Chapter 4
Simula nang gabing tila ako namalikmata na nakita ko ang pigura ni Sir Azure sa paupahang bahay sa tapat ng bahay ko ay parang maya’t maya ko nang gustong sumilip sa bintana, nagbabakasakaling muli kong makita ang taong nakita ko.
Kinukulit ko nga si Momay na magmatyag sa bahay na iyon pero sa tuwing magre-report ang bata sa akin ay pare-pareho lang ang sinasabi nito. Na wala naman daw bagong nangungupahan sa bahay na iyon pero ewan ko ba kung nababaliw na ako dahil mas gusto kong pinaniniwalaan na si Sir Azure talaga ang nakita ko sa bahay na iyon nang gabing iyon.
Mas tinatanggap ng puso ko ang pinaniniwalaan ng isip ko na nasa paligid lamang siya, tumitiyempo kung kailan niya ako kakausapin para bawiin ang sinabi niyang winakasan niya ang namamagitan sa amin. Umaasa akong magbabago ang isip n’ya. Na hindi totoong ikakasal na s’ya. Na isang masamang panaginip lang iyong huling gabi nagkausap kami para lamang saktan ako ng todo-todo.
“Aalis ako. May booking ako kay Singkit,” untag sa akin ni Salome, dahilan upang alisin ko ang aking mga mata sa pagkatulala roon sa katapat na bahay. ‘Yong upuan ko sa study table ay dinala ko talaga dito malapit sa bintana na nakaharap sa bahay kung saan ko nakita si Sir Azure.
“Natapos na akong maligo’t lahat pero ‘yang gatas na pinapainom ko saiyo ay hindi mo pa ubos. Ako ay naiirita na saiyo, buntis. Kapag hindi ako makapagtimpi, uuwi talaga ako sa lugar na amin at ipapakulam ko ‘yong Sir A mo na dahilan ng pagkawala mo sa katinuan.”
I purse my lips at kunwa’y inirapan si Salome. I was drawn into my thoughts and this has been my usual routine recently kung kaya at nawala sa isip ko na may iinumin pala akong gatas. It’s maternal milk.
Magdadalawang linggo na talagang hindi lumayas sa bahay ko si Salome. Buhat no’ng gabing nalaman niya na buntis ako, after that she slowly turned into a very protective guardian of mine. ‘Yong act of service ko sa friendship namin na ako ang nagluluto for her, ipinatigil niya. Bagkus ay siya ang naging tagapagluto rito sa bahay. Siya lahat ang gumagawa ng house chores. Parang loka-loka si OA. Itinuring akong paralisado, e buntis lang naman ako.
“Iinumin ko na.” Akma ko nang kukunin sa may bintana ang baso ng gatas nang pigilan ako ni Salome.
“Putik! Akin na ‘yan at titimplahan kita ng bago.”
“Ha? Hindi na kailangan. Iinumin ko na ‘to. Aksaya pa kung itatapon ‘to.” Marahan akong tumawa ngunit si Salome ay itinuloy ang pag-agaw sa akin ng baso at pinukol ako ng masamang tingin.
“E kung hindi ka pa naman gaga’t diyan sa bintana mo pa inilagay itong gatas.” Nagmartsa patungo sa kusina si Salome, tangay ang baso ng gatas ko. She’s so bossy and starting to be strict pero natatawa na lang ako sa inaasta niya.
Though deep in my heart, I have nothing for Salome but gratefulness. Kung hindi dahil sa kaniya, sa presensiya niya, sa kaingayan niya ay baka kausap ko na ngayon ‘lagi ang sarili ko at tumatawa na akong mag-isa rito sa loob ng bahay.
“What’s wrong with it?” I pout.
“Bintana ‘yan! Para rin ‘yang pinto, daanan ng mga kaluluwa’t ibang elemento. E paano kung nakiinom na dito sa gatas mo ang kaluluwa ng Mamita mo at iyong mga ligaw na kaluluwa ng mga adik mong kapitbahay na nasawi sa tokhang? Hindi ka nag-iisip, gaga. Alam mong mapupunta ‘to sa pamangkin ko, kaya dapat nag-iingat ka.”
I sluggishly shake my head with a smirk. Salome and her random beliefs.
Sandali pa’y bumalik siya at naghatid ng bagong timpla niyang gatas para sa akin.
I mouthed my thanks to her. Irap ang itinugon niya. Ang sweet talaga.
Lihim ko siyang sinisipat habang seryoso siyang nagme-makeup sa may sofa. Nakapatong ang dalawa niyang paa sa center table at halatang minamani lang nito ang pag-aayos sa sariling mukha. She’s doing it like a pro.
Doing make-up is something I am not good at. Hindi ako kagaya ni Salome. Naturuan na ako minsan ni Salome pero hindi madali para sa akin na matuto at lalong wala akong matututunan dahil maikli ang pasensiya ng nagtuturo.
Kaya naman sa mga event na dinadaluhan ko dati together with my past clients, si Salome ang inaabala ko para makeup-an ako. Naghihimutok man siya pero sa huli ay tumatalima rin sa pakiusap ko lalo na’t kapag nagpapamake-up ako ay masarap na luto ko ang suhol sa kaniya.
Salome is a kind of friend that you mistook to be brute and harsh-mouthed pero ang totoo ay madali itong makisimpatya. She’s compassionate. Soft-hearted. Mumurahin ka pero sa kilos niya ay mababasa ang pagmamahal niya.
“Akala ko ba never ka nang makikipagkita kay Mr. Tang.” I brought up that topic. Bukambibig iyon ni Salome these past few days. May mga bagong proposals sa kaniya si Mr. Tang kapalit ng pagtigil niya sa escort services at naging dahilan na naman iyon ng ilang araw na pag-aalburuto ng bibig ni Salome.
With her rants and nags, nabigyan ng sigla ang bahay na ‘to.
“Pansin mo ‘tong bilbil ko, ‘di ba? Ito ang resulta kasi nilalamon ko rin ang mga sinasabi ko pagdating sa singkit na ‘yon!”
I chuckle lowly. Hindi ko na binitawan ang bagong timplang gatas sa akin ni Salome and I’m drinking it ounce by ounce.
“Masyado ka kasing in denial. Alam ko na alam mo sa sarili mo na mahal mo si Mr. Tang.”
Umingos s’ya. “Buwisit ka.” Ang nasabi niya. She’s not going to confirm it but she is not going to deny it as well pero ako alam ko ang totoo niyang nararamdaman. Kagaya ko, napaibig din si Salome ng isa niyang kliyente at iyon ay si Mr. Tang. Ang pinagkaiba lang ay si Salome, desididong panindigan habang ako'y wasak na iniwanan.
Bago ako pumasok sa escort service agency ay may mga mahihigpit na patakaran kaming dapat na sundin. There were numbers of strict requirements. Isa na roon ang hindi pagdawit ng aming personal na impormasiyon kapag nasa trabaho kami. Mayroon kaming mga alyas na ginagamit. Hindi kami maaaring magkuwento tungkol sa totoo naming pagkatao sa aming kliyente. It’s for our personal safety purposes. Mayroon na kasing mga instances at cases na may mga escort worker ang nalagay sa alanganin dahil natitipuhan ng kanilang nagiging kliyente to the point of stalking and harassment. Mayroon pang na-kidnap dahil lang ibinigay ng babae ang address sa naging kliyente.
Sa parte naman ng mga kliyente, malaya silang magbahagi sa amin ng kanilang kuwento o personal na information. Bugahan din kami minsan ng sama ng loob ng client. It would be up to them. May mga client ako before na naging transparent sa akin. Like they were sharing their real job, interests and so on and so forth. Hindi rin ako nakatakas sa uri ng kliyente na straightforward. ‘Yong tipong aalukin ako ng malalaking halaga ng pera kapalit ng s*x o hindi naman kaya ay ibabahay ako. Sa madaling sabi ay gagawing kept woman.
I kept on declining until I met Sir Azure. The boundaries I’ve set in the services I offer came crashing down. Binago ko para kay Sir Azure.
Siya ang pinakatahimik na naging kliyente ko. Siya iyong binuhusan ko ng matinding pasensiya kasi bago niya ako ikakama ay ilang oras muna akong tutunganga sa kaniya. He had a huge impact in my life. Mahihirapan akong kalimutan siya. Parang ayaw ko nga.
“Unti-untiin mo nang iimpake ang mga damit mo, Arietta.”
Napukaw ako mula sap ag-iisip nang marinig ko iyon kay Salome. I frown in skepticism.
“Mag-iimapake? Ako? Bakit ako e ikaw naman itong hindi tagarito?” siste ko.
“Gaga! Lilipat na tayo ng tirahan.” Walang gatol niyang deklara.
Napalingon ako sa kaniya, iyong gatla sa aking noo ay pihado kong lumalim na. “Pinagsasabi mo?”
“’Yong offer ni Singkit na house and lot, titignan namin ngayon. Iche-check ko kung maayos ang lokasiyon at kung presko ang lugar. Titignan ko kung puwede sa atin at lalo na sa magiging pamangkin ko. At kapag masiguro kong safe at komportable, lilipat kaagad tayo kahit mamayang gabi rin mismo.”
My mouth gapes with what I am hearing from her. “Sal—”
“Mayamot ka na sa akin, Arietta pero wala kang magagawa kung hindi ang pumayag na lumipat ng tirahan. Titira kayo ng pamangkin ko kasama ko.”
“P—pero—”
“Mahirap ang sitwasiyon ng isang buntis na kagaya mo. Lalo pa kung lalaki na iyang tiyan mo. Higit na lalo kapag nakapanganak ka na. Kailangan mo ng aalalay saiyo. Atsaka ano, itutulad mo ang anak mo saiyo na immune sa ingay, polusyon, peligro at kaliwa’t kanang trouble sa lugar na ito? Dito mo siya palalakihin?” She stated with scorn.
“Hindi sa kinukutya ko ang mga tao rito dahil may kagaya mo naman na matino pero nagkakalat na ang adik diyan sa labas. Alam kong sanay ka sa klase ng lugar na ito pero kagabi nang may bumabato sa bubong natin, nakita ko sa mga mata mo ang takot. Hindi kaya ng konsensiya ko na ma-stress ka habang buntis ka kaya buo na ang pasya ko. Iga-grab ko iyong alok na bahay ni Singkit para doon na tayo tumira. Madali para sa akin na mabantayan ka at matulungan ka sa pag-aalaga sa pamangkin ko paglabas n’ya.”
Dahan-dahan na ibinalik ko sa bintana ang aking tingin. My eyes begin to well up with tears. Hinagod ng mainit at magandang pakiramdam ang puso ko sa mga narinig mula kay Salome.
“Bigat na bigat ka na sa kakaagapay sa buong pamilya mo, Me. Pati ba naman ako, kami ng baby ko ay gusto mo pang idagdag sa pasanin mo? K—kakayanin ko naman. Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Sa ngayon ay parang ganoon na nga,” she frankly replied. “Paano mo ako makukumbinsi na kaya mo ang sarili mo habang may dinadala ka diyan sa sinapupunan mo gayong araw-araw ay ganiyang ang nakikita ko saiyo? Madalas ay tulala. Patago kung umiyak. Hindi kita pinupuna pero nag-oobserba ako. At nag-aalala ako.”
I sigh not because I get offended or something. It’s just that she’s totally right pero nahihiya akong pumayag. Nakokonsensiya ako na magiging bagong responsibilidad kami ni Salome gayong todo-suporta siya sa pamilya niya sa probinsiya.
“Burden lang ako saiyo. Ano ka ba? Itong lungkot ko, lilipas din ito. Para namang hindi mo ako kilala.” Nagpakawala ako ng tawa at hindi ko sinasadya na lumabas iyon at halatang nagpapanggap lang akong masaya. “Atsaka kaya ko ang pagbubuntis ko. May ilang buwan pa ako para makapagtrabaho. Huwag mo akong alalahanin.”
“Tumigil ka d’yan, Arietta,” sikmat niya. “At huwag ko na ulit maririnig na burden ka sa akin. Kayo ng pamangkin ko dahil hindi magiging ganoon ang papel ninyo sa buhay ko.” I sense that she swallowed a lump in her throat.
“Pamilya kita. Hindi ka na iba sa akin. Nakababata na kitang kapatid at tita ako ng magiging anak mo, sa ayaw mo’t gusto. Kaya sumandal ka sa akin. Gusto kong sa akin ka sumandal dahil a—ako na lang ang mayroon ka. At ikaw... I—ikaw lang din ang nag-iisang tao na itinuring akong pamilya at may mahalaga.”
Tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan at tumayo na ako. Tumabi ako kay Salome sa sofa at yumakap sa tagiliran niya habang siya ay tuloy ang pag-aayos sa kaniyang mukha.
I don’t utter a single word pero punung-puno ng pasasalamat ang puso ko para kay Salome.
“Bitaw nga d’yan, gaga! ‘Pag itong kilay ko hindi magpantay, malilintikan ka sa akin.”
I laugh in between my sobs. And while I was crying at Salome’s shoulder, I made a quiet promise to myself na babawi ako sa kaniya. Babawi kami ni baby sa kaniya.
AT TUNAY sa sinabi ni Salome, agaran ang aming paglipat sa bago naming tirahan. Days quickly passed at hindi ako nahihirapan sa pag-a-adjust sa bagong bahay na tinitirahan ko. Madaling napalapit sa loob ko ang bahay at ang lugar. Payapa, presko at tahimik. My ideal home. This is the home I dreamed of having for Mamita. This is the kind of home I dreamed of living in together with Sir Azure and our child but sadly, none of those is going to be real.
“’Wag mong ibenta, gaga! Lulubo ang presyo no’n years later. Nasa’yo naman ang titulo.”
Pigil sa akin ni Salome nang mabanggit ko sa kaniya na puwede kong ibenta iyong bahay namin ni Mamita nang sa ganoon ay may maiambag ako sa gastusin dito sa bahay n’ya. At para may nakahanda rin akong pera para sa panganganak ko.
“Kapag may ekstra ako, ipa-renovate na lang natin ng unti-unti tapos gawin mong paupahan. Maraming magkaka-interes doon dahil maganda ang puwesto ng bahay n’yo. Nasa court lang kung saan madalas magtumpukan ang mga adik at marites.”
“Dagdag na naman sa gastusin. ‘Wag na. At tama ka, pauupahan ko na lang. Tapos iipunin ko iyong renta para may savings ako kahit papaano habang malayo pa ang kabuwanan ko.”
Salome winces at me. “Huwag mo nang alalahanin ang paglabas ni pamangkin ko. May naitabi na ako para sa panganganak mo.”
“Salome!”
Gusto ko pa sanang makipag-argumento nang may nag-doorbell.
“Ikaw na ang tumanggap. ‘Yan na yata ‘yong binili kong isusuot natin bukas sa party,” aniya. Abala siya sa ginagawang panghimagas. May darating kasi kaming bisita na makakasalo namin sa pananghalian.
May event kaming dadaluhan bukas ng gabi. Event na para sa mga milyonaryo at bilyonaryo. Originally ay si Salome lang dapat ang isasama roon ni Mr. Tang pero ang makulit na babae ay hindi ako tinigilan hanggang sa mapapayag akong sumama sa kanila ni Mr. Tang. Ayaw niya akong iwan dahil baka maglungkot-lungkutan lang daw ako at umiyak. Malas daw sa bago naming tirahan.
At huwag daw akong mag-alala dahil hindi naman daw ako magmumukhang third wheel dahil magiging ka-date ko ang younger brother ni Mr. Tang na si Sir Liam. Kasama at katulong namin si Sir Liam sa paglilipat-bahay namin. He’s also into business at he’s married to German national. They’re both gays and both so much in love.
Tumungo ako sa pinto para kunin ang delivery. Pagbukas ko sa pinto ay nakalapag na sa sahig ng porch sa mismong harapan ng pintuan ang dalawang malalaking itim na box.
Mula sa baba ay dahan-dahan kong iniangat ang aking tingin para tignan ang delivery man. Muntik na akong mapasinghap sa mangha dahil ang tangkad nito at kinailangan kong tumingala. Balot ang katawan nito ng itim na jacket na may kakapalan. Itim din ang kaniyang pantalon.
Lumampas ang tingin ko sa gilid niya at nagtagpo ang dalawang kilay ko nang makitang delivery van ang gamit niya sa pagde-deliver.
Ang weird lang kasi bakit naka-helmet siya? Tapos ‘yong kamay ay may itim na riding gloves din. Halos walang mapunang balat mula sa kaniya dahil sa suot niya.
I clear my throat and manage to smile to show courtesy. “Uhm, may kailangan pa po bang pirmahan, Kuya?” I ask the delivery man. May kakaibang reaksiyon ang dibdib ko pero hindi ko maintindihan.
My smile slowly faded when the delivery man did not speak. At sa kabila ng hindi ko maaninag na mukha niya sa likod ng visor ng kaniyang helmet ay nagkaroon ako ng pakiramdam na parang nakatingin siya sa loob ng bahay.
“Hey,” untag ko rito dahil nawewerduhan ako sa delivery man na ito. I put on a serious look on my face at muli ko sanang itatanong kong may kailangan pa bang pirmahan for a proof of delivery nang may tinig akong narinig mula sa likuran ng delivery man.
It is Liam at hindi ko kaagad napansin ang pagdating nito dahil nga’y nakaharang sa harapan ng pintuan ang matangkad na delivery man.
“Hi, babe. Ano'ng ulam?”
“Liam!” I exclaimed in excitement. “Tuloy ka na. Niluto ko ang request mong Sinigang na baboy na may watermelon. Promise, you will like it.”
"Babe, stop it. You know I will surely love it basta ba ay luto mo."
At sa gulat ko’y bigla na lamang umalis sa harapan ko ang delivery man. Tulala ako habang pinapanood ko itong maglakad patungo sa nakaantabay na delivery van.
At nagkatitigan kami ni Liam at kapwa napamaang ang bibig dahil dinig namin ang tunog ng malakas na pagsara ng pinto ng delivery van na sinakyan nito. Kita ko kung paano nayanig ang delivery van bago iyon humarurot paalis.
May tupak ba ang delivery man na ‘yon o mainit ang ulo? Bakit may pa-walkout 'agad dahil lang dumating si Sir Liam? That man is so weird.