SELOS

1680 Words
CHAPTER 13 “Ma’am, ako ho ito! Alyana ho,” mabilis na sinabi ni Alyana pero nakasilip na sa baba ang teacher nila sa Filipno. Mabuti na lang at bago nakasilip si Miss Ancheta ay naisip na ni Gelo na pumatong na muna sa bowl para hindi makita ang paa niya saka siya umupo dahil kung tatayo siya, ulo naman niya ang makikita sa labas. Lalo lang silang mabubuking kung tatayo pa siya. “Anong ingay ‘yon? Okey ka lang ba?” “Opo Ma’am. Sumakit lang ho talaga ang tiyan ko kaya napapaungol ako habang nagbabawas kasi hirap pong ilabas.” “Ah ganoon ba? Pumunta ka sa clinic mamaya at baka kung ano na ‘yan,” sabi ni Miss Ancheta.” “Sige po, salamat ho, Ma’am,” sagot niya habang nakalagay ang hintuturo niya sa labi niya. Gusto niyang pigilan si Gelo kasi natatawa siya sa mga sinasabi ni Alyana na mga kasinungalingan. Niyakap siya ni Gelo habang nakasandal siya sa binata. Kailangan nilang gawin iyon para hindi mahulog o ma-out of balance si Gelo sa tinuntungan niyang bowl. “Para kasing narinig ko na may salpukang nagaganap diyan nang umihi ako sa kabilang urinal. Ikaw lang ba ang nandiyan,” tanong ng Engish teacher nila. “Opo, ako lang po. Tinatapik-tapik ko kasi ang tiyan ko, Ma’am kasi sobrang sakit. Saka baka yung kamay ko rin po ‘yon. Dalawang palad na pinagsaklob ko kasi nahihirapan lumabas yung ano ‘ko saka may regla rin ako kaya magpapalit muna ho ako ng....” “Oh sige. Basta okey ka lang diyan ha?” din a pinatapos pa ng dalawang teacher ang sagot ni Alyana. "Okey ka na ba? Buksan mo 'to! Maghihintay kami sa paglabas mo ha? Para masigurado naming na okey ka lang. Samahan na kitang pumunta sa clinic." Napakamot si Gelo. Nainis sa kakulitan ng teacher nila sa English. “Kahit kalian pahamak talaga ang Engish teacher na’ to!” sa isip lang ni Gelo. “Huwag na ho akong antayin Ma’am. Matatagalan pa ho ako rito. Hindi pa ako nakapagpalit po eh. Saka nakakahiya po.” “Ah basta, hihintayin ka naming lumabas.” Ang makulit na naming teacher nila sa English. “Ano ‘na? Bubuksan mo ba?” “Hindi pa nga ho ako tapos, Ma’am? Bakit ho ba? Ini-stress ninyo ako eh! Lalong di ko mailabas yung masamang ano sa tiyan ko!” iritadong tinuran ni Alyana. Palaban si Alyana sa mga teachers nila lalo na kung alam niyang tama siya. Matalino kasi kaya alam niya kung paano ipaglaban ang sarili kaya minsan nasosobrahan na rin niya na nakakabastos na siya. “Galit ka ba Miss Reyes? Nag-aalala lang kami sa’yo.” “Please Ma’am. Hayaan ho ninyo ako. Kaya ko ho ang sarili ko.” “Tara na nga. Hayaan mo na siya diyan.” Nang nakalabas ang kanilag mga teacher ay sabay pa silang nakahinga nang maayos. Parang natanggal lang yung biglang bumara sa kanilang dibdib. Pagkalabas ng dalawang teacher ay nagdesisyon na rin silang lumabas ngunit wala sa kanila ang gustong mauna kasi baka nagmamatyag lang ang dalawang teacher. May kutob kasi si Gelo na alam ng mga teacher na iyon na may nangyayaring kakaiba sa cubicle at hindi benta sa kanila ang palusot ni Alyana. Baka lang kasi gusto nilang alamin ang totoo. “Nandiyan pa ba sila?” tanong ni Alyana. “Wala na yata,” “Pwede na bang lumabas?” “Makiramdam muna tayo.” “Huwag na huwag mo nang uulitin ito ha? Magagalit na talaga ako sa’yo!” banta ni Alyana kay Gelo. Inambaan pa niya ng kunyaring suntok ang binata. “Oo na, hindi na!” nakataas ang kamay ng binata. “Saya mo eh no? Nakaisa ka na naman! Sige na. Mauna na akong lumabas at baka may pumasok na naman ditto at mabuking pa tayo," pagpapaalam ng binata. “Hindi dapat ikaw. Ako dapat. Kasi kung ikaw ang unang lalabas na makita nila, alam na nila na ikaw nga ang kasama ko sa loob. Kung ako, ibig sabihin wala akong kasama at pwede kang magtago na muna rito.” “Oo nga ‘no.” Bago binuksan ni Alyana ang seradura ay muli niyang niyakap ang binata. Hinalikan sa labi. “Clear na, Gelo. Dali labas na!” sigaw ng dalaga na bumalik pa sa loob para makalabas na rin ang binata Mabilis ang pagdaan ng isang buwan. Naging maayos ang tagong relasyon nila ni Alyana. May mga gabing pinagdadasal ni Gelo na sana mapatawad sila ng mga magulang ng dalaga kung malaman ng mga ito na sila pala ni Alyana at hindi sila magkaibigan lang. Buwan noon ng Abril. Buwan ng pagtatapos at pagsasara ng mga iskuwelahan. Graduation na rin nila ni Alyana sa wakas. Nakatapos na rin siya ng high school. Nakahanda na rin ang ireregalo niya sa dalaga. At dumating na nga ang kinatatakutan niya. Ang laging sinasabi ni Alyana. Si Daniel. Medyo nakaramdam ng selos at takot si Gelo lalo na nang makita niyang gwapo nga talaga ito. Maputi, matangkad, maganda ang pangangatawan. Artistahin. Paanong mas mahal siya ni Alyana kung mas gwapo ang lalakin iyon sa kanya bukod sa mayaman nga talaga. Ang gara ng kanyang mga damit. May maganda pang sasakyan. Nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. “Bakit kailangan mong magselos? Di ba napag-usapan na natin ito?” bulong ni Alyana kay Gelo nang nasa kusina sila ng bahay nina Alyana at sinabi niya ang tunay niyang nararamdaman. “Oo pero titira siya rito sa bahay ninyo? Akala ko ba ako na ang pinili mo? Alyana, ano ba kayo?” Huminga si Alyana nang malalim. “Hindi ko pa siya hinihiwalayan. Hindi o alam kung paano. Magagalit sina Nanay at Tatay sa akin saka, Gelo, pasukan na sa susunod na buwan. Mag-eenrol na ako. Kailangan ko siya.” “Kailangan mo siya? Eh ako, ano ako sa’yo?” “Boyfriend kita, Gelo. Babaan mo nga ang boses mo. Marinig nila tayo, ano ba!” “Mabuti naman pala alam mo. Basta ha, ako ang boyfriend mo at hihiwalayan mo ‘yan. Magiging kaibigan mo lang ‘yan dahil ako ang tunay mong boyfriend.” “Hayaan mo, kapag nasa Manila na kami, sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa atin.” “Sa Manila pa? Paano ko malalaman na magsasabi ka sa kanya? Bakit hindi na lang dito. Yung sana naririnig ko.” “Sige, sabihin ko bukas sa kanya. Pero kami lang muna ang mag-uusap.” “Talaga? Gagawin mo iyon?” “Oo. Sasabihin ko na. Ilang taon na kaming magkaibigan ni Daniel at naging kami, may mga pinagsamahan kami kaya sana hayaan mong ako na ang bahala na kausapin siya.” “Hindi lang kasi ako komportable. Mahal kita, Alyana. Tandaan mo ‘yan.” malinaw niyang sinabi sa dalaga iyon. Hahawakan na sana iya ang dalaga nang biglang bumukas ang kurtina na nagtatakip sa kusina. Nagulat sila. Si Daniel ang nakita nilangg nakasilip at nakatingin sa kanila. “Ito ba si Gelo? Ang kaibigan mong sinasabi nina Tita at Tito na lagi mong kasama?” “Oo, si Gelo. Gelo, si Daniel.” “Uy, kumusta.” Tumango at ngumiti si Gelo. Nakita niyang nakalahad ang kamay ni Daniel sa kanya. Nakikipagkamay. Hindi siya sanay nang nakikipagkamay. “Gelo, nakikipagkamay si Daniel.” “Pasensiya na, hindi kasi ako sanay na nagpapakilala at may ganito,” sabi niya at tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Daniel. “Para yatang seryoso ang pinag-uusapan ninyo. Anong sinabi mo kay Alyana?” “Wala. Kayo mag-usap.” Magaspang na sagot ni Gelo. Dumaan siya sa harap ni Daniel at hindi na niya ito tinignan pa. Bastos na kug bastos pero nagseselos talaga siya. Nawawala yug confident niya sa sarili. Hindi kasi niya alam na ganoon kaguwapo ang Daniel na pinag-uusapan nila. Hindi na rin niya tinawag pang kuya si Daniel kahit sinabi ni Alyana na nasa 27 na ito. May iba kasi siyang kutob. Hindi niya gusto ang kutob niyang iyon. “Sandali nga!” hinawakan ni Daniel ang braso ni Gelo Nabastusan siya sa inasta ng binata. Hindi sanay si Daniel na ginaganon siya ng alam niyang mas mababa at mahirap sa kanya. Para sa kanya, kabastusan iyon “Ganyan ka ba talaga makipag-usap? Nandito pa ako oh? Tao akong humaharap sa’yo kahit alam ko naming ang kagaya mo ay hindi pinakikitunguhan nang maayos. Mabuti nga kinausap kita. Mabuti nga nakipagkilala pa ako sa’yo. Mabuti nga, kinamayan pa kita. Kung hindi dahil kay Alyana, sa tingin mo makikipag-usap ako sa kagaya mong mahirap pa sa daga?” Namula si Alyana. Hindi niya aakalain na makapagbitaw si Daniel ng ganoong salita kay Gelo. Lalong nainis si Gelo sa pangmamaliit sa kanya. “Bitiwan mo ako, bro. Oo, maaring mas gwapo ka, mas mayaman, mad edukado pero hindi mo ako kaya.” Tinignan niya sa mata si Daniel. “Mas bata ako, mas payat, mas mahirap pero mas matangkad ako sa’yo, siguro mas malakas din at nasa teritoryo ka naming. Dayo ka lang!” Tinitigan niya si Daniel. Titig na may paghahamon. “Bro? Tinawag mo akong bro eh sampung taon ang tanda ko sa’yo.” “Eh ano naman, kapatid ba kita, panganay na kapatid ko? Kaya tawagin kita sa kung anong gusto kong tawag sa’yo.” “Ano ba kayo! Tumigil nga kayo! Gelo, sige na! Doon ka na muna sa inyo.” “Astig ka ah! Ano, lalaban mo ako?” sabi ni Daniel. Tinulak niya sa dibdib si Gelo. Hindi pa nakuntento at kinuwelyuhan pa niya si Gelo. “Bibitiwan mo ako o hindi!” medyo tumaas na ang boses na ni Gelo. “Gelo, ano ‘yan?” boses ng Tatay ni Alyana. Binitiwan ni Daniel si Gelo. Naglakad si Gelo palayo. Hindi na niya sinagot pa ang tanong ni Berting. Inisip lang niya si Alyana. Ngunit nang naglalakad siya papuntang dalampasigan ay umiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Paano ba niya ipaglalaban si Alyana sa kagaya ni Daniel na perfect na para sa kagaya ni Alyana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD