YSSA heard knockings at her door ngunit wala siyang pakialam. Napuyat siya sa concert ng tilaukan ng mga manok. At wala siyang gustong gawin kung hindi ang matulog. Naulit ang mga pagkatok. Kinapa niya ang unan at tinakpan ang tainga. Kayang-kaya niyang habulin ang antok. Kung sinuman ang kumakatok, bahala siya sa buhay niya, saloob-loob niya. Oh, thanks! piping usal niya nang tumigil ang pagkatok. Namaluktot pa siya sa pagkakahiga at inihanda ang sarili sa mas mahabang pagtulog. SHE WAS dreaming. Nilalantakan niya ang isang spring chicken. Para siyang hindi pinakain ng isang linggo. Eksaktung-eksaktong sa kanya ang TV commercial ng nasabing restaurant. Sarap to the bones! Puro buto na lang ang nakalagay sa plato niya. The last part was in her hand, chicken wings. at dahil nag-aapura s

