UNANG bumagsak ang katawan ni Mike sa sahig. Sa iglap na sandali ay nagawa nitong ganap na ipailalim ang sarili para protektahan siya. At naramdaman pa niya ang paghawak ng kamay nito sa kanyang likod para lalo siyang maalalayan. “Ouch!” Bahagya siyang bumangon. Nasa ibabaw siya nito at ganoon na lang ang pag-aalala niya sa narinig na pagdaing nito. “Mike?” Hindi niya alam na mula sa kanya ang dahilan ng sakit na nararamdaman nito. Unconsciously ay nakatukod ang kanyang kamay sa dibdib nito. Ang bigat niya ay nasasalo nitong lahat. Kumilos ito. Ang kamay nitong nasa likod niya ay lumipat sa kanyang braso upang tanggalin ang pagkakatukod niyon. She obliged. Ngunit ang nangyari ay nawala ang balanse niya at napasubsob siya sa dibdib nito. His masculine scent filled her senses. Alam niya

