Simula
NAGISING ako sa isang madilim na kapaligiran at tanging nakikiramdam lang at may madilim na nakaraan na hinding-hindi ko makakalimutan.
Binulag nila ako... Iba talaga siguro ang nagagawa ng pera sa mga tao kaya nagagawa nila ang kahindik-hindik na bagay.
Akala ko mag tatagal ako sa kadiliman bago ko mahanap ang liwanag. Pero may taong nagbigay sakin ng lakas at siya ang nag gaya sa akin sa direksyon patungo sa liwanag na matagal ko ng hinahanap na akala ko ay hindi ko na mahahanap.
Ang liwanag ng pag asa...
"You can open your eyes now," malalim at malamig ang tono na utos nito. At kahit malamig ramdam ko ang pag-iingat at pag-aalinlangan. Na tila ba natatakot siyang makita ang aking mga mata sa oras na bumukas ito.
Dahan-dahan akong nag mulat ng
mga mata, noong una ay malabo pa ang paningin ko hanggang sa luminaw ito. Pero naipikit ko rin itong muli ng tumama sa mga mata ko ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa kisame na kung na saan ang ilaw na nag sisilbing liwanag sa boung silid.
At noong makabawi na ay iminulat ko ang mga mata ko at unang tumama iyon sa lalaking seryoso ang mukha na nasa harap ko habang walang kangiti-ngiting nakaukit sa kulay pulang mga labi nito.
Nakakatakot ang awra niya at ang mga mata niya ay nababalutan ng poot kahit na malamig. Pero nawala rin iyon nang kumurap ako, siguro ay nag iilusyon lang ako. Dahil malabong mangyari iyon, at kung hindi naman ako nag iilusyon ay para saan naman ang poot na iyon?
Ngunit dumaan pa ang isang emosyon sa kaniyang mga mata habang titig na titig sa aking mga mata. Lungkot at sakit.
Imbis na sa salamin tumingin ay ginala ko pa ng tingin sa kabouhan ng mukha niya. Para akong na-aadik sa kung ano mang mayroon sa kaniyang walang kapintasang mukha.
Matangos ang ilong niya, makapal ang kilay at kulay pula ang manipis at hugis puso nitong labi at perpektong anggulo ng panga. At nakakatakot na kulay itim na mga mata dahil sa pagiging blangko nito na tila humihigop din sa aking lakas, kasing dilim pa ng mga mata niya ang liblib na gubat na walang liwanag. Parang ang sarap hawakan nang makikitid at mahahaba niyang pilik-mata na dinaig pa ang pilik-mata naming mga kababaihan. Makinis ang mukha niya na tila ba makakaramdam pa ng hiya ang tigyawat sa kaniya na umusbong.
Siya naba?
Dahan-dahan akong ngumiti sa kabila ng kabang nararamdaman ko. "Thank you... " halos hindi ko na marinig ang sarili ko.
Nanatiling blangko ang tingin niya sa'kin. Pero dahan-dahan siyang tumango at umiwas ng tingin na tila ba'y isang pasakit sa kaniya na titigan ng matagal ang mga mata ko, na akala mo'y ikamamatay niya ang sakit.
Bumaba naman ang tingin ko sa mga kamay ko at habang tinitingnan ko ang mga iyon ay hindi ko maiwasang 'di mapaluha. Dahil sa wakas. Nakakakita na akong muli na akala ko ay hindi na mangyayari.
Dahil pagkatapos mawala ng parents ko ay siya namang pagkawala ng paningin ko. Hindi man lang ako nakapunta sa mga burol nila.
Malakas talaga ang pakiramdam ko na may kinalaman ang tiyuhin ko sa nangyari sa amin.
Tila umurong ang luha ko nang may nahagip ang mata ko na kumikinang na nakasuot sa palasingsingan ko.
Tumikhim ang kasama ko kaya napatingin ako sa kanya nang may pagtataka.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay inunahan na ako nito. "Look, it's a wedding ring. Right? " maiksi at simple nitong sabi. Napaka tamad magsalita. At hindi ko alam kung normal ba iyong way ng pananalita niya dahil parang may nahimigan din akong sarkasmo roon.
Pinangunutan ko siya ng noo at mas lalong naging kuryoso. "Pero para saan? " naguguluhan kong tanong at ipinagsawalang bahala ang pagiging sarkasmo nito kanina.
Tumikhim siya at tumayo at saka nilapitan ang kulay puting drawer na hindi kalayuan sa amin at parang may kinuha sa isa sa mga drawer doon at nang humarap siya ay napansin ko na may dala-dala na itong white folder.
Pinakatitigan ko iyon sa kamay niya.
Seryoso niya akong tiningnan kaya naman masasabi ko talagang seryoso ang sasabihin niya sakin. "Dapat tayong mag panggap na kasal dahil hindi ka nila magagalaw habang nasa puder ko kita, at wala kang pagsasabihang iba tungkol sa pagpapanggap natin, " sunod-sunod na paliwanag niya sabay inabot sa akin ang white folder. "Read it, " mahinahong utos nito na mabilis ko namang ginawa nakakahiya kasi kung patagalin ko 'di ba?
"At kailangan mo ring maging maingat dahil pinaghahanap ka na nila dahil pirma mo na lang ang kulang bago nila makuha ang pera ng magulang mo na naiwan para sayo. At kilala mo naman siguro ang mga kamag anak mo lalo na an tiyuhin mo, hindi ba? Nasisiguro ko naman na hindi mo hahayaang mapunta sa kanila ang hirap at pagod ng magulang mo?" ramdam ko ang mabigat na mga titig niya sa akin habang binibigkas niya ang mga iyon.
Tumango ako habang binabasa ang bawat detalye ng naglalaman sa white folder. Dahil tama siya, alam ko ang kati ng mga hayup na iyon.
Pero nakakapagtaka lang kasi sa akin iniwan ni Daddy ang mga ari-arian nila na pinag hirapan nila. Wala kasi siyang tiwala sa akin pag dating sa ganito.
"Kaya mas maganda na rito ka na lang sa loob ng bahay—"
"Paano naman kung gusto kong lumabas para bumili ng pagkain? " putol ko sa iba pa niyang sasabihin na biglang naging hamon sa kaniya.
Tinitigan ako nito hindi naman nag tagal ang titig ko sa kanya dahil na rin siguro sa mga mata niya. Naninimbang at parang sinasabihan ako na wala akong karapatang mag-salita.
Namulsa ito habang nananatili pa ring nakatayo sa gilid ko kaya na aamoy ko ang panlalaki nitong pabango na hindi masakit sa ilong. "May stock na ng pagkain sa baba, at kung ubos na sabihin mo lang sakin at ako na ang bibili para sayo, " wala pa ring emosyong sagot nito.
Tumikhim ako. Parang wala talaga akong karapatang mag-salita kapag siya na ang nagsasalita.
Tumango ako at patay malisyang nagbaba ng tingin sa folder na hawak-hawak. "At para saan ito? " dahil gusto kong makasiguro na tama ang pagkakabasa ko na iba na ang apelyido ko. At ang gagamitin ko ng apelyido ay ang apelyido niya. Dahil ang alam ko lang ay nagpapanggap lang kami na kasal!
Sumulyap siya sa folder na hawak ko. "I changed your last name last week. Para hindi ka nila magalaw," simpleng sagot nito na ikinamangha ko.
Gano'n ba talaga kalakas ang apelyido niya para lang hindi ako mapahamak ng mga kalaban ko? 'Yong isang banggitan lang matik na katatakutan mo na.
At hindi lang dahil doon, may samahan sina Uncle, na para lang sa masasama at pumapatay para lang sa pera, at isa pa. Malakas ang grupo na kinasasangkutan ni Uncle, at nagtataka lang ako kung paano matatakot sa apelyido niya ang mga iyon. Dahil kaanib sila ng malalakas na organisasyon sa labas o mapaloob man ng bansa.
Napatango na lamang ako. Hindi pa rin ako makapag-salita.
Napatitig ako sa kawalan ng hindi ko man lang namamalayan. Iniisip ko kung ano ng mangyayari sa akin at kumusta na sila kung masaya ba sila na wala na kami. Na nag hihirap na kami at natalo nila kami.
Naibalik lang ang tingin ko kay Venezio dahil sa sumunod na sinabi nito. "Adrian your ex is already married by the way. " parang sinakmal ang puso ko dahil doon.
Hindi dahil sa kasal na ito. Dahil isa siya sa mga taong nagpahirap din sa'kin. Pinagkatiwalaan ko siya at minahal pero ang hindi ko alam ay tinitira na pala ako nito ng masamang mga salita habang nakatalikod ako at isa pa ay pera lang din ang habol nito sa'kin kaya niya nagawa ang kahindik-hindik na pangyayaring iyon na hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.
Nakita ko siya noong mga oras na iyon sakto na may nag buhos ng acid sa akin.
"You still love him, right?" biglang tanong niya na ikinatigil ko.
Umiwas ako ng tingin, wala akong masagot dahil tama siya. Mahal ko pa rin si Adrian sa kabila ng lahat, at hindi ko alam kung bakit. Kung hihingi lang siya ng tawad sa akin at kakampi ay patatawarin ko pa siya. Pero hindi ko na siya babalikan.
Tila isang mabagsik na hayop ang katapat ko ngayon dahil sa pagiging halimaw nito sa mga salita. "Ang mga lalaking katulad niya ay hindi na minamahal, kundi pinapatay. "
Dapat masanay na ako sa salitang p*****n pero pag dating sa lalaking ito ay hindi ko maiwasang tayuan ng balahibo sa batok. Dahil hindi ako sanay na sinasabi niya iyon sakin.
Dahil hindi ako naniniwalang isa lang siyang doktor. Dahil na rin sa mga pinagsasabi nito. At masyadong maamo ang mukha niya para sa gano'ng klaseng salita.
Naiilang akong umiwas ng tingin na mukhang napansin naman nito.
"Seryoso ako sa mga sinabi ko, hindi dapat minamahal ang gagong lalaking katulad niya," malamig ang boses na sabi nito na mas bumigat pa lalo.
"Masyado kang maganda para lang saktan. " so kapag pangit sasaktan? Ganoon?
Hindi ako ka agad nakapagsalita, nakatingin lang ako sa kanya. Dahil para akong isang rosas, rosas na ayaw ipamahagi sa iba. Tanging sa halimaw lang na nasa harapan ko ngayon.
Kadiliman, totoo nga bang nakatakas na ako? Gayong nakilala ko naman ang lalaking ito, na siya rin pa lang magbabaon sa'kin lalo sa kadiliman na akala ko ay natakasan ko na.
Liwanag, totoo nga ba na mayroong liwanag? Nahanap ko na nga ba talaga ang liwanag?
Gayong ang kadiliman lang ang nakikita ko ng dahil sa lalaking ito.
"Ingatan mo rin ang matang iyan. It's a treasure to me. Yaman na hindi ko kayang ipagpalit kahit kanino. "
Kung kanina ang boses niya ay mabigat ngayon ay mas lalong bumigat. At tila ba labag sa loob niya na nasa akin ang mata ng taong nagmamay-ari nito na mahalaga sa kaniya.
Hindi sinasadya kong nasalubong ang kaniyang mga mata. Kaya naman na abutan ko ang emosyon na kanina ay pilit kong hinahanap pagkatapos kong maimulat ang aking mga mata.
Nawindang ako nang makita ang mga mata niya na puno ng sakit at bahagyang namamasa habang nakatitig sa akin.
Bakit siya nasasaktan?
Ang mga mata ko ba ang dahilan? O mga mata niya?