Napakamot na lang ako sa ulo, matapos kong iabot kay Riz ang damit, naisip ko kasing sa suot ni Riz ay siguradong lalamigin s'ya. Kaya ayon, 'di ko naman akalaing ganoon na lang ang magiging reaksyon ni Jainee. Natanaw ko si Ralf at sinenyasang lumapit. Kinantyawan na nila ito at dahil alaskador silang lahat ay ikuha ni Ralf ng damit si Jainee. At syempre 'di papadaig sina Elvie, Kit, Heart at Gina, ayun sariling sikap ang mga ito sa pagpunta sa kanilang kwarto kahit pagewang gewang para kumuha ng damit o towel. "Lord naman, akala namin si Jainee lang ang ikinasal. Pero hindi! Mas nainggit pa kami sa kasama ni Riz," bulyaw ni Heart pagkabalik nito sa lamesa. "Si baby Ken, nasaan? S'ya na lang ang mag-asikaso sa mga ate n'yang magaganda. Ken!" tawag ni Kit sabay upo sa upuan. Lasing na n

