Nakarating na kami sa SM, kumain muna kami ng lunch at dumiretcho na sa sinehan. Mabuti na lang at may slot pa sa gustong panoorin ni Ken at sakto lang ang dating namin. May 30 minutes pa before mag-start ang palabas. "Bibili muna ako ng pagkain, ikaw Ken ano ba gusto mo?" tanong ko. "Sasama na lang po ako sa inyo kuya," sabi ni Ken. "Papasok na ako para makapaghanap na ng upuan. Ito ang mga ticket n'yo, Ken 'wag kang makulit ha, kunin mo lang 'yung kaya mong ubusin. 'Wag puro chips," paalala ni Riz kay Ken. "Kayo na bahala sa pagkain ko kaya n'yo na 'yan," dugton ni Riz. Ganito pala ang pakiramdam ng may asawa at anak, ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko ma-explain 'yung saya. Nagpunta na kami ni Ken sa grocery store. Habang namimili kami ni Ken ng makakain. "Kuya mukhang kabisado n'yo

