CHAPTER 57 "Dito talaga?" paanas na tanong ni Gelo nang tinatanggal ni Alyana ang butones ng kanyang pantalon. Tumatawa pa siya. Hindi kasi siya sanay na si Alyana ang naglalandi, ang nagpipilit. “Ayaw mo ba? Hindi ba gusto mo ikaw naman ang ginagahasa?” nakatawang tanong ni Alyana. Tinakpan i Gelo ang kanyang katawan na akala mo ginagahasa “Huwag po! Please, huwag mo pong itigil na gahasain ako!” Tumawa silang dalawa. “Seryoso ka ba talaga?” “Oo nga. Seryoso ako. Gusto ko lang din gawin iyon dito kasi gusto kong may alaala tayo dito sa ating kanlungan. Gusto kong minsan sa ating pagmamahalan ay ginawa natin ito dito.” “Okey. Mahirap naman kung papahiyain pa kita. Pagbibigyan kita. Nakakahiya namang tanggihan ka.” nakangiti niyang sinabi. Ang gwapo talaga ni Gelo. Lumaki na ang ka

