Nakapamili na si Ken ng sapatos at sobrang saya n'ya. Sobrang natuwa din sa Ren kay Ken dahil masusi nitong pinipili ang mga sapatos. Katulad na katulad ko raw ito kung kumilatis ng mga sapatos. Matagal at mabusisi. Marami rin daw silang napag-usapang uri ng rubber shoes, kayang tuwang tuwa si Ren sa pakikipag kwentuhan kay Ken. Kinilatis din nito si Riz, at mukha namang approve ito kay Ren. Panalo na raw ako kay Riz at Ken, dahil masayang kasama ang dalawa. At walang kaarte arte sa katawan si Riz at siguradong makakasundo ito ng tropa. Para kasi sa akin, malaking factor din kung magugustuhan ng tropa ang taong gusto ko. Kadalasan kasi, hindi natin nakikita ang pangit na ugali ng taong gusto natin. Bulag tayo sa ganoong bagay, at tanging ang mga tao sa ating paligid ang nakakakita kung

