5 A.M na nung gumising ako dahil mahaba haba pa ang lalakarin ko papunta sa bago kong school.
Lumipat ako ng school dahil sa bullying. I'm literally NERD that time.Sobrang kapal ng kilay and eye glass.4th year na ako ngayon at isang taon nalang college
na.Nakakainis nga e, mas lumaki yung babayaran ko na tuition yung school na iyon nalang kase yung may natitira vacancies para sa school year na ito kaya no choice na kami.
Alas-otso yung pasok ko at kailangan naming umalis ng Ala-sais dahil isang oras pa kaming maglalakad mula dito sa baryo hanggang sa sidyudad.Lumipat din yung bestfriend ko sa school na papasukan ko dahil pareho nakaranas ng bullying pero ang pinagkaiba namin mayaman sila at kami hindi.
Nagsimula na akong kumilos, inayos ko yung banig na pinaghihigaan ko at dumeretso sa banyo.Habang naliligo ako hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako marahil bagong community ang papasukan ko at hindi ako sanay.Natatakot ako baka maulit na naman yung bangungot na iyon.
Nakabihis na ako ng uniporme, paglabas ko ng banyo, nakahain na din ang kakainin namin ngayong umaga 'maaga kasing magsasaka si Tatay Berting sa bukid at magtitinda naman si Nanay Esting ng isda sa palengke.
Nagulat ako dahil bigla akong iniupo ni Nanay sa silyang gawa sa kahoy.Pinapikit niya ako at may ginawa siya sa akin, tumagal iyon ng higit bente minutos.Iniharap niya ako sa salamin at para akong- mahihimatay!!!
Ibang bersion ng sarili ko ang nakikita ko sa salamin, maganda at may korte na ang kilay, may cheek and liptint na din.Binigay ni Nanay sa akin ang isang parehas ng contact lense para hindi na daw ako magsalamin. Damn it! Is this me? Am i dreaming? If yes please wake me up.
Iniayos ni Nanay ang paglugay ng buhok ko.Damn!!! Hindi ako 'to gisingin niyo ko!!!! Ayoko sa panaginip na 'to!! Huhuhu.
"Ano anak nagustuhan mo ba? Pinahiram ako ni Delia ng mga pang make up para naman hindi kana ibully...nakangiti si Nanay habang sinasabi ito sa akin, at parang manghang-mangha siya sa nakikita niya...alam mo naman ayaw namin ng Tatay mo na nasasaktan ka."
"Halika kana anak kakain na tayo at baka mahuli pa kayo sa klase niyo" inaya na kami ni Tatay na mag almusal.
Mabilis na natapos iyon at sabay kaming umalis habang naglalakad dumaan ako sa bahay nila Delia, araw araw ko na itong ginagawa dati dahil kami lang naman talaga ang magkaibigan sa dati naming pinapasukan.
"Tao po delia tara na baka malate pa tayo" sigaw ko sa labas ng bahay nila, maya-maya lang lumitaw na si delia at wala siyang pinagbago kung anong itsura niya noon ganon pa din ngayon.
"Hoy te, ano 'to ako lang dapat may transformation? Pano naman ikaw?" tanong ko sakanya habang naglalakad na kami. 6 palang ng umaga pero nakasilip na agad si haring araw.
"Mmm..Ayokong baguhin sarili ko tsaka kahit naman mag make-up ako hindi ako tatablan non ikaw kasi anak mayaman ka at may lahi kang koreana" sabi niya habang naglalakad ng tulala.
"Hoy mayaman ka din naman ah, wala nga lang lahi hehe" napatawa pa ako ng mahina dahil dun.Nakita ko din siyang ngumiti.
Maya-maya pa bigla ulit siyang nagsalita
"Do you believe in love?" tanong niya sa akin.Taka naman akong nilingon siya dahil sa tanong niya.Anong nangyayare sa babaeng 'to?
"Love? Hmm well for me No. Love doesn't really exist in this world. That stupid love they called is for those hopelessly romantic."
"Paano kung mainlove ka? Ma love at first sight ka?" tanong niya ulit sa akin.
"Pagmamahal lang nila Nanay at Tatay ang kailangan ko para mabuhay, hindi ko kailangan ng iba para makumpleto ako." nakangiti pang sabi ko.
"Well i guess, kakainin mo din yang sinasabi mo ngayon pag may nakilala kang isang tao..." hindi ko siya maintindihan, parang may mali ee..."nga pala isuot mo 'to babagay ito sa'yo" humarap siya sa akin at nilagyan niya ng hair clip yung gilid ng buhok ko."
"Ayan ang ganda mo na lalo, sigurado akong madaming manliligaw sa'yong mga mayayaman dun Hahaha" nagtawanan nalang kami. Hindi ko napansin na nakarating na pala kami dito sa sakayan ng jeep papuntang WVH o mas kilala bilang 'Wilsonville High'
Sumakay kami sa jeep at nagbayad ng otso pesos.Singkwenta lang ang baon ko kaya kailangan ko itong tipirin ha! Kaya ko 'to! Habang papalapit kame ng papalapit sa school, pabilis naman ng pabilis yung t***k ng puso ko.
Tumigil ang sinasakyan namin nasa tapat na kami ngayon ng school madami na ding pumapasok na estudyante.Pag tingin ko sa relo ko 7:30 na, keri pa naman gusto ko sanang maglibot kaso kulang yung isang buong araw para malibot 'tong napaka laking school na 'to heh!
"Hala may transfer pala tayo ngayon?"
"In fairness ang ganda niya"
"Owemji ang ganda niya"
"Sana ako nalang siya, grabe!"
"Sis, sabi sa'yo ee ang ganda mo hahaha" iling nalang ang sagot ko sakanya. Di ko inexpect na ganito mangyayari tse.
"Hi miss, pahingi number mo"
"Witwiw..ang ganda mo miss"
"Bago ka lang dito?"
"Damn ang ganda niya"
"I can't take my eyes away from her!"
Bulungan ng mga estudyante ng magsimula akong maglakad papasok. Pumunta kami ni Delia sa Guidance Office para itanong kung saan ang class na papasukan namin.
"Good Morning po" sabay naming bati ni Delia
"Good Morning din, kayo yung mga transfer diba?" tanong samin ni Ms. Jelia ang guidance secretary.
"Opo, gusto lang po naming tanungin kung saan pong class kami naka assign?" tanong ko kay Ms. Jelia, may tinitignan siya sa laptop niya at parang may hinahanap.
"Hmm sa Class 1-B kayo" nagpasalamat naman kami at saka umalis. Hinanap namin yung classroom na sinasabi ni Ms. Jelia
Napadaan kami sa ibang classroom at may nakita kami isang Blackboard kung saan nakapaskil lahat ng Sections.Mula 1-5 ang section dito. Like Class 1-A, Class 1-B, Class 2-C, Class 2-D, and so on..
Matapos ang ilang minuto natunton na namin ang classroom namin.Napatingin pa samin ang ibang estudyante dun, hindi nalang namin sila pinansin humanap kami ng upuan namin na magkatabi kami kaso kamalas malasan nga naman talaga pagupo ko uupo na din sana si Delia kaso may biglang humila ng upuan patalikod at upo siya dun habang inaayos yung tamang pwesto ng upuan. Kaya.ang ending ang layo sakin ni Delia.
Nakakabanas 'tong lalake na to grr.Epal siya alam ba niya yon? Hindi porke gwapo siya, akala niya kung sino siyang may-ari ng school na 'to. Gusto ko siyang sigawan ng 'HOY FYI PARE-PAREHAS LANG TAYONG NAGBABAYAD NG TUITION DITO! PUNYETA KA, ANG YABANG YABANG MO KALA MO NAMAN KUNG SINONG GWAPO DAMN YOU! f**k YOU! I LOVE YOU-ESTE I HATE YOU!'
Maya-maya lang pumasok na yung teacher namin.Kaya inalis ko na sakaniya ang atensyon ko.
"Good Morning Class" masayang bati ng guro sa harapan. Nasa bandang kikod ako samantalang si Delia naman nasa bandang gitna.
"Good Morning Ms." Sabay sabay na bati naming lahat.
"Okay, Welcome to the Class 2000-2001, I'm Ms. Jenny Villanueva and I will be your Science Teacher." nakangiti pa din si Ms. Jenny habang yung mga kaklase ko naman ay parang bagot-bagot makinig.
"So before we start our lesson we need to do the introduce yourself infront para makilala namin kayo."
Bigla akong kinabahan, like sabi ng puso ko "Natatae ako, natatae ako, natatae ako" Hahahaha..
"Let's start from the back." sabi ni Ms. Jenny kaya agad na tumayo ang katabi ko.
Wow!! Tagalan mo ha kinakabahan ako.
"Hi I'm Rowelyn Reyes, Lenlen for short. I'm 18 years old and a future chef." sabi niya at ngumiti bumalik na siya sa tabi ko kaya agad akong sinenyasan ni Ms. Jenny na lumapit na sa harap kaya wala na akong ibang nagawa kundi tumayo. Ngisi ngisi pang tumingin sakin si Burnok este yung lalake kaninang nang-agaw ng upuan ni Delia.
'Introduce yourself Ms.' bulong sakin ni Ms. Jenny.
"Hi I'm Nathalie Riane Delivaux , Nath for short. I'm 17 years old and Half Filipino, Half Korean."
"Owem kaya pala gayan siya kaganda may lahi siyang korean"
"Ang ganda niya"
Bulungan ng mga Classmate ko.
"Transfer ka diba?" tanong sakin ni Ms. Jenny na nakapukaw ng atensyon ng classmate ko
"Yes po miss" sabi ko, hindi ko na maitago ang kabang nararamdaman ko huhu para akong kakainin.
"Why did you transfer her? Balita ko taga bukid ka daw ah?" tanong ulit ni Ms. Jenny kaya agad na nagbulungan ang mga classmate ko.
"Yes miss, taga bukid po ako and the reason why i transfer here is because of bullying." nakangiti pa din ako kahit na gusto ko ng magpakain sa lupang kinatatayuan ko.
"E nasaan ang mga magulang mo? Akala ko pa naman mayaman kayo" biglang hirit ng isa sa klasmate ko.
"Hmm yes mayaman kami or should i say mayaman yung pamilya nila. Nakatira ako sa adopted parents ko, i never meet my real family including yung kambal ko." nagulat sila sa sinabi ko.
"Huh? Bakit naman ganon? Bakit parang ang gulo?" tanong naman ng isang babae kong klasmate.
"Hmm ayaw ng lola ko sa mga kambal hindi ko alam kung bakit pero ayaw niya, kaya nung pinanganak kami ng kambal ko ibinigay ako sa pamilyang kinikilala ko ngayon"
"Hindi kaba nagalit sa totoo mong magulang nung nalaman mo yon?" si Ms. Jenny naman ang nagtanong ngayon
"Ahh hindi po, actually nagpapasalamat na nga po ako sakanila kase binigay nila ako kila Nanay ngayon, dahil po sakanila natuto akong magpahalaga ng mga bagay na meron ako at sa mundong ito sila lang ang tanging kayaman ko." lumawak ang pagkakangiti ko ng sabihin ko yon.Nagpalakpakan naman sila dahil daw ang talino ko, at ang galing.
Umupo na ako at tinawag naman si Burnok, ang cute kaya ng 'burnok' tutal hindi ko naman siya kilala 'burnok' nalang itatawag ko. Hmm....pwede pwede!
"Kel Rajie Valensiza" yun lang ang sinabi niya at umupo na. Hanep! Pwede palang ganon kung ano ano pa sinabi ko tss.
Mabilis na natapos ang oras at lunch break na, pero hindi pa din ako tumatayo sa inuupuan ko. Lumapit na sakin si Delia at nagaayang kumain.
"Hoy Nath tara na, kakain na tayo"
"Ayoko kulang ang baon ko tsaka ang mahal ng mga pagkain jan 'kailangan kong mag tipid." naka smile lang ako sakanya at wala siyang nagawa dahil ayoko talaga, sayang kasi pandagdag din 'to sa ipon kong pang tuition. Nagpakawala nalang siya ng malakas na buntong hininga kaya pati tuloy yung panis niyang laway naamoy ko. Hahahaha.
Umalis na siya, at ako naman nagstay lang sa room 'ako nalang magisa dito dahil nga lunch break na.Kinuha ko nalang yung notebook ko at sinulat dun lahat ng pumapasok sa isip ko.
Hmm naisip ko kase why not gumawa ako ng 'Boyfriend Commands' hehe wala lang in case lang naman na bigla akong maniwala jan sa love love na yan heh!..
'MY SOULMATE SHOULD DO THIS:'
1. He will make my world's slowmo, and he will make my heart beats faster.
2. He will accept all my flaws and imperfections.
3.Hold my hand while walking, kinda corny but i think it's sweet haha.
4.He will love me despite of all the insecurities in me.
5.Be with me, today, tomorrow, and forever.
6.Should respect me and my family.
7.My man will love my family the way he loves me.
8.Looking forward for our future.
9.Dance with me under the moon and stars with bonfire, while playing the song "How would you feel"
Hindi ko na natapos yung pagsusulat dahil biglang kumalabog yung pinto at iniluwa neto si Burnok na naglalakad papasok. Sa hindi ko maintindihan na dahilan biglang tumigil ang mundo at parang siya at ako nalang yung nakikita ko.Nag slowmo ang mga tao sa paligid at pabilis ng pabilis yung t***k ng puso ko habang papalapit siya.Natinag lang ako at bumalik sa reyalidad ng bigla siyang magsalita.
"Baka naman sa kakatitig mo nyan sakin e matunaw ako?" confidient na tanong niya. Hanep! Masyadong feelingero kung sipain ko kaya ngala-ngala neto?.
Tss.
"Hoy ang kapal ng kalyo mo sa paa, paano mo nasabing tinitignan kita ha!?"
nakakabanas 'tong burnok na to.Tinititigan ko daw siya? Hah! Ako? Sa ganda ko 'to? Char.
"Halata naman e, anong sinusulat mo jan? Patingin ako!" sigaw niya habang papalapit sakin.Agad kong inilayo sakanya yung notebook ko.Nakakahiya huhu.
"Patingin nga kasi ang damot mo!" sigaw na naman niya habang pilit kinukuha yung notebook.Tumalikod ako sakanya kaya ang ending nakayakap siya sakin ng patalikod. Bahagya akong nagulat at naging dahilan yon ng unti unti kong pagkawala sa sarili.
Damn! Why am I feeling like this? My heart beats fast! My world takes in slow-mo mode.This is the first time i feel like this for someone.I need to stop this! Makakasira 'to sa pag-aaral ko, walang lugar sa puso ko yang mga lovelife na yan.
Natauhan lang ako ng bigla niyang hugutin yung notebook ko, mabilis niyang binabasa yung nakalagay dun 'manghang-mangha siya sa binabasa niya na akala mo first time lang niyang maka kita ng ganon.Habang binabasa niya yon tinitigan ko siyang mabuti.
Gwapo, Matangos ang ilong, Mapungaw at maganda ang abo nitong mga mata, Mapulang labi ang sarap i-kiss...Este ang sarap sapakin ng mukha niya kamukha niya yung pwet ng palaka grr!! Ano ba kasing sinasabi ko? Damn!.
"Hindi ka pa nagkaka boyfriend?" tanong niya sakin pero nakabaling parin ang atensyon niya sa notebook ko.
"Oo, at ano bang paki mo? Akin na nga yan! Paki-alamero ka masyado!" sigaw ko sakanya sabay hablot ng notebook ko, tumakbo ako palabas dahil sa sobrang kahihiyan! Huhuhu nabasa na niya nakakainis naiiyak ako.
Bahala na nga si Superman! Grr!!
——————————————————————
WSA by: Inkfluent
Don't Forget to follow. Thankyou!