Chapter 38 Nakita niya ang namamalimos sa tabi niya. Kahit hindi siya pinapansin, kahit dinadaan-daanan lang. Kahit pa yung iba ipinagtatabuyan, patuloy pa rin ito sa paghingi ng tulong, ng awa. Hindi sumusukong itinataas ang lata kahit wala namang nag-aabot sa kanya. Patuloy lang siya sa paghingi kahit hindi naman siya tinatapunan ng tingin. Tumayo si Gelo. Hindi siya susuko. Kung ang namamalimos nga na iyon hindi siya sumusuko, siya pa kaya? Basta hindi siya mapapagod. Hindi ngayon. Hindi kahit kailan basta para sa kanila ni Alyana. Muli niyang pinuntuhan si Zanjo. Nakakaramdam man siya ng hiya pero sa kanya na lang niya isasanla ang relo niya dahil pagabi na at kinakabahan na siya sa lagay ni Alyana. Sa trangkahan lang sila nag-usap. “Pasensiya ka na ha? Hindi kita pwedeng papasuk

