Chapter 11

1596 Words
"Bakit hindi ka pa naalis?" I smile at her sheepishly before linking my arms with her. "Hindi ba sabi ko kanina, sama ako hanggang sa inyo?" Automatic naman nagsalubong ang kilay niya at inalis ang braso ko. Tumalikod siya sa akin at tuluy-tuloy na naglakad paalis, ako naman itong si habol sa kanya. Routine ko na yatang habul-habulin siya, eh. "Lucy! Hey!" Maagap ko siyang naabutan at sinabayan sa paglalakad. She tries to walk faster but, nah, hindi niya ako matatakasan. "Huwag mo nga akong sundan." Mahina ngunit may diin niyang saad. I pout. "Sama na kasi ako." "Anong gagawin mo sa bahay namin?" "Uhm, ewan?" "Hindi ako pumapayag." "But Lucy—" "No." Huminto siya at tinititigan ako na akala mo'y nanay siya na dapat kong sundin. "East, ano bang mapapala mo kung—hey!" I hear her gasp after pulling her for a hug. "East." "I just want to know you better and the people around you," sagot ko. Ewan ko pero bigla-bigla na lang ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko sa mga sinabi, kasabay nang awareness na sobrang lapit niya lang sa akin. "Makapag-thank you man lang ako kasi pinalaki ka nilang mabait kahit masungit ka kung minsan." "Para kang matanda kung magsalita." She answers instead. I can feel her hands on my back, responding to my embrace. My heartbeat races faster, hindi ko tuloy alam kung sa akin lang ba iyon o pati sa kanya. "Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa'yo." Napahagikhik ako. Oo nga pala. Kasi naman, laging pumapasok sa isip ko na I need and I should protect her. I can't see myself as a kid anymore even though I act like one. Binitawan ko na siya. I kiss her temple before holding her hand. I smile at her, yung ngiti na kita halos lahat ng ngipin. Napatawa tuloy siya at napailing. Wala nang habulang naganap, wala nang pilitan, walang pangungulit...sabay kaming naglakad sa isang direksyon habang magkahawak ang mga kamay. Holding her hand is now my favorite hobby. -- Maingay at maraming tao, ilan lang iyon sa napansin ko pagkababa namin ng tricycle. Akala ko nilalakad niya lang ang pauwi, ayon pala sa may paradahan ng tricycle ang diretso niya kaya magkaiba kami ng daanan. Pinagmasdan ko yung mga bahay na halos magkakatabi na. Medyo nanibago ako, nasanay kasi ako na magkakalayo ang bahay sa amin. Pero mukhang masaya rito. Ang daming batang naglalaro kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "Saan bahay niyo?" Bulong ko kay Lucy habang patuloy lang sa paglalakad. Hindi ko ma-gets kung bakit pinagtitinginan ako ng mga tao...lalo na ng mga lalaki. Ang awkward na ewan. "Malapit na." sagot niya. Medyo nagulat pa ako nang mas inilapit pa niya ako sa kanya. "Huwag mong pansinin mga natingin sa'yo lalo na sa mga lalaki. Maraming loko rito." Tumango lang ako. Hindi rin nagtagal ay huminto kami sa isang two storey house. Sementado iyon at gawa sa yero ang bubungan. Medyo may sira na rin ang pinto pero mukhang maayos pa naman. "Pa?" Kumatok siya ng ilang beses. Ilang segundo lang din ay bumukas ang pinto at tumambad sa paningin ko ang isang lalaki. May itsura siya pero halata rito ang mabilis na pagtanda. But then, he still looks happy and contented. Niluwangan ng lalaki ang awing ng pinto at pinapasok kami pagkatapos magmano ni Lucy. Sumalubong naman sa amin ang dalawang maliliit na bulilit. "Ate Lucy!" "Magandang hapon po." Bati ko si Tatay ni Lucy na abala naman sa dalawang bata na sa tingin ko'y mga kapatid niya. He nods and smiles at me. "Ah, Papa, si East po pala, kaibigan ko." Pakilala ni Lucy sa akin sa tatay niya. "East, si Lucio, Papa ko." Aw, ang cute! Lucy, Lucio! Cute! "Hello po ulit, Tito." Feeling close na bati ko. Nagmano na rin ako na ikinagulat niya. "Pagpalain ka ng Diyos." Sabi niya at marahan akong tinapik sa balikat. "Mga kapatid ko rin pala." Napatingin ako sa dalawang bulilit na ngayon ay nasa harapan ko na, isang babae at isang lalaki. "Si Austin and si Lauren." Saba na kumaway sila sa akin na sinuklian ko naman ng matamis na ngumiti. "Ah, nga pala." Kumuha ako sa bag ko ng chocolate candy, mabuti na lang pala't nagdala ako. "Para sa inyo." Their eyes instantly glow like there's fireworks inside. Halatang natakam sa dala ko. Mabilis nila itong kinuha at nagpasalamat. "Uminom kayo ng tubig pagkatapos, ah." Paalala ni Lucy. She's really cute! Ate mode! "Opo!" Sabay na sagot noong dalawa at agad na kumain. Inikot ko ang paningin sa paligid. Hindi ganoon kalaki ang tahanan nila ngunit malinis at kaaya-aya. May mahabang upuan sila sa tabi ng bintana at dalawa pang pang-single na upuan malapit sa pinto. Nakapatong yung TV nila sa parang istante then may shelves ng CDs sa left side. Sa baba naman ay mga photo albums. Merong pintuan katapat ng hagdan papuntang taas na sa tingin ko ay kwarto naman. "Gutom na ba kayo?" Tanong ni Tito Lucio, "Ipaghahain ko kayo ng meryenda." "Gutom ka ba, East?" "Sakto." "Padala na lang po sa kwarto, Pa." Sabi ni Lucy bago ako hilahin paalis. Isa lang ang kwarto pagdating namin sa taas. Wala masyadong laman ang kwarto niya aside sa kama, cabinet ng damit, isang study table na medyo luma na, at isang shelves na naglalaman ng mga papers at ilang libro. Maliwanag sa loob kahit walang ilaw dahil may tatlong malalaking bintana naman. Umupo ako sa kama at pinagmasdan siya. She opens the fan and looks at me. "Okay ka lang ba?" "Oo naman!" I answer while smiling. "Huwag mo ako masyadong alalahanin." Kumuha siya ng damit. "Sa baba na ako magbibihis, nandon ang banyo, eh." "Ha?" Kumunot ang noo ko. "Dito ka na!" Tinaasan niya ako ng kilay. Napatikhim ako. "Dadapa na lang ako tapos magtatakip." "Baka manilip ka." "Hindi kaya ako marunong manilip!" Itinaas ko ang kamay. "Mabait ako!" "Dapa. Huwag kang sisilip." "Yes, Ma'am Lucy!" Kaagad akong dumapa sa kama at pumikit. Tumahimik na. Hmm, I want to say something kaso baka mawala siya sa mood. "Lucy?" "Oh? Huwag kang manilip." sabi niya agad. "Hindi kaya." Giit ko. Hindi ko naman siya sisilipan kung ayaw niya. Good girl kaya ako. "Okay na." Umupo na ako, pumunta siya sa tabi ko pagkatapos ilagay sa labahan ang uniform niya. "Sure kang okay ka lang? Hindi ka naman naiinitan?" "Hindi, ah. Malamig nga, eh." sagot ko. Kumuha ako ng unan para yakapin. Hinila ko siya palapit at niyapos. "Ayan, warm ba. Oh, ha!" Humagikhik ako. "Baliw ka talaga." May narinig kaming katok sa pinto. Lucy stands up to open the door. Nakita kong may hawak na siyang isang plato na may lamang Cream-O pati Lemon Square Cheesecake and isang pitsel ng tubig siguro. Pagsara ng pinto ay ipinatong niya iyon sa study table. "Kain ka, ha. Sorry, ito lang." "Hala, okay lang." Sabi ko sa kanya bago siya hilahin palapit sa akin. "Huwag ka ngang worried masyado." "Alam ko naman kasing hindi ka sanay sa ganito." "Akala mo lang 'yon." Tinawanan ko siya. "Pa-Piattos-Piattos nga lang ako, eh." Napangiti siya. "Lucy?" "Hm?" "Yung mga kapatid mo," I trailed off. I don't know how to start. "Ano..." Pero baka naman exaggerated lang akong mag-isip? Ngumiti na lang ako. "Ay, wala pala." "Napansin mo siguro na wala silang resemblance sa akin, 'no?" Alanganin akong napatango na tinawanan niya. "Bakit ganyan mukha mo?" "Baka kasi ma-offend ka, eh." Sagot ko. "Hindi." She smiles. "Anak sila ni Papa sa second wife niya, so kapatid ko pa rin sila." Kwento niya. "Namatay na Mama nila two years ago, car accident." "Sorry to hear that." "Ayos lang 'yon. Ganoon talaga, kung mamamatay, mamamatay. Walang makakapigil." I nod. "Eh, yung sa Mama mo?" Napaiwas siya ng tingin. Sa gano'n pa lang, alam ko nang sensitive yung topic na 'yon. Babawiin ko na lang sana yung tanong kaso hinawakan niya agad ang kamay ko. "Matagal na silang hiwalay ni Papa. May asawa na rin siya and anak." Binalot kami ng katahimikan. Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Okay ka lang ba?" "Oo naman." "Halika nga rito." Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam ko namang hindi siya ayos, sus. Ramdam ko kaya. "May ikukuwento ako sa'yo." "Ano?" "Alam mo ba, broken family din kami." Sinubukan niya akong tingnan pero hindi ko siya hinayaan. "Si Dad kasi, naging babaero 'yon. Alam mo na." Tatawa-tawa ako. "Tapos si Mama, na-diagnosed na may depression." Bigla kong naalala yung mga panahon na halos ayaw na niyang lumabas ng kwarto at si Dad na madalang nang umuwi dahil sa work and babae. "Hanggang sa hindi na talaga umuwi no'n si Dad kasi may kinakasama na pala. Then one day, Mama died." Lucy gasps after. Hinagod ko naman yung likuran niya. Baka kasi mas mag-react pa siya kaysa sa'kin, eh. "She committed suicide." "Okay ka lang ba?" Hindi agad ako nakasagot. Siyempre hindi ako okay no'ng nawala si Mama. Masakit 'yon, sobra. Pero wala naman kaming choice but to move forward. I can't blame her, she's depressed and hurt. If only I was able to cheer her up before, baka sakaling may nagawa ako. Dapat kasi hindi ako nagbulag-bulagan sa mga nangyayari. That's why I resorted being a positive thinker, being optimistic, in order to cope up from the pain. Kasi sa gano'ng way, hindi ko kailangang malungkot. At saka, I'm hoping that because of my light personality, I'll be able to lift someone's spirit kahit hindi ko man alam. Somehow I'm hoping that I can save a soul because of my smile. "I'm always okay, Lucy." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD