CHAPTER THREE

1405 Words
I was sitting here alone in the middle of the night. Wala pa yung sundo ko, natatakot akong kumilos o umalis dito baka may mangyari sakin. 1AM na at nandito parin ako sa labas ng store. Sira yung cellphone ko kaya di ko matawagan sila Nanay medyo lumalamig na din. Pumikit muna ako at nagdasal. Sana may isang taong dumating para sagipin ako sa unti unting pagkalunod dito sa kadiliman, sana may isang taong magsasalba sakin. Sana, sana, san- *Beep!!! Di ko na natapos yung sasabihin ko, dahil sa lakas ng pag busina sakin ng sasakyan na nasa harap ko.Lord is this the sign? Mamamatay na ba ako? Ki-kidnapin ba ako neto? Lord di pa ako handa! Lord na-- Di ko na naman natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong sinigawan ng tao sa loob ng kotse. "Hoy anong ginagawa mo jan? Mang ho-holdap ka noh?" sabi ni, anak ng! SI BURNOK? lakas ng amats neto napag bintangan pa nga. Hanep! "Hoy ang kapal talaga ng apog mo! Ako? Holdaper? Bobo lang? Sa ganda kong 'to muka ba akong holdaper?" "Wala kang ganda kaya mukha ka talaga holdaper" he chuckled. "Kapal mo, ba't ba nang gugulo ka? Umalis kana dito! Ampanget mo!" "Nakita lang kita, para kang tanga. Diyan ka ba nakatira? Ba't diyan ka natutulog? Well yeah, what's new? Taong bundok ka nga Hahahaha" tawa siya ng tawa para abnoy ba, wala ba siyang utak? Kung dito ako nakatira edi sana nandito mga gamit ko. "Pake ng mundo sa'yo" natigilan siya sa pagtawa dahil sa sinabi ko. Hahaha ansarap pag tawanan nung mukha niya kase ampanget. Yung tipong para siyang nabara HAHAHAHA. "Bakit ka ba kasi nandyan? Saan bahay mo? Ihahatid na kita aka ma-r**e ka pa dyan" ayos inasar pa ako gusto lang pala akong kasabay umuwi. Pero syempre magiging choosy pa ba ako? Malamang hindi na, sasabay nalang ako duh.Baka ma-r**e nga talaga ako dito.Sumakay na ako sa kotse niya pero di ko pinahalatang ngayon lang ako nakasakay Hahaha. "Seatbelt" sabi niya habang ini-istart ng kotse. Eh ako 'tong si shunga na di alam kung anong gagawin kaya tinitigan ko lang siya. "Don't tell me hindi ka marunong magkabit ng seatbelt?" bukod sa pagiging burnok niya hindi kaya anak din siya ng manghuhula? Hanep. "Kailangan pa ba ng seatbelt? Hindi na ata tsaka malapit lang bahay namin dito" palusot ko kahit hindi ko naman talaga alam kung ano yung seatbelt Hahaha. "Ok, hindi ko na kasalanan kung bigla kana lang susubsub jan sa harap" yun nalang ang sinabi niya at nagsimula ng paandarin ang kotse. Naging okay naman ang lahat at naiuwi niya ako ng maayos sa amin. Nag thankyou sakanya sila Nanay dahil sinabay daw akong iuwi. ------------------------------ Months passed by, naging okay na ang lahat. Hindi na ako ginugulo ng kumag na burnok, Nakakasabay ako sa schedule ko. At na ma-maintain ko ang grades ko. Hindi naging mahirap sakin pumasok dito at mag-aral, naging tahimik ang buhay ko sa loob ng ilang buwan.. - Pero ang hindi ko alam, may hangganan din pala lahat ng iyon, dahil nagsisimula na naman ang mala demonyong buhay ko dito. Pinagti-tripan na naman ako ni Burnok. Argg!! Ang malala pa dinikitan ako ng slime sa buhok! *FlashBack* "Good bye class, you may now take your lunch" pa alam sa amin ng English Teacher namin Dumeretso naman ako ng library, saktong walang tao kaya solo ko ang buong library. Lumipas ang ilang oras di ko namalayan na nakatulog ako, nagising nalang ako ng tumunog ang bell hudyat na tapos na ang lunch break. Naramdaman ko ng parang may mabigat na bagay sa ulo ko pero hindi ko pinansin. Pag labas ko ng library nakatingin sakin lahat ng estudyante at palihim akong tinatawanan, binalewala ko din iyon baka kase hindi ako yung tinatawanan napaka assumera ko naman. Pag dating ko ng room, ganon din ang reaksyon ng mga classmate ko. Pasimpleng bubulong at tatawa, umupo ako sa tabi ni burnok na halatang nagpipigil din ng tawa. "Hoy ano ba kasing nakakatawa? Kanina pa ako nakakahalata ah" inis na tanong ko sa katabi ko pero umiling lang siya. Maya-maya lang lumapit na sa akin si Delia at may binulong. "Hoy te, anong ginawa mo sa buhok mo? Bakit ang daming slime na nakadikit?" pagka-tapos niyang sabihin yon, kinapa ko yung buhok ko at--- KAYA PALA MAY KUNG ANONG MABIGAT SA BUHOK KO!!! ARGH! Kaya wala akong nagawa kundi umuwi-ng may slime sa buhok, hindi ako nakapasok ng trabaho dahil nahirapan si Nanay na tanggalin yon. *EndOfFlashBack* Pero hindi lang iyon ang nangyari, pati sapatos ko nasira dahil sakanya. Sinuot ba naman niya e sa laki ng paa niya talagang masisira yon. Nakakainis siya tawa ba naman ng tawa habang suot-suot yon, gusto kong sapakin yung mukha niya non pero pinigilan lang ako ni Delia. Pasalamat siya nagpapa pigil ako kundi baka nasa clinic na siya non. Pero ang worst na nangyari nung araw na-- natapunan ko siya ng cake sa mukha. Galit na galit siya non parang handang pumatay. At sa paraan ng pagtitig niya sa akin unti-unti na nga niya akong pinapatay sa kaloob-looban niya. *FlashBack* "Happy Birthday to you, Happy Birthday to you Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday to you" kinantahan ko na si Delia. Ngayon kasi ang araw ng kapanganakan niya at binilhan ko siya ng cake. Pinagipunan ko tlaga ang pagbili neto. "Wow, may letter 'ikaw haa ang sweet mo!" sabi niya at akmang babasahin pero pinigilan ko siya "Mamaya mo nalang basahin, nahihiya ako e" sabi ko at sabay kaming tumawa "Tara picture tayo" yaya sakin ni Delia "Hmm, saan kaya pwede? Masyadong madaming tao dito" sabi ko habang ini-ikot ang mata ko "Ay dun oh, tara tara naa ang bagal" tumakbo ako habang si Delia naman naglalakd, ang bagal niya tsk. "Teka naman ba't ba nagmamadali ka? May lakad ka ba ha?" inis na tanong niya sakin "Wala naman want ko lang ba't ba!" buang to, trip ko lang naman talaga magmadali e. Nakarating na kami dito sa may parang hagdan, dito lang kasi ang walang tao kaya dito kami pumwesto. "Yan jan ka, yan ang ganda dalii. Cheese!!" Sigaw ko sabay pindot ng button sa camera "Ang ganda mo dali isa pa, hindi jan atras ka pa konte atras pa!" sigaw ko sakanya habang humahanap ng magandang pwesto. "Atras pa ng kont--" hindi ko na natuloy ang sinaabi ko ng bigla siyang sumigaw "AHHHHH" anak ng tupa muntik na siya mahulog. "Gagi muntik kana dun, halika ka nga" sabi ko habang pinupunasan siya "Pero yung cake nahulog n-" naputol siya sa pagsasalita dahil pag harap namin sa mukha ni B-burnok natapon yung cake. Hay patay! Lagot. Lumapit sakanya si Delia at pilit siyang pinupunasan, Pero imbes na magpapunas siya tinulak niya ng malakas si Delia kaya humampas ito sa pader. "Anak ng kabayo ka naman oh! Ba't mo tinulak!?' sigaw ko sakanya tinayo ko si Delia at patakbo akong pumunta sa harap netong mayabang na lalaki na to. "Bakit mo kailangang tulakin ha? Pwede mo namang pagsabihan ah. Napaka yabang mo! Hindi porke kayo yung pinaka mayaman na tao dito sa school mananapak kana ng ibang tao! Hoy para sabihin ko sayo pare-parehas tayong nagbabayad ng tuition dito kaya wag kang mayabang!" sigaw ko ulit sa mismong mukha niya "Tapos kana ba? Kasi mas may importante pa akong gagawin" tanong niya sakin habang tinitignan ang relo niya "Kasing pangit ng buhok mong parang dragon yang ugali mo!" inis na sigaw ko sakanya "You'll going to pay for this" sabay turo niya sa mukha't damit niya "Mamamo babayaran, yaman yaman mo tapos magpapa bayad ka pa para jan." bulong ko tapos tinalikuran siya, napaka epal ng lalaking yon palibhasa mayaman. Umalis na din sila at yung kaibigan ni Burnok na isa ay inabot sakin yung letter na kasama sa cake. *EndOfFlashback* At simula nung araw na yon, alam kong magbabago ang lahat sa pagitan namin. Days palang ang pagitan simula nung mangyari yon at hanggang ngayon nagaantay parin ako kung anong klaseng kabayaran ang gagawin ko para dun. Sana wag naman pera jusko milyon yata yung suot niyang yon, natatakot ako baka dahil sa cake na yon maghirap kami lalo. Hay buhay, Lord pwede niyo na po siyang kunin hehe —————————————————————— WSA by: Inkfluent Don't Forget to Follow. Thankyou!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD