Six years before.....
KAGAGALING lamang ng labindalawang taong gulang na si Jude mula sa eskwelahan. Patalon-talon pa ito na siyang ikinagulat ng kanyang ina.
"Napa'no ka anak?", biglang naitanong ni Rinalyn sa anak.
"Wala mommy. Natawa lang ako kanina sa school. Biruin niyo namang nagsuntukan ang mga kaklase ko dahil lamang sa kodigo sa exam!", at natawa muli si Jude.
"Naku! Kaya pala.", si Rinalyn na tumawa na rin.
Pumasok ng kwarto si Jude upang magbihis. Pagkatapos no'n ay deretso na siya sa pag-aaral. Matapos mag-aral ay sumisibat na ito sa kanilang bahay. Wala na ibang ginagawa ang batang si Jude. Nakikipaglaro, nakikipag-usap, o di kaya'y nag-gu-group study sila ng mga kaibigan niya.
"Jude", tawag sa kanya ng kaibigang si Lenlen.
"O Lenlen? Bakit?", pangiting nilapitan niya ang kaibigan.
Malungkot ang mukha ng kaibigan. Kumunot naman ang noo ni Jude.
"Bakit? Ano na naman ang problema Len? Ba't parang daig mo pa yata ang namatayan? At tsaka pang-Biyernes Santo 'yang mukha mo ngayon.", si Jude na takang-taka kay Lenlen.
Matagal bago nagsalita si Lenlen. Humarap siya kay Jude.
"Nalulungkot ako kasi bukas aalis na ang mama ko patungong Hongkong.", ani Lenlen.
Ngumiti si Jude.
"Kaw naman oh. Parang hindi ka na yata nasanay diyan. Always naman wala ang mama mo hindi ba kasi nga kumakayod siya ng husto para sa inyo.", sabi ni Jude.
Biglang umiyak si Lenlen. Dali-dali namang pinatahan ni Jude ang kaibigan.
"Lenlen 'wag ka nang umiyak! Ang drama naman nito oh! Diyos ko naman te! Ang O.A mo na!", ani Jude.
Tumahimik naman bigla si Lenlen.
"Alam mo Jude, ikaw lang talaga ang nagpapatahan sa akin. Sana hindi ka na lang naging bading para tayo ang magkatuluyan", at natawa si Lenlen sa sinabi.
"Ew! Ikaw talaga Lenlen.", at natawa na rin si Jude.
"Hayaan mo at ipakikilala kita sa pinsan kong si Andrew. Gwapo 'yun and I'm sure magkaka-crush ka do'n", si Lenlen.
Tumaas ang kilay ni Jude sa sinabi ni Lenlen. Madalas kinukwento ng kaibigan itong si Andrew. Hindi pa nakikita ni Jude ang taong ito. Gwapo raw ayon kay Lenlen.
"Well, ewan ko lang sa'yo Lenlen ha. Eh baka naman hindi gwapo 'yang pinsan mo. Baka kamukha pa ni Fiddo Diddo 'yan", ani Jude.
"Uy hindi ah. Ang gwapo kaya ni Andrew. Basta, makikilala mo rin siya."
"Okay."
Ngumisi lamang si Jude. Eh ano ngayon kung gwapo ang pinsan ni Lenlen? Hindi pa naman niya nakikita ang pinsan ng kaibigan niyang ito.
"Whatever!", sabi niya saka nagkahiwalay ng landas ang dalawa.
Palakad-lakad muli si Jude. Pangiti-ngiti na animo'y parang baliw. Hindi niya alam kung bakit siya masaya. Basta ganun na lang. Dahil ba sa ipakikilala ni Lenlen ang gwapo niyang pinsan? Cheap. Hindi siya ganun. Ano nga ba? May pasalubong kaya siya mamaya? Baka hindi rin. Ewan niya. Basta ganun na. Masaya siya. Nagpunta na lamang siya sa mga kabahayan ng kanyang mga kaibigan. Ganun naman talaga siya. Automatic visit sa kanyang mga kaibigan.
UMUWI si Jude na nadatnan ang kanyang ina na umiiyak.
"Mommy, bakit?", kaagad siyang lumapit dito.
Patuloy sa pag-iyak ang kanyang mommy.
"Mommy?"
Tumingin si Rinalyn sa kanyang anak na para bang may gustong ipahiwatig.
"Anak, 'wag kang mabibigla sa sasabihin ko sa'yo ah.", malumanay na pagkakasabi ng kanyang inang si Rinalyn.
Naging seryoso ang mukha ni Jude. Gustong malaman ang ibig sabihin ng kanyang ina.
"Kailangan kong umalis anak. Sa abroad. Magtatrabaho ako doon anak bilang nurse. Gagamitin ko na ang propesyon ko bilang nurse. Anak, Jude. Nagdadalawang-isip ako. Sino na ang magbabantay sa'yo?", si Rinalyn.
Bigla ang shock ni Jude. Bata pa siya. Paano niya aalagaan ang sarili?
"Mommy?"
"Anak, sorry."
"Sasama na lang ako sa inyo, mommy", umiyak na si Jude.
"Anak, parang hindi pwede eh. Pero gusto kitang isama.", si Rinalyn na hindi na mapigilan ang awa sa anak.
"Mommy, wag mo akong iiwan! Mommy, dito ka na lang!", pagmamakaawa ni Jude sa ina.
Kailangan rin ni Rinalyn na gamitin ang kanyang propesyon bilang nurse at mangibang bansa upang mabuhay silang dalawa ni Jude. Simula no'ng iwan sila ni Jonas ay medyo hirap na sila sa pang-araw-araw na kailanganin. Pero paano si Jude? Bata pa lamang ang nag-iisa niyang anak. Hindi pa ito masyadong mature para alagaan ang sarili.
LUMIPAS ang ilang linggo ay ganun pa rin. Sa susunod na linggo na ang alis ni Rinalyn at habang paparating ang araw na 'yun ay lalong nagiging malungkutin si Jude. Lumabas muna siya ng kanilang bahay upang ibuhos ang sama ng loob. Napaupo siya sa isang wooden bench at nag-iiyak doon. Para siyang naguguluhan sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Pitong taong gulang lamang siya noon nang iniwan sila ng kanyang daddy para sumama sa ibang babae. Tapos ngayon ang mommy niya, aalis papuntang ibang bansa para magtrabaho. Naiintindihan naman niya kung bakit aalis ang mommy niya. 'Yun ay para mabuhay sila. Pero paano na siya? Ano ang gagawin niya? Walang mag-aalaga sa kanya. Sa bagay ay kaya naman niyang alagaan ang sarili niya kagaya nang itinuro sa kanya ng daddy niya noong maliit pa siyang bata. Pero pa'no kung wala na ang mommy niya? Makakaya pa kaya niyang alagaan mag-isa ang sarili niya? Paano ang pag-aaral niya? Hindi naman siya pwedeng tumira sa mga kamag-anak nila doon sa probinsiya dahil halos silang lahat doon ay ayaw sa kanila. Nagpatuloy lamang sa kalungkutan na nararamdaman si Jude.
Samantala, napansin siya ng isang lalakeng sing-edad lamang niya. Naging curious ito sa umiiyak na si Jude kaya nilapitan niya ito. Tumabi ito sa kanya.
"Hello? Bakit ka umiiyak?", tanong ng lalake sa kanya.
Narinig siya ni Jude. Boses-lalake. Ngayon lamang niya ito narinig. Lumingon siya at nagulat siya nang tinabihan siya ng gwapitong lalakeng ngayon lamang niya nakita sa tanang buhay niya.
"Eto panyo oh. 'Wag ka nang umiyak.", mabait na tono nito.
"S-Salamat", inabot ni Jude ang panyo at ipinahid sa mga luha nito.
Napatingin si Jude sa katabi. Gwapo ang lalake at maputi. Kulay brown ang mga mata na bumagay naman sa kanya. Maporma kung manamit. Bumagay dito ang buhok na nilagyan ng gel.
"B-Bakit?", naitanong ng lalake.
"H-Ha? W-wala.", at umiwas ng tingin si Jude sa kanya.
Napangiti ang lalake sa kanya.
"Noong isang araw pa kitang napapansin. Ako nga pala si Andrew. Andrew Escarlan.", pagpapakilala ng lalake sa kanya.
Andrew? Siya ba 'yung pinsan ni Lenlen?
"Ikaw ba ang pinsan ni Lenlen, A-Andrew?", si Jude.
Nagulat si Andrew.
"Ikaw si Jude?", si Andrew.
"A-Ako nga.", ani Jude.
Biglang napangiti si Andrew. Kaibigan pala ito ng pinsan niya. Nabanggit kasi siya ni Lenlen noong isang araw sa kanya. Naging curious siya kay Jude noon sa hindi malaman na kadahilanan. Pala-kaibigan kasi itong si Jude sabi pa ni Lenlen kaya siguro kahit hindi pa nakikita ni Andrew si Jude ay gumaan na loob nito dito.
"Ikaw pala si Jude Miranda", ani Andrew.
"Kahit apelyido ko pa alam mo na. Lenlen talaga. Wagas kung makipag-chika.", si Jude na nagsimula nang ngumiti.
"Halika. Puntahan natin si Lenlen. Sigurado matutuwa 'yun dahil nagkakilala na tayo. Sige na, 'wag ka nang umiyak. Sige ka. Cute ka pa naman sana. Mawawala talaga 'yan.", sabi nito tsaka tumayo.
"Andrew talaga.", si Jude na ngumiti.
"Oh ayan. Ngumiti ka lang. Just smile. I'm here for you", si Andrew.
"Hahahahahaha. Baliw", si Jude.
Nagkatawanan silang dalawa.
SA BAHAY nina Lenlen ay magdamag na nagkwentuhan ang tatlo.
"Ang saya ko naman dahil magkakilala na kayo.", si Lenlen.
"Oo nga. Pinsan salamat ha. Hindi ko alam na ganito pala ka-cute ang kaibigan mo.", ani Andrew.
"Cute ka diyan! Mambobola!", si Jude na natawa.
"I mean it Jude. Totoo. Bakit hindi ka naniniwala?", si Andrew.
Nangiti lamang si Jude. Ganyan nga ba kabait si Andrew sa kanya?
Nagpatuloy sa pagkukuwentuhan ang tatlo. Sa pamamagitan nun ay medyo naibsan ang kalungkutan ni Jude sa katotohanang aalis na sa susunod na linggo ang mommy niya. Pinagaan ni Andrew ang kalooban niya kahit ngayon lamang niya ito nakilala. Gumaan bigla ang kalooban niya dito siguro dahil mabait si Andrew. Sa tingin niya ay hindi namimili ng kaibigan si Andrew.
Sa totoo lang ay walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil sa kanyang personalidad na medyo may pagka-werdo siya. Parati lamang siyang inaapi doon sa eskwelahan nila lalo na ang kanyang mga kaklase at lalung-lalo na ang mga lalake. Hindi kasi nila maunawaan si Jude. Madalas kasi sa mga tao ngayon ay nanghuhusga muna bago inaalam ang lahat. Pero hindi na pinag-uukulan pa ni Jude ng pansin ang mga taong umaapi sa kanya lalo pa't ang katotohanan ay wala silang alam sa tunay na istorya ng buhay niya. Nagsasawalang-kibo na lang siya dahil umaasa siyang magbabago rin ang lahat. Ang ikinalulungkot lang niya ay kahit crush niya ay kinasusuklaman siya. Wala na siyang magagawa pa doon tutal ay wala naman talagang pakialam si Jude doon sa crush niya. Hindi naman siya malandi para gawin ang lahat upang mapansin lamang siya ng pahamak na crush niya. It's just a feeling of crush that someday it will fade away like a thin wind passing by surroundings. Naalala niya minsan no'ng tinulak siya ng crush niya palayo sa hindi niya malaman na dahilan. Siguro nga ayaw sa kanya. Why the hesitation? Lalayo na lang siya kung ganun. Namulat naman mula sa alaalang 'yun si Jude.
"Jude. Okay ka lang? Malalim yata ang iniisip mo.", tanong ni Andrew sa kanya.
"Ha? Wala.", si Jude na nabigla.
Napangiti si Andrew.
"Iniisip mo ang crush mo?", si Andrew.
"Anong crush ang pinagsasabi mo. Wala 'no. Iba ang iniisip ko.", si Jude.
Natawa naman si Andrew sa depensa ni Jude sa sarili.
"At ano naman ang nakakatawa ha. Ang O.A mo!", ani Jude na umirap.
Si Lenlen naman ay natawa sa mannerism ni Jude.
Talagang masaya ang hapong 'yun. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang umuwi si Jude. Inihatid pa siya ni Andrew sa bahay nila.
"Saan ka galing anak?", tanong ni Rinalyn kay Jude.
"Kina Lenlen po. Ah mommy, si Andrew nga pala. Kaibigan ko", pagpapakilala ni Jude kay Andrew sa kanyang ina.
"Hello po. Good evening.", bumati naman si Andrew kay Rinalyn.
"Hi Andrew. Mabuti at nagkaroon ulit ng kaibigan ang anak ko.", si Rinalyn na malugod na binati si Andrew.
Ngumiti lamang si Andrew. Pinaupo siya ni Jude sa sofa.
"Kumain ka na muna dito Andrew.", anyaya ni Jude sa kanya.
"Naku 'wag na. Nakakahiya sa mommy mo.", tanggi ni Andrew.
"'Wag kang mahiya."
Nakapagluto na pala ng hapunan si Rinalyn. Dumulog na sila hapagkainan. Medyo nahihiya pa si Andrew kay Jude at sa mommy nito.
"Sige na hijo, kumain ka na. 'Wag ka nang mahiya sa'min."
Kumain na lamang si Andrew at sinabayan ang mag-ina sa hapagkainan.
KINAUMAGAHAN ay niyaya ni Andrew si Jude na mag-outing kasama si Lenlen. Pinayagan naman siya ng kanyang mommy. Kasama sa outing ay ang mga pinsan nila at ang isa pang kaibigan ni Andrew na si Rafael. Beach outing sila. Medyo naman nailang si Jude sapagka't hindi niya kilala ang iba nilang kasama. Lulan sila ng isang dyip nang mapansin ni Andrew na medyo tulala si Jude.
"Jude, are you okay?", si Andrew.
"Hmmm? Okay lang ako Andrew.", si Jude.
Tinabihan ni Andrew si Jude. Alam niyang naiilang ito.
"Tabihan kita ha.", ani Andrew.
Nakaramdam naman ng relief si Jude. Inakbayan siya ni Andrew na ikinagulat ng ibang pinsan niya. Si Lenlen naman ay tahimik na pinagmamasdan silang dalawa. Si Rafael na kumunot ang noo ay titinitigan silang dalawa. Kaagad namang napansin ni Jude ang mga mukha ng kanilang mga kasama.
"Andrew, para yatang....", Jude paused.
Bumaling ang atensiyon ni Andrew sa mga kasama.
"What?", si Andrew.
"Wala. Nagulat lang kami dahil inakbayan mo siya", ani Rafael na ipinakita ang disgusto kay Jude.
Naramdaman naman ni Jude na hindi siya gusto ni Rafael. Nadagdagan na naman ang lungkot niya. Nalulungkot kasi siya kapag nalalaman niyang may ayaw sa kanya. Hindi na lang niya ipinakita kay Andrew ang lungkot na 'yun. Maya-maya pa'y narating na nila ang lugar kung saan sila mag-a-outing. Masayang naglundagan ang mga pinsan ni Andrew habang si Jude naman ay tahimik lamang.
"Halika na Jude.", anyaya ni Andrew sa kanya.
"Dito na muna ako Andrew. Susunod na lang ako", ani Jude.
"Sure ka? Sumunod ka ha? 'Wag kang mahiya. Sige.", ani Andrew.
Tumango lamang si Jude pagkatapos noon ay sumunod na si Andrew sa kanyang mga pinsan.
Hindi matukoy ni Jude kung nalulungkot ba siya o masaya siya. Siguro naiilang lang siya sa mga pinsan ni Andrew maliban kay Lenlen. Mukhang ayaw naman sa kanya ni Rafael. Hindi na alam ni Jude kung magiging masaya ba siya. Bumuntong siya ng hininga. Malalim na paghinga. Pinagmasdan na lamang niya ang mga pinsan ni Andrew mula sa dyip. Biglang may tumunog mula sa kanyang bulsa. Ang kanyang cellphone pala na Nokia 3310. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa. Reminders pala ito na dalawang araw na lang at 13th Birthday na niya. Ginawa niyang maaga ng dalawang araw ang reminders nang sa ganun ay talagang maalala niya na nalalapit na ang kanyang kaarawan. Bigla siyang napangiti.
"Two days na lang at birthday ko na. Sana naman magkaroon ng kahit kaunting handaan man lang bago aalis si Mommy. Sasabihin ko sa kanya mamaya.", ani Jude sa sarili.
"Jude halika dito! Join us here!", tawag sa kanya ni Andrew mula sa malayo.
Ngumiti lamang na tumango si Jude na ang ibig sabihin ay susunod na rin siya. Hindi na nakuntento si Andrew dahil kailangan na talagang nandoon si Jude at nilapitan niya ito.
"Halika na dito. Ikaw naman oh, mahiyain ka talaga.", ani Andrew.
"Ah, A-Andrew, eh kasi....."
"Bakit Jude? Nahihiya ka sa mga pinsan ko?"
"Hi-hindi naman sa ganun, Andrew. Ang sa akin lang..... eh... parang... ayaw ng mga pinsan mo sa akin eh. Sorry ha pero... 'yun kasi ang nararamdaman ko kanina pa. At tsaka si Rafael, kanina ko pa rin nahahalata na ayaw niya sa'kin. Sorry talaga Andrew ha. Sana hindi na lang ako sumama. Tuloy baka isipin mo ang KJ ko na.", paumanhin ni Jude kay Andrew.
Ngumiti si Andrew sa kanya na tila na-impress sa sinabi ni Jude.
"Ikaw talaga Jude. Ang sabihin mo nahihiya ka lang. Halika na nga. Gusto mo pa bang akayin pa kita sa'king likod.", sabi ni Andrew.
"Uy aba hindi na ah. Ikaw talaga Andrew. O siyasiya. Sige na. Baka isipin mong ang corny ko na.", si Jude na sumigla bigla ang tono ng boses.
"Oo nga. Ang corny mo na", si Andrew na natawa.
"Tse!", pagmumura ni Jude.
Nakihalubilo na lamang si Jude sa mga pinsan ni Andrew. Napapansin pa rin niya ang disgusto ni Rafael sa kanya pero hindi na lang niya ito binalingan ng atensiyon. Kung saan si Andrew ay doon na lamang siya. Go on with the flow na lamang siya.
NATAPOS na rin ang beach outing ng mga kabataan. Lulan ulit sila ng dyip pauwi. Magkausap muli sina Jude at Andrew. Masayang nagkukuwentuhan ang dalawa na para bang sila lamang dalawa sa loob ng dyip. Kagaya ng inaasahan ay mahigpit na tinititigan sila ng mga kasama nila lalo na si Rafael na tinataasan niya ng kilay si Jude.
"Malandi.", bulong ni Rafael na ang mga mata ay naka'y Jude.
Ngunit wala naman talagang kalandian ang pag-uusap nina Jude at Andrew. Just a simple conversation of two friends pero binibigyan ng maling kahulugan ni Rafael. Umabot ng isa at kalahating oras bago sila nakarating pauwi.
"Salamat nga pala ulit Andrew. Medyo na-enjoy ako", sabi ni Jude sa kaibigan.
"Bakit medyo lang? Hindi ka ba totally na-enjoy?", si Andrew na pinaamo ang mukha.
Natawa naman si Jude sa mukha ni Andrew. Lalo itong nagiging cute sa maamo nitong mukha.
"Anong nakakatawa ha, Jude?", curious si Andrew.
"Wala. Ang cute mo kasi.", si Jude na tumatawa.
"Cute ba ako?", si Andrew.
"Ano ba ang sinabi ko?"
Ngumiti si Andrew at kinurot-kurot ang mukha ni Jude.
"Andrew! Aray! Ano ba! Ang sakit ng pisngi ko!", si Jude.
"Ito ang totoong cute", ani Andrew.
"Uy! Ang sweet nila", si Lenlen na kinilig sa dalawa.
"Hoy Lenlen ha! Dirty minded ka.", ani Jude.
Pawang natawa ang lahat maliban kay Rafael.
"ANDREW, sino ba 'yung may pagkabading na 'yun? Paano mo nakilala 'yun?", naitanong ni Rafael kay Andrew kinagabihan.
"Siya si Jude. Kaibigan ko.", sagot naman ni Andrew.
"Hindi ka ba pinananayuan ng balahibo do'n? Ayoko sa kanya.", wika ni Rafael.
Hinarap siya ni Andrew.
"Raf, kahit tatlong araw pa lang mula no'ng makilala ko si Jude ay nakita ko sa kanya na mabuti siya. Na hindi siya katulad ng iba diyan. Mabait din si Jude, Rafael. Kung kikilalanin mo lang siya--", nahinto si Andrew.
"Tatlong araw pa lang mula nang makilala mo 'yang Jude na 'yan. Andrew naman! Wake up! Nababaliw ka na ba? Hindi ba't ayaw mo sa mga bakla?", sabi ni Rafael.
Bumuntong ng malalim na hininga si Andrew. Tama nga si Jude na may disgusto si Rafael sa kanya.
"Alam mo Rafael, tama nga si Jude. Ayaw mo nga sa kanya. Buti pa siya nararamdaman pa niyang ayaw ng tao sa kanya. Raf, kilalanin mo muna si Jude, pwede? Nanghuhusga ka na eh kaagad-agad. Sinabi ko na sa'yo, iba si Jude sa ibang baklang na nakilala mo!", turan ni Andrew saka umalis.
Sinundan ng tingin ni Rafael si Andrew at nagbuntong ng malalim na hininga. Kilala niya si Andrew. Dahil kaibigan ni Andrew si Jude ay siyangang totoo na mabuti si Jude. Siguro nga una siyang nanghusga. Bakit hindi niya muna niya kilalanin si Jude nang sa ganun ay malaman niya kung ano at sino talaga siya. Umuwi na rin siya ng bahay pagkatapos.
SIYANG paggising ni Jude kinaumagahan nang mag-beep ang cellphone niya. Alarm tone pala niya 'yun. Oras na ng kanyang paggising dahil maaga pa ang flight ng kanyang mommy. Ito na ang araw na kinatatakutan niya. Magiging mag-isa na lamang siya. Nakita niyang nakahanda na ang lahat ng mga gamit ng mommy niya. Napansin naman ni Rinalyn anag kanyang anak.
"Oh, Jude? Bakit anak?", naitanong ni Rinalyn.
Nagyuko ng ulo si Jude. Alam na ni Rinalyn ang ibig sabihin ng anak niya. Nilapitan niya ito.
"Anak. Alam kong ayaw mo akong umalis. Pero kailangan talaga. Gusto sana kitang isama pero alam mo naman hindi ba?"
Tuluyan nang napaiyak si Jude at napayakap sa mommy niya.
"Mommy, 'wag ka na lang umalis.", pagmamakaawa ni Jude.
Nasa airport na sila. Hindi na mapigil ni Jude ang emosyon na nararamdaman sa nakikitang aalis na talaga ang mommy niya.
"Anak. Jude. Magpapakabait ka ha. Alam kong kaya mo na ang sarili mo. Hindi mo naman kailangang magtrabaho kasi may iniwan akong pera na magagamit mo ng isang taon. Nakapaloob 'yun sa bangko anak. Gumastos ka lang ng kakailanganin ha. Patawarin mo ako anak. But I have to do this for us. I love you anak. Mag-iingat ka.", at niyakap ni Rinalyn ang anak sa huling sandali bago ito umalis. Bumuhos ang emosyon ng mag-ina hanggang sa makaalis na ito. Sinundan pa nila ng tingin ang isa't-isa. Tuluyan nang nawala sa paningin ni Jude ang ina. Tumakbo siya palayo at hindi niya mapigilan ang pag-iyak.
Samantalang dumating naman sa airport si Andrew at hinanap si Jude. Napag-alaman niya kay Lenlen na ngayon ang alis ng mommy ni Jude kaya pinuntahan niya ito sa kanilang bahay. Nang mamataang wala na sila sa bahay ay nakasisiguro naman siyang nasa airport na sila kaya dali-dali siyang sumakay ng taxi papuntang airport. Naintindihan niyang kaya hindi nakapagsabi si Jude patungkol doon dahil baka isipin nitong nakaaabala sa kanya na samahan ito. Nang dumating siya sa airport ay kaagad niya itong hinanap. Madali lang naman niyang nahanap si Jude dahil halos pa exit na ito. Nakita niya itong umiiyak.
"Jude!", tinawag siya ni Andrew.
Narinig naman ni Jude ang isang pamilyar na tinig na tumatawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Andrew. Bumuhos muli ang kanyang emosyon nang makita ang kaibigan. Patakbo naman na pinuntahan siya ni Andrew. Niyakap ni Andrew nang mahigpit si Jude upang mawala ang lungkot nito. Hinayaan niya itong umiyak upang mailabas ni Jude ang sama ng loob niya. Nakauwi na sila pagkatapos. Sinamahan na muna ni Andrew ang kaibigan. Tulala pa rin si Jude.
"Jude, 'wag ka nang umiyak. Nandito pa naman kami na mga kaibigan mo. Nandito ako. Hindi kita iiwan.", sabi ni Andrew.
"Makakaya ko kaya? Mag-isa na lang ako ngayon.", ani Jude.
"Wag mong sabihing nag-iisa ka, Jude. Dahil nandito kami. Nandito lang ako para sa'yo. Hinding-hindi kita iiwan Jude. Maniwala ka sa'kin. Kaibigan mo ako.", ani Andrew.
Hinarap siya ni Jude.
"Pangako?", si Jude.
Ngumiti si Andrew at hinawakan ang kamay ni Jude.
"Pangako ko sa'yo 'yan Jude. Mabuti kang tao at mabait.".
Jude gave him a half smile. Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngayon.
"Andrew. Maraming salamat. Hindi ko malilimutan 'to.", si Jude.
"I'm not looking forward with your gender. Naiintindihan kita. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, Jude. Basta komportable lang akong maging kaibigan kita.", ani Andrew.
Tinitigan siya ni Jude. Ngumiti siya.
"Alam mo Andrew, pinagaan mo ang loob ko. Pinawi mo ang kalungkutang nararamdaman ko ngayon. Pangako ko sa'yong ako ang magiging bestfriend mo habangbuhay.", sabi ni Jude.
Niyakap siya ni Andrew. Isang yakap-kaibigan na ngayon lamang nadama ni Jude.
"Gusto mo bang bestfriend na kita.", si Andrew.
Ngumiti si Jude.
"Siyempre naman. Sino bang hindi gustong maging bestfriend si Andrew Escarlan.", si Jude.
Napangiti muli si Andrew at niyakap muli si Jude. Doon nagsimula ang pagbabago sa buhay ng batang si Jude. Kahit na nasa kalagitnaan siya ng kanyang kasarian ay nagkaroon pa rin siya ng isang kaibigan na umunawa sa kanyang pagiging ganoon at sa kanyang pagiging homosexual. Binigyan ni Andrew ng saysay ang malungkot na buhay ni Jude. Sina Jude at Andrew ay masaya sa kanilang pagiging magkaibigan.
LUMIPAS ang dalawang buwan, Pasko noong panahon 'yun. Unang Pasko 'yun ni Jude na hindi niya kasama ang kanyang ina. Medyo nalulungkot siya pero pinapagaan palagi ni Andrew ang kanyang damdamin. Hindi kasi mapakali si Andrew kapag nakikita niya ang kanyang kaibigang nalulungkot. Kung tutuusin ay mas concern pa si Andrew kay Jude kesa sa iba pa niyang mga kaibigan. Isang Christmas Party ang idinaos sa kanilang lugar. Masayang-masaya ang lahat lalung-lalo na ang mga bata na bibong-bibo talaga tuwing sumasapit ang Kapaskuhan. Nag-iisa si Jude noon sa kanilang bahay at para bang walang ganang lumabas. Hindi naman nag-text si Andrew sa kanya. Bumuntong siya ng malalim na hininga. Naririnig na niya ang mga tugtugin sa labas at mga hiyaw ng kanyang mga kapit-bahay. Sumilip siya sa bintana. Masaya ang pagdiriwang sa labas. Marami siyang nakita doon na mga regalo na maliliit at malalaki. Napangiti siya.
"Ang gagara ng mga designs sa labas.", bulong ni Jude sa sarili.
Maya-maya pa'y may kumatok sa pinto. Binuksan niya ito at tumambad sa kanyang harapan si Andrew.
"Andrew?"
"Bakit hindi ka pa lumalabas? Nagkakasayahan na sa labas oh. Halika na", si Andrew.
"Ha? Ah.. Uh.. k-kasi.... uh...", alibi ni Jude.
"Come on. Halika na bestfriend. Ikaw na lang kulang sa tropa. May regalo pa naman ako sa'yo. Halika na.", si Andrew na pinilit siyang lumabas.
Pumayag na lang si Jude dahil mapilit ang kaibigan. Nasa isang sulok ang barkada.
"Nandito na pala sina Andrew at Jude.", ani Lenlen.
"Kumpleto na pala tayo.", si Veron, isa sa mga pinsan ni Andrew.
Nakita naman ni Jude na nawala sa mood si Rafael. Alam kasi niyang ayaw sa kanya ni Rafael. Yumuko na lamang siya ng ulo. Nagsimula ang kanilang party. They decided not to include hard drinks such as liquors, beers, wine, and others dahil nga bawal sa kanila. They're just following the rules of their parents. Bigla naman ang paglapit ni Rafael kay Jude.
"J-Jude", tawag ni Rafael sa kanya.
Nagulat si Jude sa pagtawag sa kanya ni Rafael. Noon pa lang napag-isip-isip ni Rafael na kaibiganin si Jude. Hindi lang niya ito malapitan dahil nahihiya siya.
"B-Bakit?", Jude responded.
Medyo nahihiya naman si Rafael.
"'Wag kang mahiya. Alam kong nahihiya ka. Bawal ang mga mahiyain.", si Jude.
Natawa naman si Rafael sa sinabing 'yun ni Jude.
"Ah, I mean. Sorry nga pala ha. Sorry kung nagpapakita ako sa'yo ng disgusto noon.", ani Rafael na sensiro sa sinabi.
Ngumiti si Jude at tinapik ang kanyang balikat.
"Okay lang 'yun. Ikaw naman. Wala 'yun. Naintindihan ko naman.", sabi ni Jude.
"Friends na tayo?", si Rafael.
"Sure. Why not?", si Jude.
Tinapik naman ni Rafael ang balikat ni Jude.
"Salamat ng marami Jude. Tama nga si Andrew. Mabait ka at mabuti. Sorry kung hinusgahan kita noong una.", paumanhin ni Rafael.
"Wala 'yun".
Naghiyawan naman ang iba pa nilang mga kaibigan.
"O ayan. Friends na sina Jude at Rafael. I'm so happy to the two of you guys.", si Andrew.
Wala nang problema pa si Jude pagkatapos non. Pagkatapos ng isang mahabang konbersasyon ay tumayo si Andrew at nakiusap na tumahimik muna ang lahat dahil may sasabihin siya.
"You know what guys. I am so very happy tonight dahil nandito kayong lahat especially to my bestfriend, Jude.", ani Andrew.
Napangiti si Jude, lihim na kinilig. Nakita ng lahat na may hawak si Andrew na katamtamang laki na kahon na regalo.
"Ibibigay ko ito sa best of friend kong si Jude. Merry Christmas my beloved bestfriend.", sabi ni Andrew na nagpahiyaw sa lahat ng mga kaibigan nila.
Lihim naman na kinilig si Jude pero hindi siya nagpapahalata. Binigay naman ni Andrew sa kanya ang regalong para sa kanya.
"M-Maraming salamat, A-Andrew. Merry Christmas din. Sorry wala akong...."
"It's okay Jude. Tama na 'yung nandito ka ngayon. I'm so happy to have you as my bestfriend. I love you Jude.", sabi ni Andrew at niyakap si Jude.
Hindi na mapigilan ni Jude ang kiligin. Halatang namumula siya at napansin 'yun ng mga kaibigan nila.
"Uy! Si Jude, nag-blush.", sabi ni Lenlen.
Hiyawan ang lahat sa kilig.
Si Jude naman ay kulang na lang ay ma in-love kay Andrew. Ang swerte naman niya at nagkaroon siya ng bestfriend na kaya siyang ipakilala at ipagsigawan sa buong mundo. Wala na siyang hahanapin pa kay Andrew dahil bukod sa ang gwapo na ay naging kaibigan pa niya at hindi lang basta isang kaibigan kundi bestfriend pa. Siya na yata ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo.
ARAW-ARAW, buwan-buwan, ay nagiging inspirasyon palagi ni Jude si Andrew. Nagsimula ang hilig niya sa pagsusulat ng mga maiikling kwento na binabasa rin naman ni Andrew.
"Ang galing mo talagang magsulat Jude.", puri ni Andrew sa kanya.
"Eh first time ko pang magsulat ng ganyan.", sabi naman ni Jude.
Napangiti si Andrew.
"Talented ka nga talaga Jude at tsaka matalino pa. Galing! First Honor yata ang bestfriend kong ito.", puri ulit ni Andrew sa kanya.
Tumabi sila sa isa't isa.
"'Di naman. Nagsisikap lang ako."
"Yeah. Masikap at matalino ka, Jude. Idol kaya kita."
Natawa si Jude. Nagkatanungan sila tungkol sa kung anong kurso ang kukunin nila pagtungtong nila ng kolehiyo. Nursing ang kukuning kurso ni Jude.
"Nursing ang kukunin mo, Jude? Aba'y pareho pala tayo.", sabi ni Andrew.
"Tingnan mo nga naman. Bestfriend nga tayo. Pareho pa ang kursong kukunin natin.", ani Jude.
"Gusto kong sabay tayo. Gusto ko rin na magkaklase tayo mula First Year hanggang Fourth Year High School.", si Andrew.
"Magandang ideya Andrew. Gusto ko 'yan. Para magkasama tayo palagi."
Malapit na pala ang Graduation ni Jude. Sa susunod na linggo na pala. Si Andrew naman ay sa Biyernes na. Hindi magkapareho ang araw ng kanilang Graduation dahil magkaiba ang eskwelahang elementarya ang pinasukan nila.
"Andrew, sa Friday na pala ang Graduation ninyo. Pupunta ako."
"Siyempre. Magiging malungkot ako 'pag wala ka doon sa graduation ko."
"Sa Graduation ko naman, punta ka rin ha."
"Siyempre naman dear bestfriend. Ako pa? mawawala sa Graduation ng bestfreind ko?"
Niyakap naman ni Jude si Andrew.
"I'm so blessed dahil nagkaroon ako ng bestfriend na katulad mo, Andrew.", sabi ni Jude.
"Same here Jude."