DINALA na ni Yssa sa banyo ang nalabhang polo shirt. Naroroon ang washing machine at marahil ay narinig pa ni Mike ang pagpihit niya sa timer. She silently wished na huwag sanang magloko ang dryer. Madalas ay ayaw niyong gumana. At nakakalimutan naman niyang patingnan sa service center. Bumalik siya para ligpitin ang naging kalat. Ngunit napatda siya nang makita ang anyo ni Mike. Pinatay na nito ang sindi ng kandila at liwanag mula sa ceiling lamp ang bumabaha sa kusina. He was a picture of total mess. May natira pang chocolate sa dibdib nito, ang harapan ng pantalon ay basang-basa sa kung anu-anong likido. “Don’t you feel filthy?” nakangiwi niyang tanong. “Is the blood red?” Napailing siya at humakbang pabalik sa kuwarto. “Ihahanap kita ng puwede mong isuot.” Naghanap siya sa mga di

