CHAPTER 28 Alyana? Alyana, ikaw nga!” Hindi makapaniwalang sabi niya. Bahagya pa niyang kinusot ang kanyang mga mata. At nang masiguro niyang si Alyana nga iyon ay tumakbo siya palapit. Niyakap niya nang mahigpit si Alyana at binuhat niya saka niya pinaikot-ikot dahil sa walang mapagsidlan niyang saya. “Nandito ka, nandito ka pa Baby ko.” “Oo. Nandito pa ako at kanina pa kita hinihintay.” “Hinihintay mo ako?” “Hindi ba sinabi ni Sinong sa’yo?” “Hindi.” “Ang Tiyo Edwin mo, hindi ba niya nabanggit?” “Wala. Pumunta lang ako rito para takasan ang lahat kasi ang gulo-gulo na.” “Ganoon ba? Pero, salamat. Salamat at dumating ka.” “Bakit nandito ka pa?” “Ayaw mo ba?” “Gusto. Gustung-gusto pero akala ko kasi iniwan mo na ako. Hinihintay mo ba ako?” “Hindi mo talaga na-gets din ang nasa

