"Kanina pagkatapos kong kausapin si lola sa phone mo, nakita ko 'yung wallpaper at lockscreen ng cellphone mo. Ano kasi 'yung picture talaga natin? At saka saan mo nga pala nakuha 'yung mga pictures na 'yon?" bungad ni Riz na kakalabas lang ng cr. Halatang nag-aalanganin ito kung itatanong n'ya ang tungkol doon. Kasabay nito ay umupo ito sa sofa bed habang pinapatuyo ang kanyang basang buhok. Inabutan ko 'to ng kape para mainitan ang kanyang tyan. Umahon na kami pagkatapos maglangoy sandali. Maghahating gabi na rin kasi at pinaahon na kami ng ang mga life guard. "Ah 'yon ba?" Napangiti ako bigla. "Nakuha ko kay Lolo 'yung soft copy ng photos natin noong anniversary nila. Marami pa 'yan actually, pero 'yan ang pinaka maganda sa lahat. Tapos yung picture natin sa mural walla, humingi naman

