Chapter 7 Hindi ko pa man nahahanap ang boses ko para patuluyin siya ay kusa na siyang humakbang papasok ng bahay na para bang hindi na niya kailangan ang permiso nino man. That even if I would tell him to go away, parang imposibleng sumunod siya sa akin. Kagyat ang paglaganap ng tensiyon sa kabuuan ng bahay nang ipinid ko ang pinto. Nasa lalamunan ang aking puso. Dumadagundong ang dibdib ko but I have no other choice but to gather my wits. With my cold hand, I press the switch on. Kumalat ang liwanag at bagama’t alam ko nang naririto si Sir Azure ay tahimik ko pa ring nahigit ang aking hininga nang malathala na sa aking paningin ang pigura niya. He’s back is facing me. He is standing few meters away from me. Tila siya hari na nakatindig sa kaniyang kaharian at naghihintay na luhura

