Chapter 2

1351 Words
Lumapit kami rito ngunit hindi namin alam kung paano ito tutulungan dahil mukhang parehong wala kaming alam kung ano ang nangyari rito at kung ano ang gagawin namin. “Ano ang gagawin natin?” nagugulahan kong tanong habang nakatitig dito ngunit hindi ito kumibo. Ngayon ko lang din napansin na naka-tapis lang ito ng tuwalya at mukhang katatapos lang din nitong maligo. Lalo akong nataranta ng biglang mangisay ang lalaking humabol sa akin. Litong-lito ako kung ano gagawin lalo na at may lumabas na parang bula sa bibig nito. "Pigilan mo siya!" Bahagya kong itinulak ito upang patigilin sa pangingisay ang lalaking humabol sa akin. "Let him be!" anito at tiningnan ang lalaking nangisay. Tila nainis naman ako dahil tiningnan lang nito kung kaya ay umupo ako sa buhanginan upang tulungan ito. Akmang hahawakan ko ang lalaki ng pigilan niya ako. "Ano ang gagawin mo?" naningkit ang mga matang tanong nito sa akin. "Tutulungan ko siya. Ano ba dapat ang gagawin ko?" naiinis kong balik tanong dito. "I said don't touch him. Hayaan mo siyang tumigil." Tila nais kong sabunutan ang taong ito dahil tiningnan niya lang talaga ito at walang ginawa. Maya maya ay napansin kong parang may hinahanap ito. "Remove your shirt!" anito sa akin na ikinagulat ko. "Ano?!" "Bingi ka ba? Sabi ko tanggalin mo 'yang damit mo, ilagay ko sa ilalim ng kaniyang ulo," madiin nitong wika ngunit mahina. "Bakit ako? Iyang tuwalya mo ang gamitin mo." Nang sabihin ko iyon ay nakita ko kung paano magsalpukan ang kaniyang mga kilay ngunit wala rin siyang nagawa at ang tuwalya nga niya ang kaniyang ginamit upang ilagay sa ilalim ng ulo ng lalaking nangisay. Napalunok ako nang makita ko ang umbok na nasa pagitan ng kaniyang mga hita lalo na nang umupo ito upang ilagay ang tuwalya sa ilalim ng ulo ng lalaking nangisay. Sanay naman akong nakakita ng mga ganoong handog ngunit kakaiba ang sa kaniya. O 'di kaya ay dala lang din ito ng alak at kung ano-ano ang iniisip ko. Kaagad ko ring ipinilig ang aking ulo baka makahalata na ito na nakatingin ako sa malusog niyang alaga na nakatago. Pagkatapos ng ilang minuto ay kumalma rin ang lalaki sa pangingisay at agad na tinulungan din nitong itagilid at bahagyang itinaas ang ulo. Nakatingin lamang ako sa ginagawa ng lalaki dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Ako lang pala ang walang alam sa aming dalawa. Maya maya naman ay dumating ang mga staff ng resort at may kasama itong babae. “Oh my God, what happened to him?” anas ng ginang at agad na dinaluhan ang lalaki na humabol sa akin. “Son, wake up!” Hinaplos nito ang mukha ng lalaki. Maya maya ay nagkamalay na rin ito kung kaya ay nakahinga ako ng maluwag ganoon din ang ginang. Inutusan naman nito ang mga staff ng resort na tulungan ang kaniyang anak na agad namang sinunod ng mga ito bago bumaling sa amin. “Pagpasensiyahan niyo na ang aking anak, may sakit kasi siya. Sorry, lovebirds, kung na istorbo kayo ng aking anak. At salamat din at tinulungan ninyo siya,” ani ng ginang sa amin . "Ako nga pala si Cely may-ari nitong resort. Puwede niyo rin akong tawaging Tita Cely. At dahil naperwisyo kayo ng aking anak ay libre ko na kayo rito at wala na kayong babayaran sa bakasyon niyo sa resort ko at anytime puwede kayong bumalik dito." "Huwag na po nakakahiya," sabi ko rito. "I insist. Maliit na bagay lang iyan. Pasensiya na talaga sa inyong dalawa, puwede niyo na ituloy ang inyong ginagawa." Sumilay ang ngiti sa mga labi ng ginang nang mapansin nitong naka-brief lamang ang lalaking na sa tabi ko. Ngunit ng tingnan ko ito ay bahagya lang itong ngumiti sa ginang at agad na sumeryoso ang mukha. May pagka-bipolar din. Pssh. Maya maya ay nagpaalam na rin ang ginang sa kanila habang naiwan naman silang dalawa roon na nakatayo pa rin sa buhanginan. "Lovebirds daw tayo. Narinig mo ba 'yon?" tila nang-aasar pa nitong wika. Akala ko kanina kung seryoso na ito 'yon pala ay mang-aasar lang din sa akin. Akmang iiwanan ko na ito nang bigla nitong hablutin ang aking braso kung kaya ay napasubsob ako sa hubad na dibdib nito. Napasinghap ako nang maamoy ko ang mabangong sabong panligo nito. Ang hilo na nararamdaman ko ay biglang naglaho nang lalo pa akong isinubsob nito. "Mabango ba?" natatawang tanong nito. Tila nahimasmasan ako sa tanong nito kung kaya ay itinulak ko ito at kumaripas ng takbo palayo sa kaniya. Kaya lang ay mali ang direksiyon na aking dinaanan kung kaya ay muli akong bumalik pero umiwas akong dumaan sa kaniyang harapan. Mabilis ang aking mga hakbang nang sa ganoon ay makaiwas ako rito. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo rito ng tuluyan nang may makita akong isang malaking tao sa puno na nakatayo at may hawak na sigarilyo kung kaya ay napaatras ako. "Bumalik ka yata? May nakalimutan ka bang sabihin sa akin?" tanong nito sa akin nang makalapit na ako sa kaniya. "Hindi ko matandaan kung saan banda ang kuwarto namin." Palusot ko rito dahil natatakot akong maglakad pabalik sa kuwarto naming magkakaibigan dahil sa nakita ko. Tumango lamang ito at nakita ko pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. "Kung gusto mo dito ka muna sa akin magpalipas ng gabi saka mo hanapin ang kuwarto niyo bukas," anitong nakangiti pa rin. Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ang alok nito o ipagpatuloy ko ang paglalakad pabalik sa kuwarto namin ng mga kaibigan ko. Kaya lang nanaig talaga ang takot ko kung kaya ay pumayag ako sa alok nito na magpapalipas ng gabi sa kuwarto nito. Naka-brief pa rin ito kung kaya ay kitang-kita ko ang katawan nito maliban lamang sa natatakpan ng kaniyang brief. Nagpatiuna itong pumasok sa kuwarto nito habang naka-sunod ako rito. Nang makapasok na kami sa kuwarto nito ay agad na isinarado niya ang pinto at ni-lock ito. Pakiramdam ko nanunuyot ang aking lalamunan nang humarap ito sa akin. Litaw ang malapandesal nitong abs na masarap isawsaw sa kape. Halos hindi ako mapakali dahil hindi ako sanay sa presensiya nito, lalo pa at hindi pa kami magkakilala. Siguro napansin nito na parang balisa ako kaya naman ay lalo pa itong lumapit sa akin at bumulong sa aking tainga. "Relax. Hindi kita gagahasain not unless gusto mo magpagahasa sa akin. Willing akong ialay ang katawan ko sa'yo." Hindi ko maintindihan ang kabog ng aking dibdib lalo na at naramdaman ko ang mga labi nito sa punong tainga ko at pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Panay rin ang paglunok ko ng aking laway lalo na nang hapitin nito ang aking baywang. Ramdam ko ang kaniyang alaga na malaki. Dahil sa taranta ko ay naitulak ko ito ngunit tinawanan lang ako nito. "Gago!" sigaw ko rito sabay talikod dito. "Guwapo ako at ang cute mo kaya bagay tayo." Natatawa pa rin ito. Lintik talaga ang taong 'to. Ba't kasi may kapre pa? Kung hindi lang ito nagpakita ay sana mahimbing na ang aking tulog at hindi ko makakasama ang ungas na 'to. "Laurence Morales pala ang pangalan ko para maikandado mo na sa puso mo," sabi pa nitong natatawa habang nakatalikod pa rin ako rito. Hindi pa rin ako umiimik at humarap sa kaniya. "Ikaw Miss, ano name mo? Baka gusto mong sabihin. Pero kung ayaw mo okay lang din naman basta ba katabi kitang matulog. Pili ka na lang, katabi kitang matulog o sasabihin mo ang pangalan mo?" Parang nais kong maging super saiyan at paliparin ito palabas ng kuwarto niya. Dahil sa buwesit ko sa taong ito ay muli akong lumabas ng kuwarto nito. "Gago!" sigaw ko rito bago kumaripas ng takbo. Hindi ko na tiningnan ang punong kahoy basta mabilis akong tumakbo at nilampasan ito. Pakiramdam ko ang inis at kaba ko ay nag-uunahan habang tumatakbo ako. Hindi rin ako lumingon sa punong iyon. Hiningal ako nang makalampas ako sa punong kahoy na iyon ngunit malalaki pa rin ang hakbang ng aking mga paa hanggang sa makarating ako sa kuwarto naming magkakaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD