NASAKSIHAN

1491 Words
CHAPTER 14 Ngayon lang nakaramdam si Gelo ng pagseselos kaya hindi niya alam kung paano iyon kontrolin. Kung paano niya i-handle ang ganoong sakit na kanyang nararamdaman. Kaya naman hindi na niya napigilan pang ipakita ang kagaspangan ng ugali niya. Pilit niyang kinakalimutan na lang ang hinala niya. Nag-o-over-think lang siya at mali ang hindi niya pagkatiwalaan si Alyana. Isa pa, sa hotel naman matutulog si Daniel at hindi sa tabi ni Alyana. Balak niyang pumuslit at pumunta sa kuwarto ni Alyana mamayang gabi kunsakaling hindi pupunta si Alyana sa kanya. Isipin na lang niya na bukas ang graduation nila ni Alyana kaya iyon na muna ang dapat niyang isipin at ipagdiwang. Nakaramdam siya ng excitement dahil sa wakas, magtatapos na rin siya ng high school. Wala siyang balak pang magkolehiyo dahil ang gusto na lang niya ay magtrabaho para matustsusan ang kanyang mga kapatid at si Alyana. Gagawin niya ang lahat para matulungan ang dalaga. Nalungkot siya para kay Alyana. Dahil sa kanyang ugaling palasagot sa kanilang mga teacher at palaban, naging salutatorian lang siya. Tinalo siya ng kaklase nilang panay ang regalo at paalipin sa kanilang mga teacher. Hindi kasi ganoon si Alyana. Matalino siya ngunit hindi sipsip. Isa pa, malaking halaga ang donor ng Mama ng kanilang kaklase at siya, wala siyang balak magbigay ng donasyon kahit pa alam ko ni Gelo na kaya niyang tapatan ang binibigay ng kaklase nilang iyon. Umiyak si Alyana at hindi niya matanggap at naroon siya para samahan ang kanyang kasintahan. Ngunit kahit ilaban niya na siya dapat ang valedictorian ay hindi pa rin nangyari. Nang gabing iyon bago ang kanilang graduation ay hindi dinalaw ng antok si Gelo, Hindi talaga siya makatulog kahit pa maaga siyang humiga. Namimiss niya si Alyana. Gusto niyang mayakap ang dalaga. Gusto niyang makatabing matulog ito. Gusto niyang bantayan ang dalaga laban kay Daniel. Dapat nga sila ang magkatabi ngayon bago ang kanilang pagtatapos. Malalim na noon ang gabi. Naghintay siyang tumahimik na ang inuman sa bahay nina Alyana. Nag-iinuman kasi si Daniel at ang mga kamag-anak ni Alyana na halatang botom-boto kay Daniel dahil sa painom nito at pakain. Nagmistula ngang pista kanina sa dami ng pagkain. Nag-uwi pa ang kanyang mga kapatid ng sobrang ulam at pansit. Ngunit siya, hindi na siya pumunta pa. Tumambay na lang siya sa dalampasigan kanina. Alam niyang tulog na ang lahat pero nakiramdam muna skiya lalo na baka si Daniel pa ang makadiskubre at magsumbong siya sa mga magulang ni Alyana. Mabubuking pa sila. Pagkatapos ng inuman, naghintay lang siya ng isang oras pa mula nang naramdaman niyang parang tulog na ang mga magulang ni Alysa at baka nga nakaalis na rin si Daniel papunta sa hotel nito sa bayan. Napagpasyahan niyang puntahan na si Alyana nang ala-una na ng madaling araw. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanilang bahay. Kinikilig siya at nangingiti habang tinutungo niya ang bahay nina Alyana. Doon siya sa bintana dadaan kagaya ng mga nakaraang mga gabi. Gugulatin niya ang dalaga. Gagawin rin niya yung ginagawa sa kanya ni Alyana. Yung ginagawa ng dalaga na pagpasok sa kuwarto niya ng dis-oras ng gabi at hahalikan siya sa puno ng kanyang tainga habang tulog. Gigisingin niya ng yakap at halik si Alyana pero paanas niyang sasabihan na ipagpatuloy lang ng dalaga ang mahimbing nitong pagtulog dahil ayaw niyang agpuyat ang dalaga dahil maaga ang graduation nila kinabukasan. Hindi na siya kakatok pa sa bintana kasi alam naman niyang kahit nakasara iyon at sira naman ang lock nito. Isa pa kaya bukas iyon dahil gusto ni Alyana na pumapasok ang liwanag ng buwan at malayang nakakapasok ang preskong hangin mula sa dagat. Nasanay na raw kasi ang dalaga na bukas ang bintanang iyon mula pa pagkabata niya. Gusto kasi niyang tinatanaw niya ang mga bituin at buwan bago siya tuluyang igupo ng antok. Maingat siyang lumabas ng bahay nila at tinungo na niya ang kuwarto ni Alyana. Sinilip na muna niya ang loob ng kuwarto ni Alyana bago niyan tinangkang pumasok. Gusto kasi niyag makatiyak na tulog na tulog na ang dalaga bago siya papasok. Maliwanag naman ang buwan at nakikita naman niya kung anuman ang ginagawa ni Alyana sa loob. Ngunit si Gelo ang nabigla sa nakita niya’t naabutan. Siya yung hindi nakakilos sa nasaksihan niyang ginagawa nina Daniel at Alyana sa loob ng kuwarto nito. Ibig sabihin hindi umalis si Daniel. Hinayaan ng mga magulang ni Alyana na sa mismong kuwarto ng dalaga matutulog ag kanilang bisita. Parang sumasabog ang dibdib ni Gelo sa galit at hindi nga siya nagkamali sa hinala niya. Napatda siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Pipigilan niya ba sila? Manggugulo ba siya? Paano ang mga magulang ni Alyana? Paano ang kanilang sikreto? Paano kung sila pala talaga ni Daniel at sabit lang siya? Paano kung sa kanya nagsisinungaling si Alyana? Hindi niya alam na kaya palang gawin iyon ni Alyana sa kanya. Wala sa hinagap niya na bukod sa kanya, pinagbibigyan rin niya pala niya si Daniel. Pinagsasabay pala ni Alayan silang dalawa ni Daniel. Nakita niyang nakatayo si Alyana at nakasandig siya sa dinding na walang kahit anong saplot sa katawan habang nakaluhod naman sa harapan niya si Daniel. Dinidilaan ni Daniel ang maselang bahagi ng katawan ng dalaga. Walang pamimilit na nangyayari. Halatang consensual naman. Nakaluhod si Daniel at kinakain ang dapat ay kanya lang. Hawak ni Alyana ang ulo ni Daniel na gumagalaw sa mismong harapan ng dalaga. Hanggang sa nakita niyang tumigil si Daniel. Binuhat ni Daniel si Alyana. Binuhat ni Daniel si Alyana sa kama at dahan-dahan nitong pinahiga. Itinaas ni Daniel ang dalawang paa ni Alyana at itinutok nito ang ari sa bukana ng kanyang kasintahan. Isang tagpong sadyang nagpalambot sa tuhod ni Gelo. Gusto na talaga niyang pigilan si Daniel o kaya ay gumawa ng ingay para matigil ang ginagawa ng dalawa ngunit mas mabilis ang kanyang pagluha kasi alam niyang hindi magugustuhan ni Alyana ang gagawin niya. Alam niyang masisira niya ang plano ng dalaga. Kaya kasabay ng paninigas ng kanyang kamao ang lihim niyang pag-iyak. Mas mabilis ang ideyang lumayo doon nang hindi na lalo pang masaktan. Nang hindi na siya makagagawa pa ng problema. Inisip lagi niya ang sinabi sa kanya ni Alyana na kailangan niyang gawin ito at kung malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa kanila ay ilalayo si Alyana sa kanya. Tumakbo siya sa dalampasigan. Doon siya umiyak. Naalala niya ang sinabi ng Tatay niya sa kanya nang nabubuhay pa ito. Sabi ng tatay niya, kapag nasasaktan at gustong manakit, mas maiging umiwas, mas tamang lumayo para hindi na makagawa pa ng mas matinding kasalanan. Nanginginig ang buo niyang katawan. Itinukod niya ang kamay sa kanyang tuhod. Nakayuko siyang nakaharap sa dagat. Sumasabay ang malakas na hampas na alon sa kanyang nararamdaman. Ang hirap sa kanya ang huminga. Pinagpawisan siya kahit hindi naman ganoon kaalinsangan. Mabilis siyang bumalik sa kanyang kuwarto nang makita niyang may mga mangingisda sa dalampasigan. Ayaw niyang makita siya nina Sinong na umiiyak. Baka magtaka sila at magtanong at hindi niya alam ang isasagot. Mabilis siyang pumasok sa bahay nila at halos liparin niya ang hagdanan para makabalik sa kanyang kuwarto. Nang nasa loob na siya ay doon siya humagulgol nang humagulgol habang sinusuntok niya nang sinusuntok ang kanyang unan. Sa lakas no’n sumabog ang dalawa niyang unan hanggang sa hindi pa siya nakuntento ay sinuntok niya ang haligi ng kanilang bahay. Ramdam niyang nasugatan ang kanyang kamao. Hanggang sa muli siyang umupo. Sinapo niya ang kanyang ulo. Doon niya nilabas ang hinanakit niya sa pag-iyak. Huwag lang magkamali si Daniel na lapitan siya bukas o kaya ay kausapin niya ni Alyana dahil hindi niya alam ang kanyang magagawa sa dalawa. Magdamag siyang dilat. Iniisip niya ang ginagawa nina Daniel at Alyana. Kung masama lang siyang tao, baka makapapatay na siya. Hanggang sa madaling araw nang maramdaman niyang may tao sa kanilang bakuran. Binuksan niya bintana ng kanyang kuwarto. Nagulat pa si Daniel nang makita siya. Kung pwede lang siyang bumaba at agad suntukin sa mukha ginawa na sana niya pero gusto lang niyang ipamukha kay Daniel na may alam siya. Gusto lang niyang makita ni Daniel sa mukha niya na nasasaktan siya sa ginawa nila ni Alyana. “Oh, alis ka? Tapos na agad kayo. Aga pa ah? Baka pwede pa kayo mag-isang round.” “Pinagsasabi mo? Kadarating ko lang. Hindi na nga ako nakatulog sa kinuha kong room sa hotel sa bayan eh kaya maaga na ako bumalik dito.” “Huwag ka nang magsinungaling, alam ko lahat. Nakita ko kayo!” Agad niyang isinara ang binata. May kalakasan. Wala siyang panahong makinig sa mga kasinungalingan ni Daniel. Alas-singko na. Bigat na bigat na siya sa nararamdaman niya. Hindi na niya makayanan pa ang sakit. Kailangan nilang mag-usap ni Alyana. Wala na siyang pakialam pa sa sasabihin ng mga magulang ni Alyana. Kailangan na niyang magpaatotoo. Bahala na pero hindi niya gusting nasasaktan siya nang ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD