"Damn it!" tagis-bagang na mura niya pagkasakay sa kotse.
Tiningala niya ang mataas na building ng Tragora Condominium kung saan nakatira ang babaing 'yon.
"How could you, Bernard? Para gawin mo kay Ate Asena ang bagay na ito?" galit na sabi niya.
Mas lalo naman siyang nakaramdam ng galit sa babaing pumatok kay Bernard. Napakabata pa nito para patulan ang may edad nang si Bernard. Well, no doubt, it’s all about money. Pera lang naman ang habol ng babaing 'yon kay Bernard. And of course, iisa lang din ang habol ni Bernard sa babaing 'yon. Pero sinasaktan nila ang Ate Asena niya.
His sister is suicidal. Minsan na itong nagtangkang magpakamatay nang lokohin at hiwalayan ito ng nauna nitong asawa. And then Bernard came. Bumalik ang dating sigla ng kapatid nang dumating si Bernard sa buhay nito. Agad na nagpakasal ang dalawa. They were both happy. Hindi nga niya pinag-isipan ng masama si Bernard dahil napaka-maasikaso nito sa Ate Asena niya, pati na sa negosyo ng kapatid.
Then nakita ng dalawang mata niya nang sunduin ni Bernard ang babaing 'yon sa San Miguel University. Iisa lang agad ang pumasok sa isip niya: She is Bernard’s mistress.
Kaya naman agad na siyang nagpa-imbestiga tungkol sa dalawa. At hindi nga siya nagkakamali. Binabahay na ni Bernard ang babae nito. Ang kapal pa ng mukha ng mga ito. Dito pa talaga sa San Miguel.
Buntis ang Ate Asena niya. Kaya hindi nito dapat malaman ang lahat. He needs to get rid of this w***e before his sister finds out.
Pagdating sa bahay, agad na siyang nagtuloy sa banyo para mag-shower. Hindi maalis sa isip niya ang magandang babae kanina. Bata, bata at napaka-inosenteng tignan. Sa murang edad nito, kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. May kalakihan ang mga dibdib nito. Hindi nga niya mapigilan ang sarili kaninang sulyapan ang mga 'yon. May magandang kutis din ito. Malambot na balat. Ni ayaw na nga niyang bitiwan kanina ito.
Wala siyang karelasyon, pero marami siyang natitikmang mga babae. Iba-iba. Lahat na yata ng klase ng babae, natikman na niya. Virgin or not, na-sa-satisfy siya.
And this young lady, Bianca Tuazon, has something he needs to find out.
He is William Villanueva. Kaya niyang malaman ang lahat. At kaya niyang kunin ang bagay na gusto niya.
"Damn," mahinang mura niya sa sarili habang nakatutok ang hubad na katawan sa shower.
Hindi naman siya kinukulang sa s*x. Pero bakit nakaramdam siya ng kakaibang kasabikan sa babaing 'yon?
Iniling niya ang ulo. Nilamukos ang mukha sa mga kamay. Kailangan na niyang isipin ngayon kung paano maipaglalayo ang dalawa. Hindi pwedeng malaman ng kapatid niya ang panloloko ni Bernard rito. Baka this time, hindi na talaga makayanan ng kapatid. Isama pang buntis ito. Nasa mga kamay niya ngayon ang kaligtasan ng kapatid.
Kinabukasan, nagtungo siya sa bahay ng Ate Asena niya para kumustahin ang kapatid.
"Liam, halika, sabayan mo ako sa almusal," anyaya ng kapatid sa kanya.
"Good morning, Ate," magiliw na bati niya sa kapatid at humalik sa pisngi nito.
"Maupo ka, sabayan mo ako."
"Si Bernard?" tanong niya nang makaupo sa tabi ng kapatid.
"Maaga siyang umalis. Aasikasuhin niya ang mga supplies sa hardware," sagot ng kapatid.
Bumuntong-hininga lang siya sabay higop sa kapeng inilapag ng kasambahay. Naisip niyang baka nagsumbong na ang babaing 'yon, kaya maagang umalis si Bernard at nakipagkita rito.
Umigtig ang kanyang panga sa galit na nararamdaman sa dalawa. Sinulyapan niya ang kapatid na maganang kumakain habang nagkukwento tungkol sa nararamdaman nito sa pinagbubuntis nito. Kitang-kita niya ang kaligayaan ng kapatid.
Silang dalawa na lang ng kapatid. Kahit mas matanda ito sa kanya, mas malakas naman siya rito. Kaya siya ang dapat na pumrotekta sa kapatid.
Matapos kumain, agad na siyang nagpaalam sa kapatid. Tutungo muna siya sa opisina, at pagkatapos, aabangan niya sa San Miguel University ang babae ng bayaw.
May sarili siyang negosyo, isang Civil Construction. At isang malaking hardware naman ang sa kapatid, kaya halos nagtutulungan silang magkapatid para palaguin ang kani-kanilang negosyo.
Pagdating sa labas ng campus ng San Miguel University, nag-park siya sa may gilid ng kalsada. Inaabangan ang paglabas ni Bianca. Sinuri na rin niya ang buong paligid. Wala roon ang sasakyan ni Bernard.
Hindi niya inalis sa gate ng campus ang mga mata. Nais niyang makitang lumabas si Bianca para agad itong malapitan. Hindi naman siya nabigo. Nakita niyang lumabas ng campus si Bianca, katabi ang isang lalaking mukhang estudyante din.
Napailing siya ng ulo. Mukhang makati talaga ang babaing ito. Bukod kay Bernard, may ibang lalaki pang kinakalantari ito.
Umigting ang panga niya habang nakatingin sa dalawa. Bianca Tuazon is a beautiful young woman and hot. Yes, she is hot.
Nakasuot ito ng blazer and maybe a tube sa loob, na nag-e-emphasize sa malaking harapan nito. Kahit nasa malayo siya, nakikita niya ang cleavage nito. She is wearing jeans na nagpapakita ng mahaba nitong binti. Nakangiti ito habang nakikipagkwentuhan sa kasama nitong lalaki sa tapat ng gate. Tila may hinihintay ang mga ito.
Iniling niya muli ang ulo nang mapansing nilagay ng lalaki ang kamay nito sa may bewang ni Bianca. Wala siyang nakitang pagtutol kay Bianca sa ginawa ng lalaki. Mukhang nagustuhan pa nito.
Naisip niyang baka wala nga si Bernard ngayon, kaya ibang lalaki ang sinasamahan ni Bianca. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang makati na kahit may asawa nga ay pinapatulan nito? Pera ang habol ni Bianca kay Bernard. Kaya hindi imposibleng may ibang lalaking sinasamahan ito.
Nakita niyang sumakay ang dalawa sa kotse na huminto sa harapan ng mga ito. Sa likuran ng kotse sumakay ang dalawa, magkatabi. And who knows kung ano na ang magaganap sa loob ng kotse?
Hindi niya inalis ang mga mata sa kotse. Sinundan niya 'yon. Nais pa niyang malaman kung gaano karumi ang babaing ginagastusan ng bayaw niya. Kung gaano karuming babae ang sinasamahan nito at nagawa pa nitong lokohin ang kapatid niya.
"A w***e," bulong niya habang madilim ang mga matang nakasunod sa kotse.
Huminto ang kotse sa isang malaking bahay. May mga nakaparada ding mga sasakyan. Mukhang hangout ng mga estudyanteng mahilig sa party o frat house.
Bumaba ang lalaki sa likod, kasunod si Bianca. Napailing siya ng ulo nang makitang dalawang lalaki pa ang sumunod na bumaba sa kotse. Nag-iisang babae lang pala si Bianca sa loob ng kotse.
"Damn w***e, slut," bulong niya.
Naglakad ang mga ito papasok sa loob ng bahay. Mabilis siyang bumaba ng kotse. Ewan niya kung bakit, pero nais niyang pigilan si Bianca na pumasok sa loob ng bahay kasama ang tatlong lalaking 'yon.
Wala siyang pakialam kung lagi nang ginagawa ng mga ito ang ano mang ginagawa ng mga ito sa loob ng bahay. Not this time. Hindi niya hahayaang makapasok sa loob ng bahay na 'yon si Bianca kasama ang tatlong lalaking 'yon.
"Bianca!" malakas na tawag niya.
Umagaw naman sa pansin ng mga ito ang tinig niya. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Bianca nang makita siya.
"Sino siya, Bianca?" tanong ng lalaking nakatayo sa tabi ni Bianca, at nasa bewang ng babae ang kamay nito.
Sinulyapan niya ang kamay ng lalaki na nasa bewang ni Bianca. Umigtig ang panga niya. Binalik kay Bianca ang mga mata. Nasa mukha pa rin nito ang gulat habang nakatingin sa kanya.
"Trouble," bulong ng isa sa mga lalaki, saka niyaya ng pumasok ang isa pang lalaki. Naiwan si Bianca at ang lalaking kasama nito.
"Anong—"
Marahas niyang hinila sa braso si Bianca palayo sa lalaki. Kanina pa niya nais paglayuin ang dalawa. Hindi niya gusto ang pagkakalapit ng mga ito, lalo na ang paghawak-hawak ng lalaki sa katawan ni Bianca.
"Aray!" tili nito nang bumunggo ito sa dibdib niya.
"Bianca, sino siya?" tanong ng lalaki.
"Bitiwan mo nga ako!" piglas nito.
"We need to talk!" mariing sagot niya. Halos kaladkarin na niya ito.
Sinubukan silang pigilan ng lalaki. Masamang tingin ang pinukol niya sa lalaki. Nagtaas na lang ito ng kamay sa kanya, senyales na suko na ito. Mas higit naman kasing malaki ang katawan niya kesa rito. He is a man, not a boy like him.
"Ano ba! Nasasaktan ako! Bitiwan mo nga ako!" tili ni Bianca habang hinihila niya ito sa braso palapit sa kotse niya.
"Ganyan ka ba kakati? Tatlong lalaki ang kaya mo?" singhal niya rito.
"What!?"
"Pasok!" utos niya, at halos itulak na ito papasok sa passenger seat. Wala siyang pakialam kung nasasaktan niya ito. Galit siya sa mga pinaggagawa nito sa buhay nito.
"Sino ka para gawin sa akin 'to!" tili nito.
"Shut up!" sigaw niya rito at malakas na sinara ang pintuan. Saka mabilis na umikot pasakay sa driver seat.
Sinulyapan pa niya ang lalaking kasama ni Bianca. Wala na roon ang lalaki. Duwag ito. Ni hindi man nito naipagtanggol si Bianca sa kanya.
"What the hell are you doing, Mister!" singhal sa kanya nito nang makasakay na sa driver seat.
Masamang tingin ang pinukol niya rito. And god damn it! Napakaganda ng babaing nasa harapan niya.