Chapter 3

4133 Words
TATLONG linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng ‘yun. Buhat nang mangyari ‘yun ay napag-isip-isip ni Jude na tuluyan na talagang iwasan niya si Stephen. Hindi na niya hahayaan pang maapi ng lalakeng ‘yun. Bukod sa wala siyang karapatan ay hindi niya alam ang tunay na istorya ng buhay niya. Naghahanda na siya noon na magtungo ng eskwelahan nang mapansin niya ang isang memory card pagkabukas niya sa drawer. Sigurado siyang memory card ‘yun ng digital camera. Kinuha niya mula sa kanyang bag ang kanyang digital camera at in-insert doon ang memory card. Mga ilang segundo pa bago nag-load ang mga files doon. Nakita niya ang mga sari-saring larawan nilang dalawa ni Andrew doon at ang mga kaibigan nila. Napahinto siya saglit at naupo. Masayang-masaya sila noon sa larawan. May mga larawan doon na binuhat siya ni Andrew, hinahabol siya ni Andrew at iba pa. Isang masayang alaala ang iniwan ng mga larawan doon. Muling kumirot ang dibdib ni Jude habang pinagmamasdan niya ang mga larawan doon. “Hindi ko naisip ‘to ah. Ang saya pala natin noon, Andrew. Lalo tuloy kitang na-miss.”, muli na namang umiyak si Jude. “…hindi ko pa rin matanggap na wala ka na. Masakit pa rin hanggang ngayon ang pagkamatay mo.”, dagdag pa ni Jude. Malaya muli niyang nilabas ang nararamdaman sa mga oras na ‘yun. HANGGANG matapos ang lahat ng klase nila ay nagkanya-kanya muli sila sa kanilang mga destinasyon. Pauwi na si Jude noon nang batiin siya ng apat na magkakaibigang sina Venus, Emmie, Dianne, at Rhea na pawang mga kaklase din iya. “Hi, Judelo”, bati ni Venus sa kanya. “Hello”, bati naman ni Jude na tila nahihiya. “Wag kang mahiya sa amin. Mababait kami. Ako nga pala si Venus Llanares. Magkaklase tayo diba.” “Ako nga din pala si Dianne Geronimo”. “Emmie Sandoval. Nice to meet you”. “Rhea Olivares”. Napangiti si Jude. Alam niyang mabubuti ang mga babaeng ito. “Ako si Judelo Miranda but you can call me Jude as in Jude Miranda”, pagpapakilala ni Jude sa sarili. Ngumiti ang apat na dalaga. “Nice to meet you, Jude. Alam namin ang pinagdadaanan mo. Hayaan mo na ‘yang Stephen Roa na ‘yan. Alam namin ang ginawa niya sa’yo noong isang araw. Ako pa sa’yo sapakin ko ‘yun eh. Ang feeling gwapo niya talaga! Feeling! Feeling! Hayaan mo na ‘yun.”, ani Venus. Natawa naman si Jude. “Hinahayaan ko na siya. Iniiwasan ko pa nga siya eh.”, medyo natawa si Jude sa sinabi. “Hayaan mo, nandito lang kami”, sagot ni Emmie. Hindi na nagtagal pa ang pag-uusap ng mga bagong magkakaibigan. “Bukas ulit”. Umuwi si Jude na napangiti. May mga kaibigan na siya sa school. At least mababawasan ang kanyang pagiging loner. Naramdaman niya kaagad na tunay na mga kaibigan sina Venus, Emmie, Dianne, at Rhea. Medyo nabawasan rin ang kanyang lungkot. Siguro may makakausap na siya at hindi na magiging masikip ang dibdib niya. Kinuha niya ang larawan ni Andrew mula sa kanyang notebook. “Andrew, may ilang bagong kaibigan na ako. Siguro mas magiging masaya pa ako kung nandirito ka pa. Miss na kita. Mahal na mahal kita Andrew”, pagkasabi no’n ay hinalikan ni Jude ang larawan ni Andrew. NASORPRESA naman nang husto si Stephen pag-uwi niya sa kanilang bahay nang tumambad sa kanyang harapan ang nakatatanda niyang kapatid na babae na si Katherine Roa. Kilala siya sa pangalang Kate. “A-Ate Kate, n-nakauwi ka na pala galing America?”, gulat at hindi makahumang sabi ni Stephen. “O, ba’t parang nagulat ka nang makita ako? Para kang nakakita ng multo!”, ani Kate. “Hi-Hindi naman sa ganun, Ate. Hindi ka kasi nagsabi na uuwi ka ngayon nang sa ganun ay nasundo kita sa airport.” “Minabuti kong hindi ipaalam sa’yo. Pinauwi ako nina Mommy at Daddy para bantayan ka!”, mariin na pagkakasabi ni Kate. Napalunok si Stephen. Alam niya kung gaano ka-strict ang Ate Kate niya ganun din ang kanyang parents. Magsasalita pa sana siya ngunit may award na siyang sermon mula kay Kate kaya nanahimik na lamang siya. Wala siyang laban sa kanyang ate. “Simula ngayon Stephen, ayoko nang nagbobolakbol ka dahil kung hindi ay mananagot ka sa akin!”, sinabing huli ni Kate saka umakyat sa taas. “Opo…Ate…”, pabulong na sabi Stephen. Pero sanay na siya sa Ate Kate niya. Sanay na siyang nakakatanggap ng sermon mula dito. Talaga nga namang pasaway siya kaya siguro napilitan ang ate niya na umuwi ng Pilipinas. Naiintindihan naman niya. “JUDE, may ipapakiusap lang sana ako sa’yo kung okay lang”, ani Jasson, isang kaklase rin niya at kaibigan ni Stephen. Lumapit ito sa kanya dahil may kailangan ito. Tiningnan siya ni Jude. “Anong kailangan mo?”, isang mahina ngunit pormal na pagresponde ni Jude. Tumikhim muna si Jasson bago nagsalita. “Tulungan mo naman ako sa assignment natin sa TFN. Wala kasi akong book eh.”, pakiusap ni Jasson. Nakita ni Jude na sinsiro si Jasson sa pakikipag-usap sa kanya. Naawa naman siya sa kaklase niya kaya tutulungan na lang niya ito. “Hiramin mo muna itong libro ko tutal tapos na ako sa assignment nating ‘yan. Isauli mo na lang kapag tapos ka na”, pormal na pagkakasabi ni Jude. “Maraming salamat Jude. Di bale, isasauli ko ‘to sa’yo kapag tapos na ako. Sensiya ka na wala talaga akong ibang malapitan. Hindi ko rin naman malapitan si Stephen kasi ayaw magpahiram no’n.”, wika ni Jasson. Jude only gave him a half smile. Bumalik na rin ang lalake sa kinauupuan nito. Tumahimik muli si Jude. Siya namang pagdating ni Stephen sa room nila. Nag-ingay na naman ito. Tatlo pa lamang sila sa classroom nila dahil sa maaga pa naman. Alas sais pa ng umaga ‘yun. Muli na namang napansin ni Stephen si Jude na tahimik. “Tila yata may malalim na iniisip ang isa dito!”, paririnig ni Stephen. Narinig ‘yun ni Jude pero binalewala lang niya. Ayaw na niyang magkaroon pa ng konbersasyon sa kaklase niyang si Stephen. Tumahimik na lamang siya na para bang wala siyang narinig. “May tao ba dito?”, muling pagpaparinig ni Stephen. Nanatili lamang na tahimik si Jude. Para hindi na niya muling marinig ang nakakabagot na tinig ni Stephen ay kinuha niya ang kanyang cellphone, kumuha ng headset sa kanyang bag at nilagay sa kanyang tenga. Ini-set niya ito sa loud volume. Tiniis niya ang sakit sa tenga keysa naman marinig ang halos nakakabagot nang tinig ni Stephen. “Aba… ang walang….”, napansin ni Stephen ang ginawa ang Jude. Napatawa si Jasson sa reaksiyon ni Stephen. “At bakit ka naman tumatawa?”, ani Stephen. “Wala. Tigilan mo na lang ‘yang si Jude. Siguro wala talaga siyang interes na makipag-usap sa’yo. Pinagtitripan mo kasi eh.”, muling napatawa si Jasson. Hindi na nagsalitang muli si Stephen. Tiningnan na lang niya si Jude. Napatanong na naman si Stephen sa kanyang sarili. Bakit hindi niya mapigilan ang sarili ang pagtripan si Jude? Dahil ba sa weird, annoying, at kung anu-ano pa ito? Hindi niya maintindihan. Dumating na ilang kaklase nila at hinihintay na lamang nila ang kanilang instructor. NASA canteen si Jude dahil tapos na ang kanilang klase. Kumakain siya ng snacks nang lumapit sa kanya si Dianne. “Hi, Jude. Ba’t mag-isa ka lang?”, tanong ni Dianne na ngumiti. “Ako lang naman talaga mag-isang kumakain dito sa canteen palagi”, responde ni Jude at ngumiti. “…..gusto mo ilibre kita ng snacks? Asa’n na ba sina Venus?”, ani Jude. “Naku, nakakahiya naman sa’yo Jude. Wag na!”, “Hindi okay lang. Ako bahala sa’yo.”, sabi ni Jude at tumayo ito. “…anong gusto mong kainin?” “Naku sige na nga. Pwede na ba ang isang burger at softdrinks?” “Pwedeng-pwede. Wait lang.” Nagtungo si Jude sa tindahan ng burger. Maya-maya pa’y bumalik ito dala ang isang burger at softdrinks ni Dianne. “O ayan. Libre ko’yan ha.”, sabi ni Jude. “Nag-abala ka pa Jude, pero salamat talaga ha.”, pasasalamat ni Dianne. Ngumiti lamang si Jude. Maya-maya pa’y dumating na rin ang tatlong kaibigan pa ni Dianne. Niyaya ito ni Jude sa kanilang table at nilibre ng snacks. Ganyan kabait si Jude sa mga kaibigan niya. Masayang nakipagkwentuhan ang apat na babae sa kanya. Sa puntong ‘yun ay dumating rin sa canteen si Stephen at hinahanap ang mga kabarkada niya. Sa kakahanap niya ay napansin niyang muli si Jude na kausap ang apat niyang babaeng kaklase. Nakita niya ang mga ngiti ni Jude na ngayon lamang niya nakita simula noong makilala niya ito. Naging curious siya sa mga ngiti nito. “Ngayon ko lang nakita si Judelo na ngumingiti.”, sabi ni Stephen sa sarili. Pakiramdam niya ay maayos na kaibigan si Jude pero pinipigilan na lang niya ang sarili na makipagkaibigan dito. Nagpatuloy na lamang siya sa paghahanap sa kanyang mga kaibigan. Ngunit muli siyang napatingin kay Jude. Ngumiti na lamang siya dito na walang emosyon. “Thanks sa libre, Jude”, ani Dianne. Ganun na rin ang sinabi ng tatlo pa. Ngumiti si Jude. “You’re welcome”, Jude respond. MAGDAMAG na nagbabad sa pagbabasa ng mga libro at notes niya si Jude sa library. Matapos doon sa canteen ay dumederetso siya palagi sa library upang mag-aral. Minsan ay hindi na niya namamalayan ang oras. Tahimik noon ang paligid. Talaga nga sigurong pinagdudugtong ng tadhana ang mga pangyayari. Sa mga oras ding ‘yun ay dumating si Stephen sa library nang hindi niya namamalayan. Siguro nga ay hindi masyadong malaki ang espasyo ng library dahil kaagad na napansin ni Stephen si Jude. “Uy. Nandito pala si weirdo! Love it! Ma-trip nga ang baklang ‘to!”, ani Stephen. Kaagad naman siyang lumapit sa kinaroroonan ni Jude. “Hi darling!”, pambubuska ni Stephen kay Jude. Kumunot ang noo niya bago tuluyang iangat ang kanyang ulo sa gulat niyang si Stephen na naman ang kaharap niya ngayon. Bumuntong ulit siya ng hininga. “Ikaw na naman?”, mahinang boses ni Jude. Stephen smile eventually. “O, ba’t nagulat ka? Why the frown in your face? Hindi ka ba natutuwa na nasa harapan mo ngayon ang crush mo?”, ani Stephen. Biglang kumunot ang noo ni Jude. “Alam mo ba ang pinagsasabi mo Stephen? Baka inaakala mong nakalimutan ko na ang ginawa mong pagpapahiya sa akin noong isang araw.”, mahina ngunit mariin na pagkakasabi ni Jude. “Kasalanan mo ‘yun Judelo”, ganti ni Stephen. Naisip ni Jude na walang patutunguhan ang konbersasyon nila kaya pinulot niya mula sa kanyang mesa ang mga aklat at iba pang gamit niya at nagpasyang umalis na sa library. “Hey! Not too fast, Mister Miranda! Hindi pa tayo tapos.”, pagpipigil ni Stephen sa kanya at hinawakan siya sa mga braso. Napatingin si Jude sa kanyang braso na hinawakan ni Stephen. “Wala tayong dapat na pag-usapan Mister Roa at isa pa, bitiwan mo ako!”, mariin na pagkaka-utos niya sa bastos na lalake. “’Yan ang ayaw ko sa’yo eh! Nag-aastang babae ka. Ang feeling mo ah! Bakit sa tingin mo kakausapin kita ng matagal!”, parang naging seryoso si Stephen. Ngunit hindi niya natakot si Jude. Tumaas ang kilay ni Jude at harap-harapang kinausap si Stephen. “Ang kapal din naman ng mukha mo! Wala nang dinaig pa ang kabastusan mong lalake ka! ‘Wag na wag mo akong itutulad sa ibang tao diyan na natatakot sa’yo dahil kailanman ay hindi ako natatakot sa’yo! Bastos ka rin ano! Ano ba’ng nagawa ko sa’yo!”, galit na galit na talaga si Jude. Nagulat si Stephen sa ipinakitang katapangan ni Jude. “…..pwede ba tigilan mo na ako! Hindi mo ako kilala, Stephen! Wala kang alam sa buhay ko!”, pagkatapos masabi ‘yun ay pwersahang binitiwan ni Jude ang mga braso niya at tuluyan nang umalis. Naiwan si Stephen na gulung-g**o ang isip. “GUYS, kapag dumaan na dito ang weirdong gay ay iharang na ninyo kaagad ang mga paa ninyo nang sa ganun ay mapahiya na naman siya.”, may masama na namang gagawin si Stephen kay Jude. “Bakit ano na naman ang ginawa niya sa’yo?”, napatanong si Ken. “Basta, sumunod lang kayo sa pinag-uutos ko.” Talagang sagad sa buto ang kapilyuhan ni Stephen. Gagawan na naman niya ng masama ang kawawa at inosenteng si Jude. Samantalang si Jude na walang kamalay-malay sa gagawing pang-aalipusta ni Stephen sa kanya ay paparating na. Alam kasi ni Stephen na sa daang bahaging ‘yun ng eskwelahan ay parating dumadaan doon si Jude. “Ready guys. Kailangang mapahiya na naman siya!”, bulong ni Stephen. Ang tahimik na paglalakad ni Jude ay nagimbal nang tuluyan na nga siyang ipahiya nina Stephen. Hindi lamang siya nadapa kundi nabundol pa ang kanyang ulo sa semento. Halos wagas kung makapang-api si Stephen sa ginawa niya. Marami ulit ang nakakita. Lahat ng mga gamit na dala-dala ni Jude ay nagkalat lahat sa semento. Halos hindi makahuma ang kawawang tao dahil namimilipit sa sakit ng katawan. Halos mawala ang kanyang lakas sa lakas ng pagkakadapa niya. Ilang minuto rin bago nabawi ni Jude ang lakas. Pagkabawi’y sinubukan niyang tumayo ngunit namimilipit pa rin siya sa sakit. Ngunit tumayo pa rin siya. Galit na galit na nilapitan si Stephen at pinagsasampal. Halos nabigla lahat ng mga kaibigan ni Stephen at siya sa ipinakitang galit ni Jude na noon lamang nila nakita. Napahawak naman sa nasaktang mukha si Stephen at nakita ang mga luha sa mga mata ni Jude dahil umiyak na ito. “Ang kapal ng mukha mong gawin sa akin ang mga kabastusang ‘yun! Ha! Pinalampas ko lamang ‘yung una, pero sa pagkakataong ito ay hindi na! Wala kang karapatang bastusin ako dahil hindi mo alam ang istorya ng buhay ko! Wala kang alam tungkol sa akin hayop ka! Hindi porke’t bakla ako ay magagawa mo na akong bastusin!”, buong lakas na sinigaw ni Jude sa pagmumukha ni Stephen ang galit niya dito. Biglang kumunot ang noo ni Stephen. “….hindi mo lang alam kung gaano kasakit ang mga pinagdadaanan ko ngayon, Stephen! Wala ka kasing alam! Simula ngayon ay hindi ko na hahayaan pang bastusin mo pa ako! At isa pa, hindi mo pa ako gaanong kilala!”, pagkatapos no’n ay dali-daling pinulot ni Jude ang mga nagkalat na gamit niya sa semento at luhaan na umalis. Hindi malaman ni Stephen ang nararamdaman. Parang pinukaw siya sa katotohanan. Oo nga, hindi niya gaanong kakilala si Jude kahit na magkaklase sila. Bakit ginawa niya ang mga bagay na ‘yun sa kaklase niya. Napatingin siya sa semento. May larawan. Pinulot niya ito at nakitang si Jude at isang lalake ang nasa larawan. SA KAMA niya ay iniisip pa rin ni Stephen ang nangyari kanina. “Bakit kaya ginawa ko ‘yun?”, bulong niya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang tingin kay Jude. Kung tutuusin ay wala namang ginagawa sa kanya ang tao. Imbes na tulungan niya si Jude ay pinagtitripan niya ito. Kung tutuusin rin ay nakitaan niya ng mabuting kalooban si Jude. Napag-isip-isip rin ng binata na hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sarili na makilala si Jude. Alam niyang may pinagdadaanan ito ngayon sa buhay ngunit imbes na tulungan ay sinasaktan pa niya ang damdamin ni nito. “Ganyan na nga ba talaga ako kasama? Wala naman talagang ginagawang masama si Judelo sa akin pero bakit ko siya sinasaktan?”, muli ay naitanong niya sa sarili. Naalala niya ang unang pagpapahiya niya sa inosenteng tao. Sa totoo lang ay nakonsensiya siya sa ginawa niyang ‘yun. Akalain mo ba naman ang buhusan ka ng dugo ng baboy. Kung kinaibigan lang sana niya ito ay wala siyang masasaktang damdamin. Kung bakit kasi mabrusko siyang tao. Hindi niya iniisip ang damdamin ng iba. Baka nga panahon na upang magbago siya. Sa kakaisip niya ay naalala niya ang napulot na litrato kani-kanina. Kinuha niya ito mula sa kanyang wallet at muling tiningnan. “Sino kaya ang lalakeng ‘to na katabi ni Judelo? Siya kaya ang dahilan kung bakit nagkaganun siya?”, naitanong ni Stephen sa sarili. He is so curious about the picture. Hindi pa niya nakikitang ngumingiti si Jude kagaya ng nasa larawan. Aalamin niya ang buhay ni Jude kung kinakailangan nang sa ganun ay maiintindihan na niya ang sitwasyon ng kaklase. HINDI pa rin tumigil sa pag-iyak si Jude. Hindi na niya talaga kaya ang ginagawa sa kanya ni Stephen. Hindi ganito ang buhay niya noon. Parang gusto na niyang lumipat ng ibang unibersidad. Siguro ay tatapusin na muna niya ang semester na ‘to. Ayaw niya sa buhay na puno ng diskriminasyon. “Hindi sana ako nagkaganito kung hindi mo ako iniwan, Andrew.”, iyak na pagkawika ni Jude. Nagpatuloy lamang siya sa pag-iyak nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito nang hindi na tinitignan kung sino ang tumatawag. “Hello”, nasa tinig pa rin ni Jude ang umiiyak. “J-Jude? Si Rafael ‘to. Umiiyak ka?”, boses ni Rafael sa cellphone. “R-Rafael? Rafael? Ikaw ba ‘yan? Ah… Ahmm. Kumusta?”, tila nagulat si Jude nang marinig ang tinig ng kaibigan. “Okay ka lang ba Jude? Umiiyak ka yata. Anong problema? Sabihin mo lang sa’kin.”, nag-aalalang tinig ni Rafael. Hindi na napigilan ni Jude ang humagulhol ng iyak. Talagang masama ang kanyang loob. “Hi-hindi ko na talaga kaya, Rafael! Halos araw-araw ay para akong buhay na walang pakiramdam. Hindi ko na kaya ang mga panlalait sa’kin ng mga tao dito! Halos….halos lahat sila… ay hindi ako maintindihan!”, buong tinig na pag-iyak ni Jude. Halos mag-alala na si Rafael sa kanya. Nasa kondisyong hindi pa matanggap ng kaibigan ang pagkawala ng matalik nitong kaibigan. Alam niyang si Andrew ang kailangan ni Jude sa mga oras na’yun. Pero dahil wala na ang kaibigan ay sisikapin niyang umuwi ng Cagayan de Oro upang bisitahin ang kaibigan. Alam niyang kailangan ng makakausap ni Jude lalo na’t sobrang na-depressed ito sa pagkamatay ni Andrew. “Jude, uuwi ako diyan tutal ay isang linggo kaming walang pasok dahil intrams namin dito. Uuwi ako diyan ha. Hintayin mo lang ako at bukas rin ay mag-uusap tayo.”, pag-a-assure ni Rafael sa kaibigan. Nawala sila sa linya pagkatapos no’n. NAG-IISA lamang si Jude noon sa canteen at tulala. Hindi maipinta ang mukha niya sa kalungkutan. Sumusungaw ang mga luha sa mga mata niya. Wala siyang mga kaklaseng nakita doon at parati lamang siyang nag-iisa. Ni hindi siya kumain ng snacks. Wala siyang mapagsabihan ng kanyang nararamdaman ngayon. Sa kanyang kalungkutan ay siya namang pagdating ni Stephen sa canteen. Kaagad niyang napansin si Jude na nag-iisa. Tila malungkot ito ngayon. “Ano kaya ang iniisip niya?”, bulong ni Stephen sa sarili. Hindi siya napansin ni Jude. Sa tuwing tinitignan niya ito ay naaalala niya ang mga pagpapahiyang ginawa dito noong araw. Lalapitan na sana niya ito ngunit dumating ang mga barkada niya. “Hey bro!”, si Ken ‘yun. Napansin niyang may sinusulyapan ang barkada. Kumunot ang noo nito nang mamataang si Jude ang sinusulyapan nito. Bumaling siya kay Stephen. “Hey! Teka! Wag mong sabihing…..”, Ken paused. “Mali ka sa iniisip mo diyan Ken! Naaawa lang ako sa kanya”, depensa ni Stephen. Tumawa si Ken sa sinabing yun ni Stephen. “Bro? Okay ka lang! Si Judelo Miranda ‘yan oh!”, si Ken. “Alam ko. Bakit? Ganyan na nga ba ako kasama para hindi maawa sa isang tao?”, ani Stephen. “Ngayon ka pa naawa sa kanya?”, sabat ni Alex. “Baka may pinaplano ka na naman ha.”, si Ken. “Wala. Siguro masayang kaibigan si Judelo.”, sabi ni Stephen. Samantalang hindi namalayan ni Jude ang pagdating ng isang kaibigan. “Jude!”, isang boses na pamilyar ang narinig niya. Limingon si Jude sa pinanggalingan ng boses. Medyo nagulat siya sa pagsulpot ng presensiya ni Rafael. “Rafael?”, si Jude na napangiti. Niyakap ni Rafael ang kaibigan at kinumusta. Kinumusta rin ni Jude ang kaibigan. “Maayos lang ako sa Maynila, Jude. Ikaw?”, tanong ni Rafael. Tumikom ang bibig ni Jude. Iniyuko nito ang ulo sa malungkot na paraan. “Jude?” Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Jude na ayon kay Rafael ay hindi partikular sa kanya noon. Napansin din niya na medyo nangangayayat si Jude. “Bakit Jude? Wala ka bang mga bagong kaibigan dito? Sabihin mo sa’kin.”, nag-aalalang tinig ni Rafael. “’Lam mo, Raf, simula no’ng….mamatay si Andrew…tila nagbago ang ihip ng hangin sa akin eh. Hindi ko pa rin….matanggap na… wala na siya. Masakit pa rin ang nawala siya”, at nagsimulang humagulgol ng iyak ang binata. Nag-alala ng husto si Rafael para kay Jude. Pilit niya itong kinomporta. “…..at isa pa….hindi ako naiintindihan ng lahat dito. Hindi ako nirerespeto ng iba lalo na ang mga kalalakihan. Binabastos nila ako dito pero wala akong laban. Wala….wala rin naman akong….mapagsabihan ng mga problema at hinanakit ko dahil wala namang nakikinig sa’kin”, binuhos na lahat ni Jude ang kanyang hinanakit sa kaibigan. Alam ni Rafael kung gaano kamahal ni Jude si Andrew. Hindi pa rin lubos na nakakapag-move on ang kaibigan sa biglaang pagpanaw ng matalik nitong kaibigan. Tumabi si Rafael kay Jude at niyakap ito. “Sige iiyak mo lang ‘yan para mawala lahat ng mga sakit na nararamdaman mo ngayon”, sinabi sa kanya ni Rafael. Talagang hindi matimbang ang sama ng loob ni Jude. Samantalang curious naman si Stephen sa nakita niya. Ibang lalake ang kasama ni Jude ngayon sa lalakeng nakita niya sa picture. “Sino kaya sila? Mga kaibigan kaya sila ni Judelo Miranda? Sino ang lalakeng ‘yan at sino ang lalake sa picture?”, naibulong ni Stephen sa sarili. KINABUKASAN rin ay nagbalik ng eskwelahan si Rafael upang muli ay bisitahin si Jude. Hindi alam ni Jude ang pagbabalik ni Rafael doon. Tatawagan na sana niya ito nang may biglang lumapit sa kanya. “Kaibigan ka ba ni Judelo Miranda?”, isang tinig ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Napalingon siya. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya kilala ang lalakeng lumapit sa kanya. “Sino ka? Bakit mo kilala si Jude?”, tanong ni Rafael. “Ako si Stephen. Stephen King Roa. Kaklase niya ako”, si Stephen na nagpakilala sa kanya. “Ba’t napatanong ka tungkol sa kaibigan ko?” “Gusto kong malaman kung bakit ganyan siya at anong istorya ng buhay niya”, si Stephen. Tinitigan siya ni Rafael. Nasa isang classroom sina Rafael at Stephen. Nagsimulang magtanong-tanong si Stephen tungkol kay Jude. “Jude pala ang tawag niyo sa kanya.”, ani Stephen. “’Yun ang palayaw niya. Nagbago na si Jude. Hindi na siya katulad noon na masayahin.”, si Rafael sa malungkot na tinig. Naging curious si Stephen. Masayahin pala si Jude noon. Pero anong nangyari at napalitan ng lungkot ang dating masayahin na si Jude. Biglang naalala ni Stephen ang larawan na nakita niya. Kinuha niya ito mula sa kanyang binder notebook at ipinakita kay Rafael. “Pa’no napunta ‘to sa’yo?”, biglang naitanong ni Rafael. “Nahulog ‘yan ni Jude.” Tinitigan ni Rafael ang larawan. “Kung hindi mo sana mamasamain ay magtatanong lang ako kung sino ang lalakeng katabi niya.”, si Stephen. Rafael paused for awhile. Maya-maya ay sumagot ito. “Siya si Andrew. Ang bestfriend ni Jude.”, sagot ni Rafael. “Nasaan na si Andrew ngayon?” “Patay na siya. ‘Yan ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw ni Jude sa mundo. Ang pinakamamahal niyang kaibigan ay wala na.”, ani Rafael na tila nalulungkot sa sinapit ng kaibigan. Nagulat si Stephen sa kanyang narinig. Ngayon ay naintindihan na niya. Sinalaysay naman ni Rafael sa kanya ang buhay ni Jude. “Handa akong makinig nang sa ganun ay maintindihan ko na si Jude”, wika ni Stephen. Nagsimulang magsalaysay si Rafael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD