Chapter 9

2320 Words
"Mr. Mark Jerson Ocampo," tawag sa akin ni France, galing kasi itong sa guard para kunin ang pina-deliver n'yang pagkain. Habang inaabot ang package, ay bakas sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan kung sa akin nga ba talaga ang package o hindi. "Delivery para sa 'yo? Isabay ko na raw paakyat dito, ibinilin mo raw kasing iakyat kaagad pagdumating ang package. Sabi ni manong guard?" takang takang tanong ni France. "Ay, salamat. Sakto, lang ang dating nito. Baka kasi mabagsak pa 'to sa baba o madagaanan, mahirap na baka masira." Napansin ko na parang 'di ito makapaniwala na para sa akin ang package. "At bakit tol, masama bang magpa-deliver?" balik kong tanong. Kinuha ko kaagad at binuksan. "Weird lang kasi." Sumandal ito sa aking lamesa. "Ang kilala ko kasing Jerson hindi bumibili sa online. Dahil sa kakuriputan sa shipping fee, at sobrang mitikuloso sa pagpili. Pero heto ka bumili online? At ano naman ba 'yang binili mo?" tanong ni France, habang pilit na tinignan ang laman ng kahon. Hindi ko muna ito pinansin dahil abala ako sa pagbubukas ng package. Pero alam kong nakatingin s'ya habang nilalabas ko kung anong laman ng package. At hindi ako tatantanan nito hanggat hindi na lalaman kung ano ang aking pina-deliver. Dahan-dahan ko itong inilabas sa kanyang kahon. Sakto at tamang tama sa napagkasunduan namin ng binilhan ko. "Wala na akong time pumunta sa store nila. Tutal sa kanila ko naman binibili ang mga accesories ng camera ko kaya alam kong good quality ang ibibigay nila. Ako na rin ang sumagot ng delivery fee, para pumayag silang i-delivery dito directly sa office itong item. Para mamamya diretcho na ako kayna Tito," paliwanag ko kay France. "Tol! Ikaw ba talaga 'yan? Teka nga!" Hinatak ako nito paharap sa kanya at hinipo ang noo. "Wala ka namang lagnat," sabi n'ya. Nagulat ako sa paghatak n'ya sa akin, buti na lang at hindi ko nabitawan ang hawak ko. "Tol! Mabaka masira! Ikaw ang ipapalit ko rito!" bulyaw ko kay France. Nang laki ang kanyang mga mata ng mapansin na n'ya kung ano ang hawak ko. "What! Bumili ka ng bagong DSLR! Brand new! Teka, ito yung latest model hindi ba? Wait hindi ma-process ng utak ko." Napahawak pa ito sa kanyang noo. " 'Di ba mayroon ka na n'yan? Ba't bumili ka pa? Saka brand new!" gulat na gulat na sabi ni France. Ganoon ba ako kakuripot para magulat talaga si France ng ganito? Ngiting ngiti ako habang tinitignan ang DSLR na hawak ko. Ang ganda kasi at tamang tama para sa kanya. "May pagreregalohan lang ako kaya huwag ka ngang OA d'yan! Bakit ba!" sabi ko kay France. "Nakan naman? DSLR regalo? Tol, matagal na tayong magkaibigan pero ni minsan hindi mo ako niregaluhan ng tataas sa 500! Partida, pang- exchange gift pa 'yon, kaya ka napilitang bumili ng worth 500 na regalo! May kasama pang sama ng loob 'yon!" sabi ni France sa akin. "Iba na talaga ang promoted at inlababo hanep ka Tol! Wala akong masabi," kantiyaw ni France habang sinisipat ang DSLR na binili ko. Sa lagay na 'yon, wala pa s'yang masabi. Napaka galing. "Grabe naman 'to! Hindi ito 'yung bagong model, kahawig lang at pang beginner 'tong model na 'to kaya hindi ganoon ka pricey. Brand new at complete accessories na ang binili ko para magandang gamitin," pagmamalaki ko kay France. Natulalala na lang ito sa aking mga sinabi. "Tol, wala tapos na ang laban." Umilingiling ito. "Ganoon talaga, alam ko kasing magagamit 'to ni Ken. At mas ma-improve n'ya ang skills n'ya paggamit n'ya 'to. Pagkatapos, tuturuan ko s'ya ng mga technique para mas gumanda ang mga kuha n'ya," pagmamalaki ko. Na-imagine ko na ang kakalabasan ng mga shots n'ya at plaplanuhin ko kaagad ang mga ituturo ko sa kanya. Excited na ako. Napansin kong nakakunot ang noo ni France, waring malalim ang iniisip. "Wait, Ken? Ken, akala ko kay Riz mo ibibigay! Wait, Ken, 'di ba 'yon 'yung anak ni Riz na lagi mong pinupuntahan tuwing day-off mo?" tanong ni France. Paano n'ya na nalaman ang pangalan ni Riz? "Bakit ang chismoso mo 'no? At paano mo naman nalaman ang lahat ng 'yon?" Wala  akong ikinekwento sa kanya tungkol kay Riz. Ni pangalan n'ya ay hindi ko binabanggit, alam ko kasing i-stalk n'ya ito. Ang alam lang n'ya ay umuuwi ako sa mga Tito ko tuwing weekends. 'Yon lang, wala ng iba. Ngumiti ito ng nakakaloko at tumawa. "Hehehe, e na kita ko lang d'yan sa phone mo. Minsan kasi naiwan mong bukas 'yang cellphone mo, tapos itong kamay ko, gumalaw ng kusa! Alam mo pinipigilan ko nga e. Kaso makulit, ayaw magpapigil! Kaya hindi ko sinasadyang nakita 'yung mga chat mo sa kanya," sabi nito na akala mo ay batang nagpapaliwanag. "Pero promise! Wala akong binasa, nakita ko lang, na pauwi kana at tinatanong mo si Riz kung anong gusto ni Ken na pasalubong. 'Yon lang promise." May pagtaas pa ito ng kamay na akala mo ay namamanata. "France, ano pa?" seryoso kong sabi. " 'Yon lang! Cross my heart!" sagot ni France. Tinitigan ko lang ng masama si France. "Mabaog, 'di na magka-girlfriend," banta ko. "At, at kaunting pagsunod sayo tuwing day-off mo. Tol, ang ganda pala ni Riz, parang walang anak ang sexy parin," "France!" sigaw ko kaya hindi na n'ya naituloy kung ano man ang kanyang sasabihin sa gulat n'ya. "Sorry, relax, hindi na. Pero promise, wala na last na 'yon, wala na talaga," sabi ni France. Napakamot din ito sa kanyang ulo. Ngumisi na lang ako. "Sira ulo ka talaga," mapang-asar kong sabi. Kumalma na kaming dalawa at nagtawanan na lang. "Hindi nga Tol I'm happy for the both of you, lalo na pag magkakasama kayong tatlo at nagtatawanan. Tol, ngayon lang kita nakitang ganoon ka saya. Ibang iba ka tuwing kasama sila. Hindi kana rin subsub sa trabaho at palagi ka ng masaya, kaya suportado kita. Hindi tulad ng mga nakaraang taon, halos dito ka na tumira. Sobra mong nilulunod ang sarili mo sa trabaho. Pero ngayon, tignan mo, may pinaglalaanan ka na ng lahat ng pinaghirapan mo. Tol kung saan ka masaya, susuportahan kita," nakangiting sabi ni France. "Salamat Tol," sabi ko. "Tol maiba ako, saan ba tayo bukas after work?" tanong ni France. "Uuwi ako kay na tito, naka-leave ako bukas," sagot ko. "Ha! Naka-leave ka?! Bakit! At himala gagamitin mo ang birthday live mo, for the first time?! Talaga namang iba ang nagagawa ng pag-ibig." asar ni France na may halong panghihinayang. "That's life, gusto ko kasing mapasaya si Ken. Birthday n'ya rin kasi bukas," paliwanag ko. "Ay kaya naman pala ipagpapalit mo ang birthday mo sa birthday ng anak ni Riz. Wala na talaga akong masabi ikaw na talaga Tol, ikaw na," bilib na bilib na sabi ni France. Tumawa lang ako sa narinig ko, excited na rin kasi ako umuwi, hindi dahil birthday ko. Kung hindi dahil alam kong magugustuhan ni Ken itong regalo ko. Hindi ako mapakali at maya't maya ang tingin sa orasan. Gusto ko ng matapostang shift ko, kaya minadali ko ang mga dapat kong ayusin. Sa sobrang excited ko ay inagahan ko ng mag-out para makarating ng maaga kay na tito. Buti na lang at pinayagan kaagad ako ng Team Leader namin. Nagmamaneho na ako pauwi. "Tito, on the way na po ako sa inyo," tinawagan ko si Tito. "Ay sige sige, wala kasi kami ng tita mo ngayon sa bahay, luluwas kami. Nandoon naman sina ate," sabi ni Tito. "Ah, ganoon po ba. Sige po," sagot ko. "Teka hindi pa naman weekends, birthday live? Advance happy birthday MJ," bati ni Tito. "Salamat po Tito, birthday po kasi ni Ken bukas. Kaya po ako uuwi," sagot ko. 'Yon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nag-leave. Kahit hindi ko birthday, mag-leave talaga ako bukas, para i-celebrate ang birthday ni Ken at ibigay itong regalo ko. "Ay oo nga! Birthday nga rin pala bukas ni Ken. Oh ano balak mo," tanong ni Tito. "Kung pupwede po e, aayain ko po sanang lumabas sina Ken at Riz o kaya kung may handa sila tutulong sa handaan," sabi ko kay Tito. "Ang pamangkin ko, ang laki na ng pinagbago. Pero baka lumabas lang 'yung mag-ina, ganoon naman sila taon taon. Binatilyo na kasi si Ken, nahihiya ng mag-birthday party," sabi ni Tito. "Much better, sige po salamat po bye ingat po kayo sa byahe," paalam ko kay Tito. Lalo akong na-excite, para bukas. Sana pumayag silang isama ako sa lakad nila pero kung hindi naman ay ayos lang.  Maibigay ko lang itong regalo ko kay Ken at magustuhan n'ya 'to ay masaya na ako. Halos hindi ako makatulog magdamag, panay ang tingin ko sa binta kung umaga na. O kaya sa orasan, daig ko pa ang mag-fieldtrip sa sobrang excited. "Tao po, Riz," tawag ko mula sa kanilang gate. Inagahan ko talaga ang pagpunta, gusto kong ako ang unang bumati kay Ken bukod kayna Riz at sa mga Lolo at Lola nito. "Sino 'yan? Sandali lang," sigaw ni Riz. "Si Jerson 'to," sagot ko. Ilang sandali pa ay lumabas si Riz. "Oh! Ba't ka nandito 'di ba kaka-day-off mo lang?" nagtatakang tanong ni Riz. "Day-off ulit," nakangiti kong sagot. "Nako, hindi nga? Teka pumasok muna," Pumasok na kami sa loob. " 'Yung totoo bakit ka nga nandito? May nangyari ba?" tanong muli ni Riz. "Day-off ko nga I'm the boss, ako ang batas kaya kung gusto kong mag-day-off magde-day-off ako," mapang asar kong sabi. "Loko!" sabi ni Riz sabay batok sa akin. Napakasaya kong makita si Riz na nakangiti. Ngiti lang n'ya sapat ng regalo para sa akin. Pagpasok namin ay inaya n'ya akong maupo muna. "Mommy ikaw na!" sigaw ni Ken mula sa CR. "Sige susunod na ako," pasigaw na sagot ni Riz. Binaling na nito ang kanyang tingin sa akin. "Aalis kasi kami, pasensya ka na sa itsura ko. Saglit lang maliligo lang ako. D'yan ka muna ha," paalam ni Riz. "Ah ganoon ba? Sure hintayin kita dito," sabi ko. Naupo ako sa sala at ini-ayos ang paperbag na dala ko. Maya-maya pa ay lumabas na si Ken. "Kuya, kamusta na po? Nandito po pala kayo?" bati ni Ken. "Happy birthday Ken!" bati ko sabay abot ng reagalo. "Salamat po, ano po 'to?" Kinuha niya ang paperbag na iniabot ko. Kitang kita ko na nasasabik na s'yang buksan ang paperbag. "Buksan mo," sabi ko. Binuksan n'ya naman ito kaagad. "Wow DSLR! Kuya, ang mahal nito sa akin po 'to?" tanong ni Ken. Abot tenga ang ngiti niya habang hawak-hawak ang DSLR. "Yup sa 'yo 'yan, alam ko kasing magagamit mo 'yan. Naalala ko kasi noong may project ka na photography, 'di ba pinahiram kita ng DSLR ko para mas magaganda ang kuha mo. Nakita ko ang mga shots mo at ang gaganda nila. Nabanggit din ng mommy mo sa akin na hilig mo daw talaga kumuha ng pictures," sabi ko habang binubuksan ang DSLR na regalo ko. "Opo kuya mahilig po talaga ako kumuha ng mga pictures. Salamat po talaga kuya gustong gusto ko talaga 'to!" tuwang tuwang sabi ni Ken. Kitang kita ko kung gano ni Ken nagustuhan ang regalo ko. Pakiramdam ko, nakatanggap din ako ng regalo sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Walang mapagsidlan ang kanyang mga ngiti lalo na ng hawak hawak na n'ya ang regalong bigay ko. "Try it, tignan ko nga kung natatandaan mo pa ang mga tinuro ko sa 'yo," hamon ko kay Ken. "Opo naman kuya. Natatandaan ko pa lahat! Sa pagfo-focus at pagpili ng lenses!" tuwang-tuwang sabi ni Ken. Nagsimula na s'yang kumuha ng litrato, kahit hindi pa ito nagsusuklay at nakakapag ayos. Maya maya pa ay ibinida na n'ya ang kanyang mga kuha sa iba't ibang subjects. At hindi ako nagkamali ang gaganda ng kuha n'ya kahit simpleng subjects lang tulad ng figurines. Pang-amature man pero alam mong may passion s'ya sa photography, at kitang kita ko sa mukha n'ya ang sobrang saya. Habang pinapakita ko ang iba pang features ng camera ay lumabas na si Riz. "Ken, 'yung hinigaan mo! Aba! At talaga nga namang hiniram mo na naman 'yang DSLR ni Jerson. Nako pagnasira mo 'yan," saway ni Riz. Tinitigan lang namin ni Ken si Riz at tumawa, nanay na nanay ang dating ni Riz. Naka pamewang pa ito at naka balot ang ulo ng towel. "Easy Riz, sa kanya 'yan. Regalo ko 'yan kay Ken," sabi ko. Nang laki an mga mata ni Riz at mabilis na naglakad papunta kay Ken para kunin ang kamera. "Anong regalo?! Ay hindi, nakakahiya ang mahal nito!" gulantang na sabi ni Riz. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ang kamera at muling inabot kay Ken. Nakatitig lang sa amin si Ken, napagitnaanan kasi namin s'ya. "Riz, ano ka ba 'yan ang hilig ng anak mo. Magagamit n'ya 'yan at 'wag kang magalala hindi naman ganoon ka pricey 'yan okay relax," sabi ko kay Riz. Pinapakalma ko ito, nakita ko rin ang reaksyon ni Ken na nagulat sa mga sinabi ng kanyang mommy kaya tumingin ako sa kanya at nginitian ko ito. Na waring sinasabi ko na akong bahala sa mommy mo. Namumula kasi si Riz dahil sa hiya at parang gustong ibalik sa akin ang iniregalo ko kay Ken. "Nakakahiya Jerson kahit na," ulit na sabi ni Riz. "Para 'tong ewan, regalo ko 'yan para kay Ken, hindi para sa 'yo, tapos ibabalik mo? Ano kaya 'yon. At saka masaya ako sa ginagawa ko, kaya 'wag ka ng mahiya okay lang 'to. Kumalma ka," sabi ko kay Riz. Hinawakan ko ito sa kanyang mga balikat at inalog alog. "Oo nga mommy, bigay naman sa akin 'to ni kuya kaya say cheese!" sabi ni Ken, napatingin kami kay Ken at kinuhanan na n'ya kaming dalawa ni Riz bilang subject n'ya. Pakatapos kuhanan ay napahinto kami ni Riz, dahil sa gulat. Samantalang si Ken ay humahagikhik kakatawa. "Ganda ng itsura ni mommy! Ang taba taba," asar ni Ken.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD