INAKO ni Senyor Miguel ang pagiging magulang kay Mike. Jose Agustin was happy to know his son was getting married. Ngunit hindi nito itinago ang pagkabigla nang malamang siya na sekretarya ni Mike ang pakakasalan. He expected one of those sophisticated women to be Mike’s future bride; gayunman ay wala namang pagtutol mula rito na siya ang nakatakdang pakasalan ng binata. Sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono ay ipinahayag nito ang pagbati sa kanya. He had this regret na hindi ito makakasama sa pamamanhikan. He had a business conference abroad. At dalawang linggo pa itong mamamalagi sa ibang bansa. Bago naputol ang linya ay mahigpit ang pakiusap nitong hintayin ang pagdating nito para naman makadalo sa engagement party nilang dalawa. Mike made a promise at pagkatapos ay nagbiyahe na s

