Chapter 3 Embrace

1090 Words
James POV Pagsarado ko ng pinto, agad akong umupo at binuksan ang aking laptop, kahit pinagabawalan akong gumamit ng net using our office satelite ay ginamit ko for only 2 minutes Hindi ako madedetect ng kalaban kung ganoon lang kabilis sa system nagtype ako sa search button ang pangalan ni Venus Madrigal, but I don't know her complete name and but I'm glad nagappear sa screen ang picture niya kaya inclick ko. Nakita ko ang lahat ng information tungkol Kay Venus Sofia Madrigal, international model, only daughter of Mr. Adriano Madrigal, studied at DLSU, Tourism, enough na ang infos for me to know if padala siya ng kalaban, I close the program and shutdown the laptop. Napabuntong hininga ako, nakahiga at nakapikit ngunit ayaw akong dalawin ng antok, sumasagi sa isipan ko si Venus, Ang kanyang katawan, Ang kanyang mukha, Ang kanyang alindog, nagnanasa ako sa kanya gusto ng katawan kong makaniig siya, lalong lumalakas ang ulan, sunod sunod kulog at kidlat, narinig ko na ang sigaw sa kabilang kwarto, nawalan kami ng ilaw at tanging sa baba lamang may emergency light, kinapa ko ang flash light sa drawer at nagpunta ako sa kwarto niya, Nakita ko siya sa banyo, nakaupo lamang ito at nakapikit, "bakit ka sumigaw! nawalan lang ng ilaw" pagalit kong sabi sa kanya, nagulat ako sa ginawa nito, tumayo ito at yumakap sa akin ng mahigpit. "may phobia ako sa dilim", humihikbing sabi niya, matagal ang yakap na ito nanginginig ang buo niyang katawan sa takot, ngunit dahil sa kanyang pagyakap mas lalong na nagliliyab ang damdamin ko para sa kanya, para mapigilan ko ang pagnanasa ko sa kanya hinawakan ko siya sa kamay, hinila pababa, pinaupo ko siya sa pinaghigaan niya kanina, may liwanag na nagmumula sa emergency light, kumuha ako ng tubig sa ref inabutan ko siya, medyo kumalma na ang nanginginig niyang katawan, "Bakit ka natatakot sa dilim?" mahinahong kong tanong sa kanya, nahiwagaan ako sa ikinilos niya bakit ganoon katindi ang takot niya sa dilim, "Bata pa ako ng nagstart ito , nakatira pa kami sa Manila noon, nasa grade 1 ako, si mama galing siya sa office namin, sinundo niya ako kakain kami sa labas ng may humarang sa aming sasakyan, bumaba ang mga taong nakabonet na itim may mga dalang baril, itinutok sa amin at pinababa kami ng sasakyan, at piniringan ang aming mga mata, isinakay kami sa sasakyan at dinala kami sa isang lumang building, umiiyak ang Mama ko nagmamakaawa na pakawalan ako, pinatutubos kami kay Papa ng mga kidnaper ngunit walang halagang 20 Milyon na hawak si Papa noon, kaya tumakas kami ni Mama, Ng makatulog ang mga kidnapper, buhat ako ni Mama tumakbo siya ng tumakbo, gabi na noon at madilim, naulinigan namin ang ingay at paputok ng baril ng mga kidnapper, kaya itinago ako ni Mommy sa isang madilim na lugar sa loob ng isang drum, iniwan ako ni Mama, tumakbo siya para iligaw ang mga humahabol. Dumating sila Papa sa lugar na may kasamang pulis, Nakita nila si mama na may tama ng baril at wala ng buhay, hinanap nila ako, takot na takot ako dahil madilim sa loob ng drum, bawal din akong umiyak at mag-ingay bilin ni Mama sa akin, unti unti tumutulo na ang luha nito, saka lang ako nagsalita ng marinig ko ang boses ni Papa, sinisigaw niya ang pangalan ko, saka palang ako nagsalita, "Papa!" Nakita nila ako sa loob ng drum, Kaya simula noon hanggang ngaun ayoko nang madilim na lugar, may phobia na ako, sobrang takot na takot ako. Malungkot at madamdaming kwento ni Venus sa kanyang buhay. Umiiyak na ito. Naawa ako sa kanya, parang piniga ang puso ko tulad niya ako din ay batang naulila sa ina "Tama na, wag ka nang umiyak, dito ka na matulog sasamahan kita, kukuhanin ko lang mga unan at kumot sa taas" kinuha niya ang flash light sa kamay ni Venus, para I check ang battery dahil sa solar energy lang ang gamit nila, nadrain pala ang battery dahil maghapong makulimlim, Kaya no choice, napasubo siya sa kanyang sinabi, pumanhik siya sa taas, pagbaba niya may dala siyang apat na unan, dalawang kumot at dalawang comforter para Kay Venus at sa kanya higaan niya sa sahig kung saan siya mahihiga, inilihis niya ang lamisita at mga upuan, nilagay niya ang isang comforter sa couch kung saan matutulog si Venus, "sure ka ba na dito mo gustong matulog?" tanong ni Venus nakahiga na ito namumungay na ang mga mata nito sa antok at pagod marahil sa katatakbo kanina, tapos naulanan at nagutom pa. Inilatag ko nman ang comforter sa sahig buti na lang may carpet saka ako nahiga, sign na sinagot ko ang tanong niya, isang metro ang layo ko sa kanya, tumalikod ako saka ko ipinikit ang aking mga mata, subalit ayaw akong dalawin ng antok, dahil sa kanyang presensiya mga ilang minuto ang lumipas narinig ko na ang mahina niyang ungol, sa pagkakataong ito humarap na ako sa kanya, pinagmasdan ko ang kanyang magandang mukha,"I miss you and love you more" nagsasalita ito habang tulog, "sino kaya sinasabihan nito ng salitang yon, bahagyang may kumirot sa puso niya, baka boyfriend nito saka umuungol Mama! ma!!, medyo nanginginig kaya hinawakan ko ang noo niya, grabe ang init, bumangon ako,. kumuha ng tubig at gamot, may mga stock akong gamot sa cabinet just in case of emergency, ibinangon ko siya bahagya itong nagising, ngumiti pa sa sa akin "inumin mo ito, nilalagnat ka" isinubo ko ang gamot at pinainom ng tubig, kumuha din ako ng maliit na towel at tubig sa palanggana, nilagyan ko ng basang bimpo ang noo niya paulit ulit, "yakapin mo ako please, ang ginaw!" nangangamba pa akong yakapin si Venus, Hindi kami kasya sa couch, Kaya binuhat ko siya sa tabi ko, niyakap ko siya. Ang sarap niyang kayakap, gusto ko siyang alagaan at mahalin, masayang masaya ang damdamin ko, at habang nakayakap ako sa kanya naging payapa ang damdamin ko. Nahimbing na ako sa pagtulog, marahil ka su-surf kanina, athletic type talaga ako, mahilig ako sa mga laro tulad ng race car, surfing, martial arts at fencing, lagi akong sumasali sa mga competition ngunit ayaw ito ni Papa "it's risky!" madalas niyang sinasabi mas gusto niya na magfocus ako sa business namin, kaya umalis ako sa mansion. But secretly I also have business but may mga katiwala lang ako, nakamonitor lang ako sa finance at development, ibat ibang transaction, pero nakapangalan sa akin ang lahat ng account. Maybe in the future, I will be on it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD