MULAT na mulat ang mga mata ni Yssa. Taliwas kanina na mariing-mariin sa pagkakapikit. Napagod na siya roon. She thought she was different from other women. Na kaya niyang tulugan ang nangyari. Ngunit pareho lang din siya ng iba. She couldn’t find sleep. She could still feel the warmth of Mike’s mouth on hers ngunit mas matimbang ang dahilang shocked siya sa nangyari sa kanila ng binata. She couldn’t believe it. Na posible palang may mamagitan sa kanila ni Mike na katulad niyon. Hindi niya mawari ang pakiramdam. Parang gusto niyang mahiya ngunit ayaw naman niyang pagsisihan ang nangyari. She liked it. She enjoyed his kisses. At parang gusto niyang gayahin ang commercial ni Serena. Isa pa! Isa pa! Napangiwi siya at itinabon sa mukha ang isang unan. Iyon ang talagang nakakahiya na. Ano

