Chapter 10

1917 Words
"Kaya ko nang sarili ko." I pout my lips when Lucy pushes my hand away after attempting to help. Narinig ko naman yung mahinang pagtawa ng kambal ko na kasabay ko lang na naglalakad. Tinitigan ko siya ng masama pero nginisihan lang ako ng huli. Ang bad! Worried lang naman ako kay Lucy dahil may sakit siya kagabi. Wala na siyang lagnat ngayon pero pwede pa rin siyang mabinat. Ang problema, she insists on attending school kasi ayaw niya raw mapirmi sa bahay just to rest. Ang tigas talaga ng ulo niya. Hay nako! Wala akong nagawa kung hindi panoorin na lang siyang maglakad hanggang sa marating ang room namin. West pats me on the back. Tiningnan ko siya ng parang nagpapaawa. "Tama na 'yang pag-aalala, para ka namang nanay niya." Mahinang sabi niya na may bahid ng pang-aasar. "Hindi ako parang nanay," Depensa ko at muling napanguso. "Kaibigan ko siya kaya nag-aalala ako." "Masyado ka naman yatang nag-aalala." Umismid ako at sinimangutan ang kakambal ko. Hindi ko na sinagot yung sinabi niya nang makaupo kami sa sariling pwesto namin. Hindi ko naman mapigilang mag-alala kaya gano'n, at saka, napakasakitin ni Lucy. Para bang kailangan siyang laging bantayan. Wala namang ibang titingin sa kanya sa classroom kung hindi ako lang. Kasi ako lang naman ang kaibigan niya. Mabuti na lang talaga at nandito ako. Ako na ang superhero ni Lucy from now on! Napahagikhik ako. I'll be her Supergirl. Pinagmasdan ko si Lucy na nasa tabi ko lang. Matamlay pa rin siya pero hindi na katulad kahapon. Sinigurado ko namang naasikaso ko siya ng maayos noong nasa bahay namin siya, eh. Alagang East Hansen siya kaya. "Lucy," Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. She looks at me without any emotion on her face. I can't read any bit of what she's thinking. "Okay ka lang?" Tumango siya at nag-iwas na ulit ng tingin. Napakamot na lang ako sa sentido ko. Ito na naman siya, nagiging aloof na naman sa'kin. "Lucy..." Tawag ko sa kanya, prolonging her name like a kid who's craving for attention. Hindi niya pa rin ako pinapansin kaya yumapos na ako sa kanya. "East, mainit." Saway niya sa'kin habang sinusubukan akong ilayo sa kanya pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagyakap. "East." Pasimple ko siyang inamoy at napangiti. She smells like me, siguro kasi sa amin siya nag-stay kagabi and ginamit niya ang ginagamit ko sa pagligo. Pero kahit gano'n, hindi nakaligtas sa ilong ko yung natural scent niya. Nakaka-attract. Hmm, bango! "You smell good kamo, Lucy." Bulong ko sa may bandang tainga niya. Para pa siyang natigilan sa ginawa ko. Baka nakiliti. Tinulak niya yung mukha ko kaya sinimangutan ko siya. Umiling-iling naman siya na akala mo kunsuming-kunsumi sa pinaggagawa ko. "Bad mo, Lucy!" "Yakap ka ng yakap, eh, ang init." "Hindi naman kaya mainit." Sabi ko at nginusuan siya. "Lucy, Lucy!" "Bakit?" Humagikhik ako sa biglang naisip. "Pwede pumunta sa bahay ninyo mamaya?" Kumunot yung noo niya. "Bakit?" "Gusto kong makita Papa mo." Sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay na akala mo sobrang nakaka-alien yung sagot ko. "What?" Kumunot ang noo ko. "Bawal bang makita yung taong nagpalaki sa'yo?" "Ewan." "So, pwede ba ako—" "Hindi." "Pero—" Hindi ko na natapos ang pagp-protesta ko nang dumating na yung teacher namin na sinaway agad sina classmates sa pagdadaldal. "Class, quiet!" -- "East, sama ka na, kain tayo." Pag-aaya sa akin ni Via nang matapos lahat ng morning class namin. "You promised, 'di ba?" "Ha? Eh, uhm..." Tiningnan ko si Lucy na nag-iwas ng tingin sa akin at tumayo na. Bigla tuloy akong nag-panic nang maglakad siya paalis. "Lucy—" "East." Humarang si Via sa harapan ko kaya ni hindi ko man lang nahabol yung kaibigan ko na mabilis na nakalabas ng room. I look at this girl in front of me. Ngumiti siya. "Halika na?" Napakamot ako sa ulo ko. Gusto ko sanang kasabay si Lucy pero ayoko namang isipin nitong babaeng 'to na wala akong isang salita. Hay... "Si Lucy kasi, ano..." "Magkikita pa naman kayo mamaya," Sagot niya sa'kin habang hindi inaalis ang ngiti, pero iba yung pinapakitang emotion ng mga mata niya. Hindi ko lang ma-pinpoint kung ano ba iyon. "Ngayon lang naman kita maaaya." Binalingan ko ng tingin si West na paalis na kasama iyong best friend niyang si Jamaica. My twin looks at me. Hindi ko alam kung anong posibleng naiisip niya pero basta na lang niya akong tinanguhan at sumunod na kay Jam sa paglalakad paglabas. Pasimple akong bumuntong-hininga. I smile at Via and nods. Napahagikhik naman siya bago ako hilahin palabas. Muntik ko pang makabungguan yung isa naming classmate, mabuti na lang at napigilan ko. I glance at her at tumango para humingi ng dispensa. "Sorry, Ella." "Wala 'yon." Sabay-sabay na kaming lumabas ng classroom, sa cafeteria rin pala ang punta nila. "Nagugutom na ako." Narinig kong saad no'ng kasamang kaibigan ni Ella na si Valeen. Pansin ko na mula noon ay magkasama na talaga sila at constant na copy-paste buddy pagdating sa assignment at si West ang palagi nilang nabibiktima. Natawa tuloy ako. Ang lakas ng dalawang 'to, eh. Ang daming ilag kay West pero sila...cute! "What do you want to eat?" Napalingon ako kay Via nang magsalita siya. Inangkla niya pa ang braso sa akin at mas idinikit ang sarili. "My treat!" "Uh?" Umiling ako. "No, meron naman akong pambili—" "I insist." She cuts me off. "Please?" "O-okay." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. "Gusto ko ng Pancit Canton!" Sa pagkakasabi ko no'n ay bigla tuloy akong natakam. Yum-yum! Humanap kami ng pwestong mauupuan pagkarating sa cafeteria. Nag-volunteer na si Via na pumuntang counter to order our food. Sina Ella at Valeen naman ay hindi na namin kasama. As usual, punuan pa rin ang puwesto sa lugar kahit majority ay patambay-tambay na lang. Hindi naman kasi mainit dito dahil may aircon naman. Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng lugar pero ni anino ni Lucy ay hindi ko nakita. Sana naman kumakain siya kung nasaanan siya ngayon. Kailangan ko na sigurong hingin yung number niya para hindi ganitong nanghuhula ako. Tama! Napakatalino ko talaga, eh. "Sorry, natagalan." Paumanhin ni Via pagkarating niya na may bibit na tray ng pagkain. Para namang nag-heart ang mata ko pagkakita no'ng food na gusto ko. Pancit Canton! At may dessert pa! "Gutom ka na ba?" Nginitian ko siya ng matamis. "Sakto lang." Inalalayan ko siya sa paglagay ng pagkain sa table. Umupo siya sa kaharap kong upuan. "You're good with sweets?" Tanong niya na ang pinatutungkulan ay yung chocolate cake na binili rin niya. Mabilis naman akong tumango. I love chocolates! "Mabuti naman." Nag-start na kaming kumain habang nagkukuwentuhan. Ayos din naman pala siyang kasama. Palakuwento, palangiti, at mukhang mabait. Pero may part pa rin sa loob ko na nangingilag sa kanya, ewan ko kung bakit. Iba talaga, eh. Kaso naman, ayoko siyang pag-isipan ng masama. Via Lorraine Ortiz...may kamukha siya. Pero hindi ko alam kung sino kasi parang meron lang naman. Ipinagkibit ko na lang ng balikat yung naiisip ko. "Coffee jelly?" Napansin ko yung iniinom niya. Natigilan tuloy siya at tinuro pa ang inumin. "Baka hindi ka makatulog niyan." Tumawa siya ng mahina. "Immune ako rito." Natawa na rin tuloy ako. Wow naman, sana immune din ako sa ganyan para lagi akong nakakainom. Hindi kasi talaga ako makatulog kapag nainom ng kape, malakas tama sa'kin. "Alam mo, East, sa totoo lang ang mysterious ng dating mo sa'kin." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Sa inyong dalawa ng kambal mo, ikaw yung mas palangiti at approachable. Pero parang ikaw yung mas maraming itinatago." Natigilan ako. Itinatago? Ano namang itatago ko? "Hindi kita ma-gets." She waves her hand in dismissal. "Hayaan mo na, ako lang siguro ang nag-iisip no'n. Ang hilig mo kasi ngumiti, minsan tuloy napapaisip ako kung totoo ba lahat iyon." Hindi ako sumagot. Wala naman sigurong masama sa pagngiti. At saka, magandang alas din 'yon. I can hide everything through smiling and no one will notice what I really feel. At isa pa, mas okay na 'yon kaysa naman mag-worry yung ibang tao sa'kin, lalo na ang mga kapatid ko. "Anyway, may boyfriend ka na ba?" Halos mabulunan ako sa naging tanong niya. Natawa siya sa reaction ko. "What?" "Anong klaseng tanong 'yan?" Natawa ako sa pagka-random niya. "Wala akong boyfriend!" "Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya pero kita ko naman na amuse na amuse siya sa narinig. "Ang ganda-ganda mo, imposibleng walang magkagusto sa'yo, plus you have a very pleasing personality." Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya, masyadong positive, eh. "Wala pa sa isip ko 'yon." Naisip ko rin kasing masyado pa akong bata para magka-boyfriend. But aside from age, wala pa naman akong nagugustuhang lalaki. Pwede na ba talagang ma-in love ang isang tao sa ganitong edad? Hindi ko kasi alam. Feeling ko nasa stage pa ako na kailangan ko pang mas kilalanin yung sarili ko. Feeling ko hindi pa ako mature enough para pumasok sa ganoong relationship. Tumangu-tango siya. "Good girl ka, ah. Yung iba ang aga-aga, luma-love life na agad, eh." "Baka nagmamadali." Pabirong komento ko. Yung chocolate naman na ngayon ang kinakain ko. Ang sarap... "Or maybe they fall in love too easily. " Dagdag niya na ipinagkibit-balikat ko. "Hindi ka pa ba nai-in love?" Umiling ako bago sumubo ulit ng cake. Halos mapuno ko na ang bibig ko sa sarap. Oh, my gosh. Makapag-bake nga rin nga ganito. Ang saya! "Bakit?" Iling lang ulit ang sinagot ko. She nods her head while smiling. Iniisip niya siguro na parang bata ako. "Last question." "Ano sa palagay mo yung same s*x relationship?" "Okay lang naman." Mabilis kong sagot. Wala naman akong nakikitang masama about do'n. "Bakit?" Ngumiti siya. -- "Class dismissed." Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ko para umalis. Hindi pumasok si Lucy para sa afternoon class namin. Hindi ko tuloy alam kung umuwi na ba siya o ano. "Saan ka?" Tanong sa'kin ni West pagkatapos niya akong hilahin sa braso. Nakabuntot sa kanya si Jam ba nakakapit sa braso ng kambal ko. "Hahanapin ko lang si Lucy." "Baka umuwi na 'yon." "Hahanapin ko pa rin." desididong sagot ko. "Huwag kang magpapagabi masyado." Iyon lang at inunahan pa niya akong makalabas ng classroom. Napangiti na lang ako sa pagiging understanding niya. Magpapatalo ako sa susunod na maglaro kami ng games para makabawi. Napahagikhik ako, pero for sure aawayin lang ako no'n kapag sinadya kong magpatalo. Libre ko na lang siya ng Pancit Canton. Paglabas ko ay kaagad kong pinuntahan ang pinakaunang lugar na naisip ko, ang Butterfly Garden. Hindi naman ako nabigo na iyon ang pinili dahil nakita ko agad si Lucy. Nakaupo lang siya at may hawak na bulaklak. May paru-parong lumilipad sa paligid ng flower na hawak niya. I take my time watching her. Bagay sa kanya ang humawak ng bulaklak, mas nakadagdag pa ro'n yung butterfly. She looks so serene. Bahagyang hinawi ng hangin ang itim niyang buhok na nasisinagan ng papalubog na araw. "Lucy." Lumingon siya sa akin pero wala siyang reaction. Naglakad ako palapit. Niyakap ko siya mula sa likuran at sinandal ang ulo niya sa may dibdib ko. "Bakit hindi ka pumasok?" Hindi siya sumagot. Inulit ko yung tanong pero wala pa rin. Ipinatong ko ang chin ko sa tuktok ng ulo niya at mas hinigpitan ang pagyakap. "Uwi na tayo?" She hums herresponse, not minding to do any physical gesture. Hinawakan ko siya sa kamay atmarahan siyang hinila patayo. _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD