HANDA na ang lahat. Ang hindi maunawaan ni Mike ay kung bakit para siyang natetensyon. It was a good thing na siya ang may hawak ng ekstrang susi ng unit ni Yssa. He was going to surprise her. Walang kamalay-malay ang dalaga na naroroon siya sa unit nito. Umuwi sa Sto. Cristo si Yssa para ihatid ang damit na gagamitin ng entourage sa kasal. He offered to drive for her ngunit tumanggi ito. Alam nitong may importanteng meeting siya noong hapong iyon. Sa halip ay pinasamahan na lang niya ito sa driver. Right after the meeting ay tumanggap siya ng tawag mula sa kinontrata niyang jeweller. Tapos na raw ang wedding ring. Hindi alam ni Yssa ang tungkol doon. Then it occured to him, he was going to surprise her. At bago pumunta sa isang restaurant ay tinawagan pa niya ito para tiyaking maka

