CHAPTER 6 "Sige nga. Matikman nga ang kape na pinaghirapan ng baby ko." Nakangiting sinabi ni Alyana nang makabalik na si Gelo sa kanyng upuan. Nakangiti lang siyang nakamasid sa magiging reaksiyon ni Alyana. Pagkatikim ni Alyana sa kape ay nakita ni Gelo na parang peke ang ngiti ng babae. Ngunit mabilis iyong napawi ng isang matamis na ngiti. "Ang sarap naman. Sobra...sobrang pagmamahal ang puhunan." Kumindat pa siya. Tinungo niya ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Nagsalin siya sa dalawang baso. Uminom agad. "Ano? Masarap ba ang timpla kong kape?" pagmamalaki ni Gelo. "Oo. Kuha mo talaga. Grabe. Sobra." Napapangiting sagot ni Alyana. "Talaga. Patikim nga!" "Naku! Huwag na, hindi ka naman nagkakape eh di ba?" Nilayo ni Alyana ang kape kay Gelo. "Patiikim nga lang e, 'to naman!

