ADOLPHO
Magagarang mga palamuti, masasarap na mga pagkain, mga kumikinang na ginto at diyamante, idagdag mo pa ang isang nakaiindayog na tugtugin, at ang mga masasayang tawanan ng mga tao na siyang pumupuno sa kasiyahan sa buong bulwagan. Kumikintab ang sahig at hawakan ng hagdanan. Mula sa malalaking kuwadro ng mga larawan ay masasabi mo kung gaano kagara ang mga kagamitan.
Kaarawan ngayon ng nag-iisang prinsesa sa kaharian, at bawat tao’y masaya at nasasabik na makita ang isang napakagandang sanggol. Hindi lamang nasasabik ang mga tao na makita ang sanggol ng hari at reyna, kung hindi ay nasasabik rin sila na makita ang loob ng palasyo na siyang unang beses na binuksan para sa mga mamamayan. Lahat ay inimbitahan, mayaman man o mahirap.
Sa pagdating ng sanggol na iyon ay pinaniwalaan ng karamihan na nagdala ito ng swerte sa buong emperyo, dahil simula nang isilang ang sanggol na iyon, siya namang pagdating ng napakaraming biyaya sa kanilang kaharian.
Iba’t ibang lahi ang naroon, lahat ay nagagalak na makita ang prinsesa. Sa pagsapit ng tanghali ay tumunog ang isang napakalakas na trumpeta, hudyat na magsisimula na ang pagdiriwang. Kumikinang sa tuwa at galak ang mga mata ng naroon nang magpaulan ng kumikinang na bagay sa labas at loob ng palasyo. Bukod pa roon ay sinabayan iyon ng mga maliliit na nilalang na lumilipad sa itaas. Kay gandang panoorin, iyan ang tanging nasa isip ng lahat.
Natigil ang bulong-bulungan at tawanan nang magsalita ang reyna, katabi nito ang hari. “Nagagalak kaming makasalo at makasama kayo sa isang napaka-importanteng pagdiriwang na ito. Malugod kong ipinapakilala ang ating nag-iisang prinsesa. Prinsesa Pecha!”
Malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa loob ng bulwagan. Nang masilayan ng lahat ang prinsesa ay walang sinuman ang gumawa ng ingay. Lahat ay namangha, ngunit hindi nila mapagkakaila na mayroon silang nararamdamang takot para sa batang lumulutang sa ere na nasa kanilang harapan.
Mas lalong napalitan ng takot at pangamba ang kanilang kasiyahan nang biglang dumating ang isang bisita na kailanman ay hindi nila inaasahang darating. Ang maliwanag na kapaligiran ay napalitan ng isang napakadilim at napakalakas na pagaspas ng hangin, dahilan na tangayin ang mga kagamitan sa loob at labas ng kaharian.
Malakas na sigaw ng mga nilalang na naroon ang siyang maririnig mo. Ang lahat ng tawanan ay napalitan ng isang matinding sigawan. Malakas na humalakhak ang babae nang makitang naging abo ang mga nilalang na nasa loob ng palasyo.
“Ako’y nagdaramdam, sapagkat hindi man lamang ako inimbitahan sa kaarawan ng sarili kong anak,” walang kalungkutan na namutawi sa kaniyang tinig at mukha. Mas lalong nasiyahan ang babae sa kaniyang nakikita, labis na natatakot ang dalawang mangmang na nilalang na nasa kaniyang harapan.
“Kahit kailan ay hinding-hindi mo makukuha sa amin ang kahariang ito, Croesha! Akin ang kahariang ito! Sa amin ang kahariang ito!” Mas lalong lumakas ang halakhak ng babae, tila'y nakarinig ng isang napakagandang biro.
“Hindi ko hangad ang kahariang ito, aking kapatid. Alam mo ba kung anong nais ko?” Marahan itong lumakad patungo sa kinaroroonan ng hari at reyna.
“Sa amin lang ang prinsesa! Hindi siya nababagay sa ‘yo dahil isa kang dem*nyo! Isang salot!” Imbes na magalit sa narinig ay lumakas lamang ang tawa niya. Kahit kalian ay hindi na tatalino pa ang kaniyang kapatid, mamamatay na lamang itong walang alam kung hindi ang maging tanga, ani Croesha sa kaniyang isipan.
“May higit na nakatatakot bukod sa mukha ko, aking kapatid. Ang pusong mapagkunwaring anghel...”
“Huwag kayong mag-alala dahil hindi naman ako magtatagal sa lugar na ito. Nais ko lamang masilayan ang aking anak na ninakaw ninyong dalawa sa akin... sa huling pagkakataon. Nais ko lamang sabihin na darating ang araw na ang batang hawak niyo ngayon ang siyang papatay at sisira sa kahariang ito.”
Matapos sabihin iyon ni Croesha ay bigla na lamang itong naglaho. Nanghihina naman na napaupo ang reyna. Mabilis niyang nilapitan ang sanggol ngunit ganoon na lamang ang kaniyang gulat nang makitang nag-iba ang kulay ng mga mata nito.
“Woay, Adolpho!” Bigla na lamang sumulpot sa harapan ko ang kaibigan ko kaya nabitawan ko ang hawak kong libro.
“Ano na naman ba? Tigilan mo nga ako sa pagtawag mo sa akin ng Adolpho. It’s Pechay, okay? At isa pa, hindi mo ba nakikita na nagbabasa ako ng libro? Nakaka-imbyerna ka naman, sinisira mo ang araw ko.” I rolled my pretty eyes pagkatapos ay tinaasan ko ito ng kilay ng bonggang-bongga.
“Taray ni bakla, may dalaw ka ghurl? Shookt may regla ka na beh? Pa-see naman diyan ng keps.” Sinamaan ko ito ng tingin.
“Umalis ka nga sa harapan ko Ambrosio, at baka hindi kita matantiya at gawin kitang itlog.”
“Kapag naging itlog man ako. Ako na ang pinakamagandang itlog sa buong mundo. At tigilan mo rin ako sa katatawag mo na Ambrosio, dahil simula nang maging isang napakagandang sirena ako ay nabuhay ang isang diwatang si Chuchay!” may kalakasan na wika nito. Hindi ko na lamang pinansin ang pagrampa niya sa harapan ko na may kasama pa talagang pag-split. Sa halip ay itinuon ko na lang ang aking pansin sa librong hawak ko.
“Bakit ba ako ang ginugulo mo ngayon? Nasaan ba si Agapit—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang itapat ni Ambrosio este ni Chuchay ang daliri niya sa bibig ko.
“P*ta, ang alat ng daliri mo! Saan mo ba inihawak ‘yan?” Halos masuka ako sa lasa ng daliri niya. Eww, shutik ang alat talaga!
“Gaga! Kung hindi ka ba naman isa't kalahating shunga, bakit mo dinilaan ang daliri ko? Aso ka ghurl?” Panay ang punas ko sa bibig ko habang tinitingnan ko ito ng sobrang sama.
“Pero maiba ako, nasaan ba si Agapit—ano na naman ba?!” Muli niyang hinawakan ang bibig ko kaya hinambalos ko ito ng hawak kong libro.
“Huwag mo nga siyang tawagin sa una niyang pangalan, dahil kapag narinig ka ng baklang ‘yon ay ma-Ve-Venus Bernal na naman iyon sa ‘yo,” nanlalaki ang mga matang sagot nito. Inikot ko na lang ang mata ko rito, mga 600 degree.
“Bakla, hindi ka pa ba nagsasawa sa kuwento ni Croesha? My goodness halos purgahin na tayo ng mga nanay natin sa kaku-kuwento ng storyang ‘yan, tapos ikaw, nagawa mo pa talagang ulit-ulitin na basahin ang kuwentong ‘yan.” Ang ingay talaga ng baklang ito, tinalo pa ang karaoke ng kapitbahay namin.
“Can you please stop stalking? Look, I'm reading this book. I’m here to have a peace of mind, okay? So keep your mouth shut down!” full force na English na sabi ko na siyang nagpanganga kay bakla. Oh ‘di ba? Kahit kailan talaga ay ako ang pinakamatalino sa aming tatlo pagdating sa English. Kaya lang ay muntik na akong mapasubsob sa lupa nang malakas na batok ang natanggap ko mula kay Ambrosio.
“Boba! Anong stalking ka riyan... talking ‘yon tanga! At hindi shut down kung hindi ay shut up! English-English ka pa, wrong grahams ka namang bakla ka.” Napanguso na lang ako at pagkatapos ay inirapan ko ito.
“At least, malapit din naman ang stalking sa talking at shut down sa shut up mo. Iisa lang naman ang ibig sabihin ng mga ‘yon,” giit ko pa.
“Kung sabagay, may point ka nga naman, parang iisang meaning lang naman ata ‘yon,” kakamot-kamot sa batok na bigkas nito.
“Sabi ko sa ‘yo eh. Pero bakit ba ang tagal ni Kemps ngayon? Kahapon naman ay maaga siyang umuwi.” Nagkibit ng balikat na lang ako sa tanong nito sa akin. Baka nag-overtime na naman si Kempay. Alam ko kung gaano kahirap ang trabaho niya. Si Agapito o Kempay ay isang manager sa isang maliit na hotel sa bayan namin, at kaming dalawa naman ni Chuchay ay janitor sa hotel na pinagtatrabahuan din ng kaibigan namin. Mas nauuna lang kaming umuwi kaysa sa kaibigan namin, marami kasing janitor at alam kong mahirap ang maging manager sa isang hotel.
“Baka hindi ko na siya mahintay at uuwi na ako sa bahay dahil mag-iikot pa ako ng paninda ko mamayang gabi.” Napatango na lang ako sa sinabi ni Ambo dahil kahit ako ay magbebenta rin ng mga balut at itlog.
Nasa hideout namin kami ngayon, at sa lugar na ito, rito kami ay nagiging totoo sa aming mga sarili. Dito namin nailalabas ang tunay naming anyo, kung ano ba talaga kami. Sa paglabas namin sa lunggang ito ay babalik din kami sa dati, ang mapagkunwaring katauhan namin. Napakahirap magpanggap bilang isang tunay na lalaki na handa mong iligtas ang mga kaawa-awang mga babae. Kahit na gusto naming ipagsigawan ang salitang isa kaming pusong babae sa buong mundo at sa pamilya namin, hindi namin magawa, lalo na at sa amin din sila umaasa. Lalo na sa akin, dahil tanging ako lamang ang nag-iisang anak ng mga magulang ko. Gusto ng tatay ko na maging isa akong sundalo dahil iyon ang naudlot niyang pangarap. Ngunit iba naman kasi ang pangarap ko sa buhay. Ang pangarap ko ay kilalanin ako sa buong mundo bilang isang pinakamagaling na mananahi at modelo.
Na-i-imagine ko na nga ang sarili ko na rumarampa sa pulang carpet, habang nagliliwanag ang kapaligiran na nagmumula sa mga camera. Sinisigaw ng mga tao ang pangalan ko, habang ako ay taas noong rumarampang suot ang pinakatanyag na design na nagawa ko.
Habang iwinawagayway ko ang mga kamay sa mga taong naroon ay siya namang malakas na sigaw ang aking narinig. Ang aking father rainbow ay humahangos at galit na galit na lumapit sa akin. Kasunod ni father rainbow ang aking mother rainbow na may dala-dalang baril. Umiling-iling ako sa takot dahil kasama pa nila sina tito at tita na may dalang pangtali.
Nang malapit na sila sa akin ay isang malakas na suntok ang natanggap ko sa father rainbow ko.
“Aray!”
Napahawak ako sa aking ilong at noo na tumama sa pader.
“Shunga! Imagine pa more. Ayan face to face tuloy kayo ni pader.” Oh shota! Ang napakaganda kong ilong.
“Oh siya mauuna na ako. Babush bakla, bukas na lang. Ingat ka sa pag-uwi at baka gahasain ka na naman ni Linda sa daan,” may ngisi sa labi na bigkas nito pagkatapos ay mahinhin na kumaway sa harap ko. At tumalikod na ito habang maarteng ihinahampas ang puwet sa hangin.
Nang makaalis ang kaibigan ko ay muli akong napaupo sa papag at binuklat kong muli ang libro. Kahit paulit-ulit kong binabasa ang kuwentong ito ay kahit kailan ay hinding-hindi ako magsasawa. Marami akong natutunan sa librong ito, ipinapakita kasi sa libro na ang pangunahing kalaban natin ay ang ating mga sarili lamang. Tayo ang may hawak ng daan na ating tatahakin kaya nasa iyo na ang desisyon kung ikaw ba ay magiging mabuti o masama. Itiniklop ko muna ang libro bago ko ito isinilid sa luma kong bag. Uuwi na lang ako at ihahanda ko na lamang ang mga paninda ko.
“Magandang hapon, Baron.” Ngumiti at tumango ako sa bumati sa aking si Mang Islao. Walang nakatambay ngayon na mga kabataan sa tindahan niya. Baron ang tawag ng mga tao sa akin dito at Adolpho naman sa mga magulang ko. Argh! Kairita, kung puwede na lang sana ay Carolina ang ipinangalan sa akin at tiyak na sasambahin ko ng habang-buhay ang pangalang iyon.
“Luto na po ba ‘yong binili ko kanina, Mang Islao?” buong-buo ang boses na tanong ko kay Mang Islao and I hate it. Bakit kasi hindi na lang ako naging babae? Bakit 'yong lawit at dalawang kamatis pa ang ibinigay sa akin ng Diyos? Sana monay na lang na may isang hiwa ang ibinigay sa akin. Charez, wala pala akong karapatang magreklamo dahil isa lamang akong dukhang mortal.
“Ay oo nga pala. Oo, ito lutong-luto na. Dinagdagan ko na rin iyan ng pasobra para sa kasipagan mo apo,” nakangiting sabi nito kaya ay nagpasalamat ako rito. Madalas ay tinutulungan ko si Mang Islao sa pag-aayos sa bahay niyang palaging may tulo ang bubong, kaya madalas ay nakakalibre ako ng barbeque sa matanda.
Bawat tambay na madadaanan ko ay binabati ako. Superb sikat ko talaga sa lugar namin. Habang palihim na kumekendeng-kendeng ang balakang ko, ini-imagine ko na isa akong Diyosa na naglalakad sa isang napakagandang lugar.
Mahina akong napatili nang may humila sa akin at pagkatapos ay malakas akong isinandal sa pader. Halos lumaki pa ang mga mata ko nang makilala ko ang taong humila sa akin. Father rainbow Lord, gabayan mo po sana ang aking kaluluwa.
“Hello, oppa! Na-miss talaga kita sobra. Pa-kiss nga! Hmm... ang bango mo naman. Amoy baby ko.” Halos masuka ako sa sinabi nito, lalo na nang ilapat niya ang maruming niyang bibig sa maganda kong balat. Malakas ko itong itinulak, ngunit hindi ko inaasahan ang paglabas ng dalawang babae na siyang alipores ng bruha. Sapilitan nilang hinawakan ang dalawa kong braso, at dahil isa lang naman akong babaeng mahina ay wala akong naging kalaban-laban sa mga ito, lalo na at naglabas ito ng kutsilyo.
“Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin, Linda?” Naman! Kailangan kong makatakas sa bruhang ito. Mas sinisira nito ang beauty ko.
“Ang kailangan ko ay ikaw, ikaw lang naman baby ko. Bakit kasi ayaw mo pa akong tikman!” Dahil sa sinabi niya ay tuluyan na akong nasuka ng bongga.
“Bruha, hindi ako tumitikim ng monay at papaya dahil ang gusto ko ay talong at itlog, gaga!” malakas kong sigaw sa pagmumukha nito.