HAPUNAN na nang muli nilang makaharap ang senyor. Hindi na natuloy ang pagsama ni Mike sa kamalig. Alam ng binatang hindi na kailangan iyon dahil nagkausap na sila sa library. Yssa was very fresh that evening. Hapon na nang magising siya at halos madalian ang ginawang paliligo para hindi siya mahuli sa paghihintay ng maglolo sa hapag. Tahimik silang nagsalo sa hapunan. At wala siyang magawa kung hindi ang paminsan-minsang pagsulyap sa binata. He was still attentive to her ngunit lubhang malakas ang tensyon sa paligid. At tila nakakadagdag pa ang kawalang-pag-uusap sa kanilang tatlo. Tanging ingay ng kubyertos ang pumupuno sa hapag. Matatapos na silang kumain nang basagin ng senyor ang katahimikang iyon. “I usually get up at four. Alas-singko ay isinisilbi na sa akin ni Juling ang almus

