INIWAN

1621 Words

CHAPTER 24 “Buksan mo naman ‘to oh! Mag-usap tayo, Gelo.” "Umuwi ka na. Hindi ko pa gusting makipag-usap ngayon." Sandaling katahimikan. Inisip ni Gelo nab aka nag-iisip pa si Alyana ng sasabihin. Naghihintay siya. Gusto niyang tiisin si Alyana kahit sandal lang. Para lang maramdaman nitong nagtatampo siya. "Ayaw mo ba akong kausapin, please kahit sandali lang,” sabi ni Alyana. Nakikiusap ang kanyang boses. Hindi sumagot si Gelo. “Nagugutom ka ba? Gusto mo dalhan kita ng pagkain? Alam ko hindi ka pa kumakain mula kaninang umaga.” Hindi pa rin sumagot si Gelo pero nasa likod lang siya ng kanilang pintuang yari sa kawayan. "Sige, sandali lang at kukuha ako ng pagkain mo ha? Matulog ka na lang kapag nakakain ka na, okey?" Narinig ni Gelo ang yabag ni Alyana palayo sa kanilang kubo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD