5. SECRET WHØRE

2790 Words
I would just like to dedicate this exciting chapter to these lovely readers: Madam Alliyah Delavega, Jissa Samling, cascharam, Jennie Delavega, Erna Bitoon, Madz, Jelai Sentones, Angel Camad Dampay... Thank you po sa pagbabasa. Much love to y'all. Enjoy reading po. Chapter 5 50th birthday celebration ng maybahay ng isang former Senator ang dinaluhan naming event sa gabing ito. It’s also a charity event. Combined lang. Imbitado ang magkapatid na Lachman at Liam Tang dahil kasosyo ni former Senator ang pamilya nila sa isang mining business na naka-sentro sa Visayas at Bicol region. “Boring. Halos matatanda ang mga bisita.” Dismayadong turan ni Salome minutes after we walked inside the banquet hall. Palihim ko siyang kinurot sa braso. “Me! Marinig ka ni Mr. Tang. Ikaw talaga,” ani ko upang suwayin ito sa pagiging matabil ang dila na minsan ay wala sa lugar. Paano ba naman kasi ay nasa tabi lamang niya si Mr. Tang pero ganoon ang unang komento n’ya. Iisipin ng ka-date niya na boys hunting ang pakay niya sa event na ‘to. “Wala ‘yan. Hindi pa naman ‘yan nakakaintindi ng Tagalog,” balewalang sagot ni Salome. “Kahit na.” Umismid s’ya pero kaagad ding naglaho ang bahid ng pagkayamot sa kaniyang mukha nang mapansin namin ang dalawang lalaki na papalapit sa kinaroroonan namin. Sa ngiti ni Mr. Tang sa papalapit na dalawang lalaki ay kaagad kong napagtanto na kakilala nito ang mga iyon. Both men are wearing retro revival outfits with matching pillbox hats. Retro and glamour ang tema ng party na 70s at 80s ang specific details ng dress code para sa aming mga bisita. Retro and icone wrapped dress paired with granny boots ang suot ni Salome while I am statuesque in a bronze satin dress na ayon kay Salome ay inspired sa dress ni Songstress Diana Ross. Si Salome lahat ang naabala para mahanap ang mga outfit namin ngayon. Siya rin ang gumastos. Pati hairstyle at make-up ko, naming dalawa ay siya rin ang naging punong-abala. She styled my medium length hair with a macramé braids at retro waves naman ang ginawa niya sa kaniyang shoulder-level na buhok. Kaya siguro panay ang ismid niya kanina pa ay dahil naubos ang lakas niya sa pag-aayos sa aming dalawa. Kaya bilang pambawi ay plano kong lutuan siya ng masarap na pulutan bukas. Pormal na nakipagbatian si Mr. Tang sa dalawang lalaki na lumapit sa amin. They both have obvious foreign features in their faces along with their bright and reddish skin complexion. “I’d like you to meet my stunning date, Colada and my brother’s date here is Damiana.” Mr. Tang introduces Salome and I to his friends. Colada ang alyas ni Salome samantalang Damiana ang sa akin. Iyon din ang pangalan ko noong mga naunang pagkikita namin ni Sir Azure ngunit kinailangan kong ibigay sa kaniya ang tunay kong pangalan noong pumayag ako sa indecent proposal niya kasi may kasama iyong agreement. Ang madaya lang doon ay ako lang ang nagpakilala sa tunay kong pagkatao, samantalang si Sir Azure ay nananatiling misteryo sa akin ang tunay niyang impormasiyon. “We couldn’t agree more, Lach. They’re absolutely stunning,” ani ng isa nang makipagkamay sa amin ni Salome. Kaagad din na sumegundo ang kasama nito. “It’s nice to meet you.” I said in a confident manner pero mas confident si Salome sa mga ganitong pagtitipon. Marunong na marunong siyang magdala sa kaniyang sarili sa harapan ng mayayamang tao na kagaya ngayon. “Where’s Liam?” tanong ng pangalawang lalaki. Hinahanap ang nakababatang kapatid na Mr. Tang. Liam is supposed to be my date tonight pero nagkaroon ng emergency dahil nagkaroon ito ng diarrhea. Although nangako naman itong hahabol sa party. Paanong hindi sasakit ang tiyan ng taong iyon, e ang dami niyang nakain sa bahay kahapon. Tapos nang kinagabihan ay nag-inuman pa sila nina Salome at Sir Lachman sa bahay. At dahil mukhnag galit sa pera ang magkapatid na Tang ay nagpa-deliver pa ang mga ito ng pulutan at pagkain nang mag-midnight. Matakaw sa street foods si Sir Liam at iyon ang nilantakan niya kagabi kaya posibleng ganoon nga ang kinahantungan ng kaniyang sikmura. “He’s gonna be here later, Wei.” Ang lalaking tinawag na Wei ni Mr. Tang ay simple lamang na tumango pero hindi naging lihim sa akin ang kakaibang tingin na ibinibigay nito sa akin. Salome subtly elbowed me at bumulong sa mapanudyong paraan. “Mukhang type ka ni Mr. Yong, Arietta. Malaking isda ‘yan. Big catch. Artista ‘yan sa Singapore at businessman na rin kahit bata pa. Kaedad mo ‘yan. Bagay kayo.” Naging uncomfortable ako sa pinagsasabi ni Salome. Oo at sinusubukan niyang bumulong pero makakarinig pa rin ang mga nasa harapan namin. Paano kung marinig siya? Paano kung nakakaintindi pala ang mga ito ng Filipino? Nakakahiya at baka isipin ng mga ito na motibo namin ang mag-hunt ng kagaya nilang may sinasabi sa mataas na antas ng lipunan. “While Liam’s not still around, would you mind if I accompany you around, Madam? Well, only until Liam arrives.” tanong sa akin ni Mr. Wei, kampanteng kampante ang pagkakasalita. “Actually, she would rather like it.” Si Salome ang atat na sumagot. Malaki ang ngisi. Taas-noo pa ang loka-loka. Mr. Wei flashes me his attractive smile and out of politeness, I have to smile back. Ayaw kong magdulot ng awkwardness kaya wala akong nagawa kung hindi ang kumapit sa braso ni Mr. Wei na in-offer niya sa akin. We walked around, greeting each person na kakilala nila. Maaga ang aming pagdating dito sa venue at mamaya pa lalabas ang celebrant. Early birds have enough time to socialize around. Kasama na kami roon. “I like your dress, Madam.” Compliment ni Mr. Wei sa suot ko. Wala naman akong napunang malisya sa papuri niya kaya binigyan ko siya ng totoong ngiti. “Xièxiè.” I said my thanks in Singaporean Mandarin. Kagabi ko lang natutunan iyon mula sa madaldal na si Sir Liam. “That’s amazing of you.” Tumawa ang kausap ko. Pansin ko na parang sinasadya niya na bagalan ang lakad habang sumusunod kami kina Salome. Parang sinasadya niyang dumistansiya kami sa mga kasama namin. “Pero mas gusto ko kung maraming salamat ang sasabihin mo kaysa sa Xiexie.” I quietly gasp. “Nagtatagalog ka!” “Oo naman.” Ngisi pa n’ya. “I was born here in the Philippines. Particularly in Balanga.” “Wow! So, half Pinoy ikaw?” Namangha ako sa nalaman. Sa nagdaang mga minuto ay hindi sumagi sa isip ko na marunong mag-Tagalog itong kasama ko. He shakes his head. “Walang dugong Pinoy pero may pusong Pinoy.” “Well, tell me more.” Naging interesado pa ako tuloy. Napausisa ng wala sa oras. “Sure. Come on.” “Ha? Saan?” “Exit tayo, saglit lang. I know a quiet spot.” He winks. Napansin ko na dumarami na ang nagsisidatingang bisita. This banquet hall can accommodate half a thousand people pero hindi ko tiyak kung ganoon din ba karami ang bilang ng expected guest para sa event na ito. Ang alam ko lang ay mayayaman ang mga naririto at mga pupunta pa. “P—pero baka hanapin ako ng mga kasama ko.” I told him as a subtle excuse. “Wala akong criminal record, Ma’am. Law-abiding foreigner ako rito sa Pinas. I am harmless and I never disrespect a woman.” He chuckles as if defending himself from the ill doubts I have in mind. Hindi niya ako masisisi dahil ilang minuto palang kaming magkakilala. Pinagbigyan ko siya dahil na rin sa personal kong dahilan na parang nasu-suffocate ako sa loob ng hall dahil sa pagdami ng tao. Ngunit hindi ko naman nahulaan kaagad na iyong tinutukoy palang quiet spot ni Mr. Wei ay ang smoking area pala. Napangiwi ako ng maglabas siya ng isang maliit na device. Isang vape. “Uhm…” Tumikhim ako bago pa siya maka-pop mula roon. “’Yong usok n’yan, b—baka ano… Baka makasama sa baby ko.” Napamaang ang kasama ko sa akin. Ilang segundo rin itong napatulala. Nabigla. Naguluhan. Bahagya niyang sinulyapan ang tiyan ko atsaka siya nagtanong. “You’re…” “Pregnant? Opo.” Mababa kong sabi. Napaubo siya tapos natawa. Pero awkward ang tawa n’ya. “Damn! You’re one hell of a stunning pregnant woman, Madam.” “Hindi pa halata kasi nasa five to six weeks pa lang.” “Totoo? Hindi ka nagbibiro?” Parang hindi pa rin siya naniniwala. “Or are you just telling it to me para hindi kita pormahan?” Napakamot ito sa batok. “Buntis talaga ako.” At unti-unti siyang tumango. Nakita ko pa ang pagdaan ng panghihinayang sa ekspresiyon ng mukha niya bago siya ngumiti. “I am sorry. I was just surprised because you look young, innocent and reserved.” Tumikhim siya at parang mas naging interesado. “Anyway, so, married? Engaged?” Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Katahimikan ang naging tugon ko sa tanong niya. “I am sorry. You don’t need to answer.” Nagpatuloy ang usapan namin at naikuwento na nga niya ang tungkol sa kaniyang sarili. Tunay sa sinabi niya ay sa Bataan siya ipinanganak. Migrante ang kaniyang ina sa Pilipinas, isang European. Ang kaniyang ama naman ay ang siyang purong Singaporean. Ang unang negosyo ng kaniyang mga magulang ay dito itinayo sa Pilipinas kaya dito na siya ipinanganak at dito na rin nag-aral hanggang sa makapagtapos ng elementarya. He was thirteen when his whole family went back to his father's hometown. At kaya matatas pa ang pag-Tatagalog niya ay dahil madalas pa rin ang pagbisita niya sa Pilipinas for vacation at ngayon ay magkakaroon na rin ng extension dito sa bansa ang family business nila from Yishun. “I hope this is not our last conversation. Baka hindi ako mapakali kung hindi kita makakausap ulit.” Ngumiti siya. Nakita ko ang bakas ng sinceridad sa mukha n’ya. Masasabi kong para lang din siyang sina Mr. Tang at Sir Liam, they’re easy to get along with. “At ito,” Nabigla ako nang bigla niyang itapon ang vape niya sa kaniyang likuran. “Hindi ako gagamit niyan para anytime na makita kita ay makalapit ako saiyo without harming your health and especially your baby. I really want to know you better, Madam.” Pabiro akong umirap. “Sorry ha pero wala muna sa isip ko ‘yong ano… ‘Yong pakikipag-get to know sa ibang lalaki. Pasensiya ka na.” “Friendship,” hirit niya. “‘Yon na lang. I promise, hindi kita bibigyan ng rason para mailang sa akin. Atsaka kababata ko si Liam, kahit papaano ay may mutual friend tayo. Tapos kunin mo ‘kong ninong ng baby mo. Pangako, ako ang magiging pinakagalante niyang ninong.” I just chuckle. Wala akong naipangako sa kaniya. Kahit friendship, hindi ko sigurado dahil unang-una ay hindi ako magaling sa pakikipagkaibigan. “Balik na tayo sa loob, Sir Wei. Baka hinahanap na nila tayo.” Madali ang kaniyang pagpayag. “Ladies first.” At akma na sana kaming lilisan sa smoking area nang hindi ko napaghandaan ang biglang pagpasok ng isang babae. Nabunggo ako. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa lakas ng pagkakabunggo niya sa akin ay nawalan ako sa aking balanse. Dinumog kaagad ng takot ang buong sistema ko. Wala sa sariling nahawakan ko ang pipis kong t’yan. My baby… he’s in danger. He’s going to be in danger kapag natumba ako. Ngunit ang aking kinatatakutan ay hindi nangyari nang mayroong mga braso na maagap na sumalo sa akin at nakabig ang aking katawan mula sa likod ko. Naglaho man ang takot ko sa akmang pagkakatumba ko, napalitan naman iyon ng matinding gulat nang mahanap ng aking paningin ang may-ari ng mga brasong sumagip sa akin. It isn’t Sir Wei. Ang may-ari ng brasong kinaroroonan ko ay pagmamay-ari ng taong dahilan ng araw-araw kong pag-iyak. His steely-grey eyes are also staring straight into my disbelief eyes. ‘Yong kulay-abong mga mata na iyon, ganoon pa rin ang epekto nito sa akin. Sa sistema ko. Sa puso ko. Kung panaginip man ito, ayaw ko nang magising. “S—Sir Az…” “Let her go! Don't you fúcking touch another woman in front of me!” Naudlot ang pagkakahipnostismo ko sa mga mata ni Sir Azure nang marinig ko ang pagsinghal ng boses ng babae. Sa amin. At kasunod niyon ang boses ni Sir Wei, dahilan upang tuluyan akong makaahon sa panandaliang haraya ng aking isip na si Sir Azure at ako lang ang tanging tao mundo. “Arietta, are you okay?” Ang nag-aalalang boses ni Sir Wei. It came behind me. “Stand properly now.” Napakurap ako sa narinig na bulong sa akin ni Sir Azure. Siya nga! Siya ang sumalo sa akin. Nasa harapan ko s’ya. Dahil sa tunay niyang presensiya ay nag-umpisang magwala ang puso ko. “Lumayo ka sa babaeng ‘yan!” I pursed my lips when the woman snarled again. Doon ko na ginalaw ang aking leeg para tignan kung sino ito. Unang sumalubong sa akin ay ang galit nitong mga mata. Sa uri ng titig nito sa akin ay waring ibig niya akong pulbusin. Maganda s’ya. Magandang-maganda. She looks like a living doll in her black and white polka dot vintage dress and blonde soft shag hairstyle. Pero mukha itong nakainom. She’s maybe tipsy. Ang weird dahil hindi pa nga opisyal na nagsisimula ang event pero may bisita nang lasing. “Tone down your voice, Athena.” Suway ni Sir Azure sa babae. Kilala n’ya ito. “You hit the lady. Instead of snarling and acting rudely, you must apologize to her.” Dagdag pa nito sa seryosong tinig. His voice is deep and gruff. It’s giving a clear hint na may kinokontrol itong galit. I... I missed him so much. “Apologize my aßs!” The furious woman snapped at Azure. “I am Athena Villagomez! And you’re expecting me to follow order and apologize to that stupid woman? No way! Haharang-harang siya sa dinadaanan ko tapos kasalanan ko? She’s an idiot!” “Athena, godammit!” “Don’t insult her!” Sabay na saad ni Sir Azure at Sir Wei sa babaeng ang talim kong magsalita. In just a span of seconds ay parang nainsulto na niya ang buong pagkatao ko. Umusbong ang tension sa paligid. Hindi iyon magandang senyales. An assured trouble is knocking and I don’t want to involve myself in it kaya hinawakan ko sa braso si Sir Wei para makaalis na kami. “U—umalis na tayo please. Tara na.” Humigpit ang kapit ko sa braso n’ya dahil nararamdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Ang daming nangyayari sa katawan ko. Halu-halo ang emosiyon sa dibdib ko. Nanghihina ako. At nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsulyap ni Sir Azure sa kamay kong nasa braso ni Sir Wei. Naging kabado ako. Para akong matataranta sa nangyayari na hindi naman dapat. Para rin akong maiiyak sa pagtawag sa akin ng babae na stupid at idiot. Ang lalim ng pagkakaatake ng mga salitang iyon sa dibdib ko na parang naging over sensitive ako. Umakbay sa akin si Sir Wei, parang inaalalayan ako. “Pare, sana ay mapagsabihan mo ang kasama mo kung paano umakto ng may magandang asal. Pasalamat siya at mabait si Arietta kaya hindi siya mapapatulan sa kamalditahan n’ya.” Napasinghap ako sa sinabi ni Sir Wei kay Sir Azure. “I apologize for her manner,” wika ni Sir Azure. I am afraid to look up at him pero ramdam kong nasa akin ang titig n'ya. “Azure!” Gigil na bulyaw ng babae. “Stop being nice to them. To that idiot woman! Siya ang may mali!” “Athena, sumusobra ka na.” “Talaga! At may isusobra pa itong ugali ko kung patuloy mong kakausapin ang dalawang ‘yan at lalo na ang estupidang babaeng ‘yan! Kapag hindi pa ‘yan umalis sa harapan ko, idadamay ko ‘yan sa init ng ulo ko sa’yo! Akala mo siguro ay babalewalain ko lang ang nalaman kong may dinadala kang ibang babae sa penthouse habang nasa ibang bansa ako! f**k, Azure! Hindi ko iyon mapapalampas at hindi ako titigil hanggang hindi ko nalalaman kung sino ang babae mo! Your secret wh*re will surely taste my wrath! Humanda talaga sa akin 'yang púta mo!” Tuluyan na akong nataranta at nagmamadaling umalis sa area na iyon. Mabuti na lang at sumunod kaagad sa akin si Sir Wei dahil kung hindi ay baka natapilok na ako dahil sa pagpa-panic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD