ni Mr. Tang na magpa-good shot sa pamilya mo, Me.” Komento ko. We finished our dinner at si Salome ay nagyayang mag-beer kami sa sala. Binuksan namin ang telebisyon. Luma na itong TV namin dito sa bahay. Iyong desinyo niya ay malaki pa ang likuran. Hindi flat screen at lalong hindi smart TV ngunit kahit na nagkaroon ako ng mga ekstrang pera mula sa mga ibinabayad sa akin ni Sir Azure dati ay hindi ko talaga naisipan na palitan ang telebisyon namin dito sa sala. I don’t have a heart to dispatch the things that remind me of Mamita. “Hindi deserve ng pamilya ko!” Nauubusang pasensiya na wika ni Salome. She's upset at ganito palagi ang bukambibig niya kapag naipapasok sa usapan ang pamilya niya na ayon sa kanya ay mga ungrateful at abusador. “Hindi siya kailanman magiging totoong mabuti sa mata ng pamilya ko. Buburautin lang siya ng letseng pamilya ko. Sabi ko nga na kung talagang gusto niya kaming mag-level up at tuluyan akong umalis sa pag-e-escort kagaya ng pakiusap niya ay papayag akong ibahay niya ako pero giit pa rin siya ng giit na ipapaalam niya muna ako sa magulang ko. Ang gago! Ako na nga itong nagpapaka-easy-to-get. Putik na intsik ‘yon! Masyadong banal! Gusto sagradong kasal muna, e ayaw ko nga. Púta ako tapos ihaharap niya ako sa banal na altar? Estubid. Ang laki ng sapak sa ulo ng singkit na iyon. Nakakagigil.” Nasa sofa ako habang si Salome ay piniling sumalampak sa sahig. May linoleum na iyon at may carpet na rin kaya naging komportable siya roon. Tinanggap ko iyong isang maliit na buti ng beer na ipinasa sa akin ni Salome ngunit hindi ko iyon binabawasan. Alam kong hindi iyon makabubuti sa baby ko. Gusto ko rin sanang ikuwento kay Salome ang bigong kinahantungan namin ni Sir Azure at pati na rin ang tungkol sa pregnancy ko pero naghihintay lang ako ng tamang tiyempo. Siya muna ang pakikinggan ko. She keeps talking and I am just silently sitting, my brain is drifting to a farther wave of painful thoughts. Nalulunod na naman ako sa pag-iisip kay Sir Azure, sa sarili ko, sa magiging hinaharap ko lalo na’t magkakaroon ako ng anak. “Never na ba nating deserve ang pakasalan just because we were ladies of pleasure?” That question mindlessly slipped off my mouth while I was staring at nothing. Kahit ako sa sarili ko ay nabigla sa naging tanong kong iyon. Kung hindi pa siniko ni Salome ang tuhod ko ay hindi ko malalaman na nasa akin nap ala ang atensiyon n’ya. Then she glared at the bottle I was holding. “Tignan mo ‘tong babaitang ‘to. Wala pang bawas iyang beer mo pero lutang ka na. Ulitin mo nga iyong tanong mo.” “Ha? S—sorry. Wala 'yon.” Inirapan ako ni Salome. “Tama, may sinat ka nga pala. Sandali may mga tsokolate pala ako sa maleta. Hinarvat ko ‘to sa kotse ni singkit baka may magustuhan ka. Pero dalawa lang ang kunin mo ha dahil ipapadala ko pa iyong iba sa pamilya ko.” Tumayo si Salome at dumiretso sa kuwarto ko kung saan niya itinambak ang mga bagahe n’ya. Kahit gaano pa kaingay ang mga pinagsasabi ni Salome tungkol sa pamilya niya, sa huli ay lalambot pa rin ang puso niya sa kanila. Ibibigay pa rin niya ang lahat ng makakaya niya. Only a seconds later humahangos siyang tumakbo pabalik. With a horrified face, she is holding the jewelry case and the pregnancy test. Iyong sana’y regalo ko kay Sir Azure. “P*tang… Buntis ka, Gaston! Nagpa… Nagpabuntis ka sa isang kliyente?! Nagpabuntis ka kay Sir A?” Malungkot akong ngumiti kay Salome. I am about to tell her about my pregnancy when someone knocked on the front door. Tumikhim ako. “Baka si Momay na,” ani ko. Pinatutungkulan ang anak ng kapitbahay ko na siyang madalas kong mautusan kapag may ipapabili sa tindahan. Nagpabili kasi ng tsiseria si Salome. Sa pagbukas ko ng pinto ay napakalaking bouquet ng puting rosas ang bumungad. Umusbong ang pag-asa at saya sa dibdib ko. Bumalik ang sigla sa sistema ko. “Sir Azure…” My bright smile was ready until a face came out from the side of the bouquet. “Nǐ hǎo.” Kung gaano kabilis na umakyat ang galak sa akin ay ganoon din ito kabilis na naglaho nang hindi kulay-abong mga mata ang nakasalubong ng titig ko kung hindi singkit. Si Mr. Tang pala. Para pala kay Salome. Akala ko para sa akin na. Pilit ang ngiti ko nang patuluyin ko sa loob ng bahay ko si Mr. Tang. Kaagad itong lumapit kay Salome para ibigay ang bulaklak na dala nito. Naiinggit kong iniwas ang tingin sa kanila para isarado ang pinto nang sa hindi sinasadya ay napadako ang titig ko sa katapat na bahay na ang alam ko’y matagal nang walang umuupa. At para akong nanigas sa aking kinatatayuan dahil ang naulinagan kong pigura ng taong nasa may bintana na biglang nagtago sa likod ng kurtina ay parang… parang kapigura ni Sir Azure. Namamalikmata ba ako o si Sir Azure nga ang taong nasa sa tapat ng bahay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD