Chapter 4 Satisfied

1143 Words
Venus POV Nagising akong may nakayakap sa aking bisig, habang ako'y nakatalikod, nakapatong ang aking ulo sa kanyang braso, sa pagharap at pagdilat ng aking mga mata ko mukha ni James ang aking nakita ko, pati ang paghinga niya ay ramdam na ramdam ko at dumadampi sa aking mukha, grabe! tumatagos ito sa aking balat at tumataas ang aking balahibo sa dampi nito, tinitigan ko siya habang tulog, napakaguwapo, ang tangos ng ilong, tumitig sa labi, masarap siguro itong humalik, nakangiti siya habang nasa isip iyon, hahawakan niya sana ang mukha ngunit gumalaw ito, tumihaya ito at naalis ang pagkayakap sa kanya, dahan dahan siyang bumangon, bigla siyang naalarma, wala pala siyang mga undies at tanging T-shirt lang ni James ang suot niya. Namula siya, Buti n an lang Hindi mapagsamantala si James, dahil kung hindi naku! baka nawalan na siya ng puri. Kinuha ang kumot at pumanhik sa taas para mag banyo, Natuyo na ang kanyang damit pati mga underwear, naligo siya at nagbihis. bumaba na siya matapos Niyang labhan ang t-shirt na isinuot niya, inilagay niya sa hanger at isinampay sa labas ng bintana, nakadouble lock ang mga pinto hindi niya alam buksan. Natutulog pa rin si James, ng bumaba siya. Ano kaya ang nangyari at napuyat ito. Malalim na buntong hininga ang pinakasalan niya, Nakita niyang may maliit na palanggana may lamang tubig at bimpo, pati na ang isang basong tubig at gamot na tableta na nabawasan ng dalawa. Naghanap ako ng mailuluto, nagsaing ako pero hindi ko alam ibukas ang kakaibang kalan, Kaya no choice kundi manggising ng tulog, "James paano ibukas ang kalan mo? Magluto sana ako," tinatapik ko siya sa balikat, dumilat si James, masama yata ang gising dahil ang aga agang nakakunot ang noo, "bakit?" takang tanong nito, "ah eh magluluto sana ako ng pagkain natin di ko alam buksan ang kalan, pasensya na" malambing kong sabi sa kanya, tumayo ako patungo sa kalan. Tumayo naman ito at walang kibong binuksan ang kalan, hayyy! ang inosente ko, muli itong umalis kinuha ang mga unan at padabog na pumanhik sa taas, Ano kaya ang lulutuin ko? pinapanood ko lang kasi magluto si Yaya, natuto lang ako sa ilang subjects namin noong nagaaral pa ako. Si Yaya nga pala kamusta na siya? tanong ng kanyang isip, pasasama ako mamaya kay James ipagtatanong namin si Yaya Lily sa mga tao, baka katulad ko din siyang nakaligtas, marunong itong lumangoy sinasamahan niya ako lagi pag naliligo ako sa pool at sanay kami sa dagat. Hindi pa naman ganoon katanda si Yaya, nasa 45 years old pa lamang ito, Kumukulo na ang sinaing at tumingin ako sa freezer ng iluluto medyo nagyeyelo pa ito kahit nadrain ang power supply kagabi. Pritong itlog at longganisa ang napili ko. Naghain ako at pumanhik sa taas kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni James "Ano na naman ba? Don't disturb me when I'm sleep ok!" Galit niyang sinabi "ay sorry po kamahalan!, nakahain n po kasi ako baka gusto nyo nang kumain, pasensiya na po!" pagalit ko ding sinabi sabay talikod "Aba! pwede ka ng umalis ngayon din! sa lahat ng ayaw ko inistorbo ako sa pagtulog, napuyat ako ng dahil sa iyo! alam mo na yon! Pakialamera! pabulyaw nitong sabi sabay sarado ng pinto, napahinto ako sa pagbaba, bumalik ako sa pintuan at kumatok, muling Bumukas ito Ano! bulyaw nito. "I'm sorry" mahina kong sabi, nagpakumbaba ako kahit naiinis ako sa kanya hindi ako sanay na sinisigawan at masakit pa pinapaalis pa ako saan naman ako pupunta, baka maligaw pa ako saka hindi ko pa hawak cellphone ko. Lumabas na siya ng pinto at tuluyan ng bumaba, sumunod ako sa kanya na tinitingnan ang buo niyang katawan, eto ang katawang umakap sa akin kagabi, kinikilig siya, sa baba lumingon ito sa kanya "satisfied! pasado ba ang katawan ko," nanunudyo at sarkastikong sabi nito, nag init ang aking mukha, Hmmmp! macho nga antipatiko naman! sa isip ko lang, Hindi ako kumibo at umiwas ako ng tingin ayoko muna siyang tarayan, baka magalit palayasin na naman ako. Nakaupo na siya sa komedor, hinhintay kong ayain niya ako, kahit nagugutom na ako natatakot akong masigawan, tumingin siya sa akin "kakain ka ba o hindi? Sayang tong niluto mo?" mahinahon ngunit nagiinsulto ang kanyang salita, "salamat! hinhintay ko lang na ayain mo ako, baka kasi magalit ka na naman,"ngumiti ako sa kanya para maging mabuti siya sa akin. Hindi na ako nagpakipot pa, kumuha ako ng plato, kanin at ulam, sumubo ako ng sumubo sa pagkain ko na lang idinadaan ang inis, at takot ko sa kanya, may baril ito baka ako muling tutukan pag pinatulan ko,. nakatingin lang ito pagkuwa'y nagsalita "malakas ka palang kakain, kahit slim ka? " puna nito, nginitian ko lang siya tuloy pa rin ang subo at nguya ko sa pagkain, "Hindi kasya stock kong foods kapag nagtagal ka dito sa bahay," Hindi pa rin ako kumibo, Hindi ko alam kung care siya o nangiinsulto. "Kaya dito ka lang maghahanap ako ng pagkain, huwag kang makikialam sa mga gamit ko!" matigas nitong utos sa kanya, "if there's something wrong or emergency, you push that button para umalarm ang relo ko" sabay turo sa gadgets na nakasabit sa wall, "ok, pwede ba akong humingi ng favor sa iyo?" mahinahon kong tanong, "what is it?", "dalawa Kasi kami ni Yaya Lily sa pagtakas, tumaob yong bangkang sinasakyan namin, nakabitaw siya sa bangka kaya inaanod siya ng dagat, nasa middle aged pa lang siya, at marunong siyang lumangoy Kaya I believe she is alive, pwede bang makisuyo ba ipagtanong mo siya sa malalapit Isla?" pagsusumamong pakiusap ko sa kanya, "I will try" sagot ni James, "wow thanks! mabait ka din naman pala," masiglang sabi ko rito. Hindi na ito kumibo at itinuloy ang pagkain, tumayo ako at tinimplahan ko siya ng kape inilagay ko sa tabi ng plato niya, ipinagpatuloy ko ang pagkain ko, natapos siya at tumayo, kinuha ang kapeng tinimpla ko saka pumanhik sa taas, "hayyy salamat!" sabi ng isip ko, iniligpit ko ang pinagkainan namin, at naglinis ako, inayos ko ang mga gulo gulong gamit, isinalansan ko ng organize ang mga Plato, baso at kutsara, pati na sa sala ang mga upuan, at lamisita, pati na ang mga kurtina, ng umaliwalas sa loob ng sala, nagagiw ako at nagwalis, medyo pagod na, Kaya mamaya na lang ako maglampaso, Umupo ako sa couch hawak ang basahan at walis, ipinugong ko ang aking mahabang buhok at nilagyan ko ng ipit na chopstick. Sumagi na naman sa isip ko si Papa at Yaya, ano na kaya ang nangyari sa kanila? Bumaba si James, nakabihis na ito at may dalang shot gun, "I will find food, wag kang makikialam ng gamit ko!" bilin nito, tumango lamang ako, "ingat ka!" malambing kong sabi sa kanya, sabay ngiti. Suplado talaga, tuloy tuloy lang ito na parang walang narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD