CHAPTER 27 Tatayo na sana siya nang biglang may tumabi sa kanya. Nilingon niya. Nakita niya angTiyo Edwin niya at ang mga kapatid niya ay nakatayo sa likod nila, hindi kalayuan sa kanilang inuupuan. "Pasensiya ka na, Tito pero hindi ko ho kayo mapagbibigyan sa pangarap ninyo sa akin. Wala ho kasi ako talagang interes sa pag-aaral. Sana huwag kayong magalit kay Alyana kasi wala ho siyang kasalanan. Hindi ko ho gustong binabayaran ninyo siya para lang palayain niya ako. Tiyo, mahal ko ho talaga siya . Kahit ano ho gagawin ko huwag lang naman ninyong hadlangan ang aming pagmamahalan. Huwag lang ho ninyo akong ilayo sa kanya. Tulungan ninyo ako Tiyo, na hanapin siya. Tulungan ho natin siya na makamit ang kanyang pangarap. Please. Hindi ho ako humihingi sa inyo ng pera, pang-unawa lang ho.

