CHAPTER 23 “Pero Tito, hindi ko rin kaya na mawala sa akin nang ganon-ganon si Alyana. Hindi ho ako mabubuhay ng wala ho siya kaya gagawin ko ho ang lahat para sa kanya.” “Kaya okey lang sa’yo na magulo ang buhay mo gano’n ba? Okey lang sa’yo na masaktan ka nila? Okey lang sa’yo na baka pati mga kapatid mong umaasa sa’yo at madadamay dahil sa letseng pag-ibig na ‘yan!” “Kilala ho ninyo ako Tiyo, ipaglalaban ko ang gusto ko pero hindi ko ho pababayaan ang mga kapatid ko. Hindi ho sila maisasantabi kahit pa tutulungan ko si Alyana at hindi ko ho siya bibitiwan.” “At pumayag si Alyana sa gusto mong mangyari?” “Hindi ho.” “Kita mo? Kasi alam niyang mapapariwara ka. Hindi naman masamang magmahal eh. Nagiging masama na lang siya kung hindi na umaayon ang pagkakataon. Kung wala pa sa panaho

