6. ENRAGED

1970 Words
Chapter 6 Sa nalamang naririto rin sa event na ito si Sir Azure ay nakakaubos ng kumpiyansa. Kung sa ibang situwasiyon kami nagkatagpo ay maaaring lumundag ako sa tuwa but not in this certain situation where I found out that he has a girlfriend or that might be his wife, possibly. And knowing him having a romantic partner right in front of my face seemed like a hard slap in my face. Parang natauhan ako bigla mula sa mga pantasya kong makasama si Sir Azure habambuhay. Para akong napukaw mula sa pangarap kong may maganda pang plano ang kapalaran para sa amin ni Sir Azure dahil nga ay magkakaanak kami. Pero iyong nakita ko kanina, sobrang sapat na iyon upang alisin ko sa malaking kahibangan na iyon ang sarili ko. At sapat na ang kaalamang may karelasiyon si Sir Azure upang usigin ako ng husto ng aking konsensiya. Aaminin ko sa aking sarili na hindi lamang isang beses akong nagkaroon ng duda na may girlfriend o asawa si Sir Azure but those doubts would always flew away whenever I am with him. His presence was all that matters to me. Single siya, iyon ang impormasiyon na isinuko niya sa escort agency na may hawak sa akin. Isa ako sa mga escort na nakiusap sa aking boss na kung maaari ay hindi niya ilagay sa mga kliyente na may sabit. Ayaw ko ng aberya. Hindi rin kakayanin ng aking konsensiya na may maka-date akong lalaki ngunit mayroon pala itong naiwang asawa o nobya sa bahay. Isa sa dahilan kung bakit pumayag ako sa proposal ni Sir Azure to be his exclusive bedmate ay dahil nga roon. Dahil aniya sa agency ay single s’ya. Dahil doon ay umasa akong puwede pa akong makapasok sa puso n'ya. Pero ano ‘yong kanina? Kung hindi niya karelasiyon ang babaeng iyon, bakit ganoon na lamang ang poot nito sa babaeng itinatago rito ni Sir Azure? And that’s definitely me! Ako! Ako ang itinuturong secret wh*re na hinahanap ng Athena Villagomez na iyon. It’s me... unless kung maliban sa akin ay may iba pang dinadalang ibang babae si Sir Azure sa penthouse. Unless hindi ako ang nag-iisang parausan n’ya. With that thought, fury overcame me. Pero ‘yong galit na sumulak sa dibdib ko, alam kong hindi iyon para kay Sir Azure o para sa kung sino pa man. It’s for myself. I’m mad at myself. Atat na atat na akong makauwi. Parang hindi ko na matatagalan pang manatili rito sa event na ito knowing that Sir Azure and his girlfriend or wife are just around. Pakiramdam ko kapag hindi ko pa mailabas ang sarili ko rito ay baka pagmulan ako ng malaking gulo. Napa-paranoid ako. Natatakot. Seeing the fury in that woman’s face kanina, alam ko sa sarili ko na mayroon siyang kapasidad na manakit at manghiya ng taong dahilan ng kaniyang galit. Paano kung magkamali si Sir Azure at maamin niya sa babaeng iyon na naririto sa loob ng banquet hall na ito ang taong hinahanap niya? Natatakot ako ng sobra. Hindi para sa aking sarili kung hindi para sa aking dinadala. Pamamahamak kami rito ng anak ko. Sa ilalim ng mesa ay disimulado akong nagtipa ng text message para kay Salome. My hand is trembling a bit. Masama ang pakiramdam ko. I think I need to go home. Pagka-send ko niyon ay inabangan ko na si Salome hanggang mabasa niya ang text message ko. Naroon pa sa ngayon ang atensiyon ni Salome at ng ibang kasama namin dito sa table sa nagpe-perform. Mga celebrity artists ang mga kumakanta, hinaharana ang birthday celebrant. The flow of event is getting exciting and enjoyable. Tiyak na malilibang sana ang isip ko kung hindi ko lang nakaharap kanina si Sir Azure at ang galit na galit niyang nobya o asawa. Patuloy na naging distracted ang isip ko. Hindi ko nga napansin kaagad na nakatingin na pala sa akin si Salome. Actually ay nakaupo lamang siya sa aking kaliwa ngunit dahil nakatuon ang atensiyon niya sa nagpe-perform kung kaya’t sa text message ko na lamang idinaan ang aking sasabihin. Salome leans her head towards me a little. Bumakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. “Nahihilo ka? Gan’yan kapag buntis e,” aniya sa nakakaunawang paraan. “Sige, uuwi na tayo. Magpapa—” “Huwag. Hindi na.” Pigil ko sa sasabihin niya. “Mauuna lang ako. Hindi naman ako nahihilo. Parang napagod lang. Pasensiya na at huwag mo nang abalahin si Mr. Tang. Magta-taxi na lang ako. I'll be fine.” “Luh! Si Gaga. Hindi naman ako makakapayag n’yan ‘no.” Pagkontra ni Salome. “Any problem, ladies?” Usyuso ni Sir Wei. He is supposed to sit at another table pero dahil nga’y nabakante ang upuan na para sana kay Sir Liam kaya nagpaalam ito kanina na siya na muna ang umukopa roon. He has the seat to my right. “Diyan. Tama, d’yan ka kay Mr. Yong magpahatid. Safe ka d’yan.” “It’s not necessary.” I politely disagree. Pinandilatan ko ng palihim si Salome. “It’s not necessary. I can get a taxi for myself.” “Well, it’s perfect. Paalis na rin naman ako. Sumabay ka na sa akin, Miss Arietta.” Alam na ni Sir Wei ang pangalan ko. Kaninang nag-uusap kami sa smoking area, after he shared some personal stories of his life, napag-isip-isip kong ipakilala rin sa kaniya ang tunay kong pangalan. Just to be fair. There’s no point in hiding behind my alyas sa dahilan na titigil na rin ako naman ako sa pagtatrabaho bilang escort. Huli ko nang kliyente si Sir Azure. Nasa akin talaga ang pagtutol ngunit nag-insist talaga si Sir Wei na ihahatid na lamang niya ako dahil totoong may emergency siya na kailangan na puntahan kaya maaga rin siyang e-exit dito sa party. Magpapasya na sana akong pumayag nang mapagtanto kong wala na ang nagpe-perform sa pinaka-stage ng hall. Ang birthday celebrant at ang esposo nitong former Senator ay magkahawak-kamay na nakatayo na ngayon sa may mababang entablado. “Wait muna. Mukhang may announcement,” saad ni Salome at lahat kaming mga bisita ay ipinako ang atensiyon sa stage. “Malay natin may pa-surprise game pala. Baka may mga number sa ilalim ng upuan natin tas bubunot sila ng numero at iyon ang mananalo. Baka milyones ang premyo.” Salome giggles. “Families, friends, associates and to every one of you who made it here tonight, a pleasant evening to all of you once again.” Ang dating Senador ang nagsasalita sa mikropono. Tuluy-tuloy ang pagsasalita nito hanggang sa nai-deliver nito ang mahabang sweet message and birthday greetings sa esposa. Akala ko’y hanggang doon lang ang speech ng Senador ngunit may karugtong pa pala. “Maaaring karamihan sa inyong naririto ngayon ay mabibigla sa isa pang anunsiyo namin ngayong gabi dahil ang bagay na ito’y sadya naming inilihim sa nilalaman ng imbitasiyong inyong natanggap. But ladies and gentlemen, we are also glad to share the big news to all of you that our only daughter, Athena Villagomez is getting married to her childhood sweetheart. To the only son of the late former Vice-President of the Republic of the Philippines and now to be the successor of their family’s multi-million dollar holding company. Everyone, I would like you to meet my soon-to-be son-in-law, Azure Alcéste De Falco.” Nang matuon ang aking tingin sa dalawang taong ngayon ay patungo sa gitna ng entablado’y para namanhid ang buong katawan ko. As if a heavy rock fell into me and drowned my sanity into daze. Sa gitna ng masigabong palakpakan ay nilalamon ng nakakabinging katahimikan ang huwisyo ko. Katahimikang ang sarili ko lang ang inaalipin. Azure Alcéste De Falco? Ang buo niyang pangalan? Nalaman ko na ang tunay niyang pangalan na determinado akong malaman dati. Hindi ko na magawang ikurap ang aking mga mata habang nakatingin kay Sir Azure. Ang galit na galit kaninang babae, ngayon ay mayroon nang banayad na ngiti sa labi habang nakaangkla ang kamay sa braso ni Sir Azure. Malambing ang akto nito sa harapan ng mga tao, malayung-malayo sa asta nito kanina na halos sipain ako palabas ng event. Si Sir Azure naman ay pormal ang facial expression, his face is lacking a smile ngunit ang presensiya niya roon sa entablado ay sapat na upang ipagsigawan kung gaano siya kalaking personalidad. Son of a Vice-President, successor of a multi-million dollar holding company… Damn it to hell! Ganoon kayaman ang lalaking madalas kong kina-cowboy at bino-blowj*b dati? Holy sh*t! Hindi ko na matandaan kung paano ako nakalabas sa banquet hall na iyon nang hindi napapanawan ng malay-tao dahil sa patung-patong na mga rebelasiyong nakolekta ko tungkol kay Sir Azure. Nauunawaan kong nais pang pakipag-usap ni Sir Wei sa akin habang binabagtas namin ang daan patungo sa tirahan namin lulan ng kaniyang sasakyan ngunit siya na rin ang kusang umunawa sa akin sa pagiging tahimik ko. Nagpasalamat ako sa kaniya nang makauwi akong ligtas. Nagpaalam siya kaagad. Bilin sa akin ni Salome ay i-text ko siya kaagad kapag nasa bahay na ako pero pati iyon ay wala akong lakas na gawin. Masyado akong pinanghinaan sa nasaksihan sa party na iyon. Masyado akong nasampal ng reyalidad. Na isang malaking kahibangan talaga ang pinaniniwalaan kong may mamagitan sa amin ni Sir Azure na higit pa sa pagiging contract bedmate n’ya. I was so stupid. Akmang-akma nga talaga ang mga salitang sinabi sa akin ni Athena Villagomez kanina. Na estupida ako. Idiot! Napakalaki kong gaga para pangaraping ibigin ng tunay ng isang kagaya ni Sir Azure. For fúcking out loud! Isang napakayamang tao ang inaabot ko. Bukod pa roon ay may nagmamay-ari na. Ikakasal na siya! Hindi nga siya nagbibiro sa kaniyang sinabi noong huling gabing nagkaharap kami. Lalong naging suntok sa buwan ang pagnanais kong maging akin siya. Maging amin siya ng anak n’ya. Imposible. Napakaimposible na. Nanghihina akong napaupo sa couch, not bothering to turn on the lights here. I let myself drown in the darkness. Ramdam na ramdam ko ang pagkawalang-lakas ng aking katawan. Ramdam ko ang bayolinteng pait at sakit sa puso ko. Marahan kong iniyakap sa pipis kong tiyan ang aking mga palad kasabay niyon ang paisa-isang pagpatak ng aking mga luha. I felt so defeated. Slaved by an unbearable pain. “Baby… I—I’m sorry, anak pero iiyak lang ulit si Mama ha? S—sorry kung mararamdaman mo na naman ang lungkot ko. Ang bigat lang kasi sa dibdib. Ang sa—sakit-sakit na naman, ‘nak.” My lips trembling as I cry. “Iiyak lang si Mama ha? Pero pangako, sisikapin kong sana’y huling iyak na natin ‘to. Babawasan lang natin ang sakit. Ang bigat. Bawasan natin hanggang sa gumaan.” I fought the urge to blink nor to close my eyes dahil hagulhol ang magiging resulta. Yet my heart doesn’t seem to stop throbbing. Masuyo kong hinahaplos ang tiyan ko para dito kumuha ng lakas panlaban sa masidhing sakit na aking nararamdaman. “’Wag kang magalit sa Mama ha, kung… Kung magkakamuwang kang walang matatawag na Papa.” Napahikbi ako. “Sorry, baby. S—sorry talaga kasi ipapatalo na ‘to ni Mama. ‘Wag na tayong lumaban ha, ‘nak, kasi iyon ang tama.” Bakit sa akin pa ito ibinigay ng tadhana? Bakit kailangan ko pang mapamahal ng husto sa taong natagpuan ko lang pala sa maling panahon? Nagambala ako nang marinig ang may kalakasang katok sa pinto. Sa isipin na baka ay si Sir Wei iyon at may nakalimutang sabihin o ano man ay dali-dali kong pinalis ang luha sa aking mukha at naglakad para pagbuksan ito. “Sir Wei, may nakali—” “Let me in.” I was stunned in shock as if I’d seen a ghost when my eyes landed on Sir Azure’s enraged face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD