Chapter 39 Sobrang sakit na talaga ang ulo ni Alyana. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinakawan niya ang kaniyang ulo. Huminga siya nang malalim. Dahan-dahan siyang tumingin kay Gelo at may pilit na ngiti sa kaniyang labi. “Tara na mahal. Kailangan na nating pumunta sa hospital. Please?” “Huwag na baby ko. Tignan mo, bukas okey na ako. Gagastos pa tayo ng malaki roon. Kaya to ng gamot lang. Huwag kang mag-alala, okey lang ako. Malakas ako eh, kaya ko ‘to, hindi ba Gelo? Dahil lang siguro sa init saka sa ulan. Huwag ka nang matakot. Natatakot din ako kapag ganyan ka eh. Gagaling ako, hindi ba, baby ko?” nanginginig niyang tanong habang nanginginig niyang tinitignan ang dugong pilit niyang hinuhugasan sa kanyang kamay. Nataranta si Gelo. Gusto niyang sumang-ayon sa sinasabi ni Aya

