MISTRESS-6

1180 Words
“Sinusundan mo ba ako? Saan mo ako dadalhin?” tanong niya sa lalaki habang nagmamaneho na ito. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. Pero nakikita niya ang galit sa mukha nito. Nakatuon ang atensyon nito sa kalsada, pero halata ang tensyon sa bawat hinga nito. Mas mabalasik pa ito ngayon kumpara kahapon nang konprontahin siya at pagbintangan ng kung anu-ano. “Ano bang balak ninyong gawin sa bahay na 'yon? Tatlo pa ang kasama mo. Hindi ba naka-schedule si Bernard ngayon? Kaya ibang mga lalaki ang kasama mo!?” mahabang litanya nito habang pasulyap-sulyap sa kanya at sa kalsada. “Stop the car!” hiyaw niya. Sinulyapan lang siya nito at nagpatuloy sa pagmamaneho. “Itigil mo ang kotse! Bababa ako!” tili niya at malakas na hinampas ang braso nito. “Ano? Babalik ka sa bahay na 'yon para ituloy ang pakikipaglandian sa mga 'yon!?” Kumunot ang noo niya. Bakit ang sasama ng mga salitang lumalabas sa bibig nito? “Doon ba kayo nagpupunta tuwing wala si Bernard? Hindi ka ba mabubuhay ng isang araw nang walang lalaking kamutin 'yang kakatian mo!?” mabalasik na dugtong nito. Sumiklab ang galit niya. Kung makapagsalita ito, akala mo sigurado na ito sa mga sinasabi tungkol sa kanya. “Ibaba mo ako!” hiyaw niya at pinaghahampas ang braso nito. “Itigil mo ang kotse!” Naramdaman niyang gumewang ang kotse. “Will you stop it! Mababangga tayo sa ginagawa mo!” sigaw nito habang pilit kinokontrol ang manibela. Tumigil siya. Ibinagsak niya ang likod sa upuan at masamang tingin ang pinukol sa lalaki. “Saan mo ba ako dadalhin?” “Kung saan tayo pwedeng mag-usap,” sagot nito nang hindi siya tinitingnan. “Ano namang pag-uusapan natin?” “About Bernard. At tungkol sa iba pang mga lalaki mo. Ano, marami pa? Gusto mo pagsabayin 'yong tatlo kanina? Ganyan ka ba kagutom sa katawan at kailangan tatlo ang titikim sa'yo!?” Masamang tingin ang iginanti niya. Hindi na siya magpapaliwanag. Hahayaan niya itong isipin ang gusto nitong isipin. Alam niya sa sarili niya na wala siyang ginagawang masama. Si Rodney ang kasama niya kanina, kasama ang dalawang kaibigan nito. May party daw sa bahay na 'yon at niyaya siya ni Rodney. Pumayag siya para lang maalis sa isip ang lalaking ito. Hindi siya pinatulog nito kagabi. Ang gwapong mukha nito. Ang galit nito sa kanya. Kaya kahit naiinis siya kanina kay Rodney sa paghawak-hawak nito sa kanya, hinayaan na lang niya. Gusto lang niyang maglibang at tumigil muna ang isip niya. Hindi niya sinabi sa Daddy niya ang nangyari kahapon. Ayaw niyang dagdagan ang iniisip nito. Siya na lang ang makikipag-usap sa kapatid ng asawa ng Daddy niya. Napansin niyang pumasok sila sa Tragora Subdivision. Kinabahan siya. Baka dalhin siya sa bahay ni Tita Asena. “Saan tayo pupunta?” kinakabahang tanong niya. “Huwag kang mag-alala. Hindi kita dadalhin sa bahay ng kapatid ko,” sagot nito at sinulyapan siya. Napansin marahil nito ang kaba niya. “Sa bahay ko. Doon tayo mag-uusap.” Nanlaki ang mga mata niya. Lalo siyang kinabahan. “Ano pa bang pag-uusapan natin? Sinabi ko naman sa'yo na wala kaming relasyon ng asawa ng kapatid mo!” “Paano mo ipapaliwanag ang mga ginagastos sa'yo ni Bernard? Sino ka para bilhan ka niya ng condo? Para paaralin ka sa kilalang unibersidad? Sige nga, paliwanag mo!” mariing sabi nito. Kagabi pa niya iniisip 'yan. Hanggang ngayon wala pa rin siyang maisagot. “Hindi ako sasagot sa mga tanong mo. May karapatan akong hindi sumagot. Kahit sampung beses mo pa 'yan itanong, wala kang makukuhang sagot!” matigas na sagot niya. “Tingnan natin,” determinadong sagot nito. Pumasok sila sa malaking gate. Malawak ang paligid at may isang malaking bahay sa dulo. Moderno. Magara. Lumaki siya sa simpleng buhay kaya wala siyang ideya sa ganitong klaseng bahay. Isa lang ang alam niya: sobrang yaman ng may-ari. Hindi na siya magtataka. Negosyante si Tita Asena. Kaya malamang mayaman din ang kapatid nito. Nauna nang bumaba ang lalaki. Hindi siya kumilos. Natatakot siyang bumaba. Paano kung nasa loob si Tita Asena? Paano kung hindi na siya makalabas nang buhay? Lalo na't galit na galit ito sa kanya. “Baba!” utos nito nang buksan ang pinto sa side niya. Tumingala siya. Masamang tingin ang pinukol niya rito. “Hindi ako bababa!” taas-kilay niyang sagot. “Don't make me wait. Bababa ka, o kakaladkarin kita!” banta nito. Nakipagtitigan siya. “Sino ka ba sa tingin mo? Bakit kung makapag-utos ka, akala mo kung sino ka! Hindi—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang buhatin nito palabas ng passenger seat. Nagtitili siya. “Ang dami mong sinasabi! Pinapababa lang kita!” sita nito. Ibinaba siya nito. Akala niya tapos na. Nagkamali siya. Muli siyang binuhat. Pinasan siya nito sa balikat na parang bata. Nagtitili siya habang pinagbabayo ang malapad nitong likod at pinagpapadyak ang mga paa. Isang malakas na palo sa pwet ang tinanggap niya. “Stop it!” utos nito. Hindi siya tumigil hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay. Lalo siyang napasigaw nang umakyat sila ng hagdan. “Ibaba mo ako! William! Ibaba mo ako!” Muli siyang napalo sa pwet. Napalunok siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pasan siya nito. Ang dibdib niya halos nakadikit na sa likod nito. At ang mga hita niya hawak-hawak nito. Binuksan nito ang isang pinto at malakas na isinara. Walang kahirap-hirap siya nitong inihagis sa malambot na kama. Napatili siya. Nag-bounce siya bago tuluyang nakaupo. Tumingala siya sa lalaking nakatayo sa paanan ng kama at nakatitig sa kanya. “Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ako dinala dito?!” Paniguradong silid nito 'to. At nasa kama pa siya nito. Hindi niya alam kung ano ang binabalak nito. Sana lang huwag siyang saktan. Lalo na't masamang babae ang tingin nito sa kanya. Akmang bababa siya nang malakas siyang itulak pabalik. Naintakutan siya at napaatras hanggang sa sumiksik sa headboard. “What do you want?!” nagtatapang-tapangan na tanong niya. Sinuklay nito ang kamay sa buhok. Gwapo ito. Walang duda. At sobrang lakas ng appeal. Napalunok siya. Hindi niya alam kung sa takot kumakabog ang dibdib niya, o dahil sa lalaki mismo. “Bianca,” tawag nito sa pangalan niya. Nakatayo ito sa paanan ng kama. Matangkad. Malapad ang dibdib. At may presensyang hindi niya maipaliwanag. Marami na siyang nakitang gwapo. Pero si William Villanueva iba. “What do you want?” kabadong tanong niya. Lalo pa niyang siniksik ang sarili sa headboard. Delikado. Pribadong silid. May kama. Maraming pwedeng mangyari dito. Tinitigan siya nito nang matagal bago nagsalita. “Iwan mo na si Bernard. Be my woman instead. Kung pera ang habol mo sa kanya, kaya kong doblehin 'yon. Mas kaya kong ibigay sa'yo ang lahat. Iwan mo na si Bernard. Hayaan mo na sila ng kapatid ko. Putulin mo na ang relasyon ninyo.” Seryoso. Mabigat. At kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito habang sinasabi 'yon. Alam niyang ginagawa niya 'to para sa kapatid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD