CHAPTER 30 Nakaramdam ng awa si Alyana nang makita niya ang Nanay niyang nakaupo malapit sa sakayan ng Roro. Nauuha na tinitignan ang mga sumasakay. Matiyaga niyang iniisa-isa ang mga iyon. Hanggang sa tumayo. Sinilipsilip mga bumibili ng ticket kahit alam niyang wala siya roon. Muling umupo saka nagpunas ng kanyang mga luha. Alam naman niyang mahal siya ng Nanay niya ngunit mas nangingibabaw lang ang kademonyohan ng kanyang step father. Dahi sa takot at sunud-sunuran ang Nanay niya sa Tatay niya kaya nagiging masama na rin ito sa paningin niya ngunit may pagkakataon na ramdam niyang gusto ng Nanay niyang mapabuti ang buhay niya. Ramdam niyang mahal siya nito. “Hindi ka ba naawa sa Nanay mo? Pinaiiyak mo. Hindi ka ba nasasaktan?” tanong ni Gel okay Alyana. Huminga nang malalim si Alyana

