Pakiramdam ko, gustong paluin ni Riz ang kanyang anak. Pero dahil nandoon ako, hindi n'ya ito magawa. Kinindatan ko si Ken at sumagot naman ito ng isang malaking ngiti. Pa baling baling ang tingin sa aming dalawa ni Riz. "At talagang may kindatan pa kayong nalalaman d'yan! Hay nako!" sabi n'ya sa amin, mukhang wala na ring maisagot si Riz sa mga sinabi ko kanina. Napanatag na ako na hindi na n'ya ito tatanggihan at ibabalik, kaya inalis ko na ang aking mga kamay sa kanyang balikat at nginitian ito ng nakakaloko. Umirap ito sa akin, ang cute n'ya talaga pag napipikon. "Teka nga, Ken hindi mo aayusin 'yung higaan mo! At hindi ka pa pala nag-aayos! Magpunas ka nga muna! Ikaw talaga bata ka! Anong oras na!" sabi ni Riz sa kanyang anak, sabay hampas ng unan dito. "Oy, mommy 'yung DSLR ko, b

