Chapter 9

1444 Words
Napansin kong parang namumutla siya. Okay pa siya kanina, eh. Kaso parang iba na yung pagkaputla niya ngayon, at saka parang ang tamlay niya masyado. Mabuti na lang at tapos na ang klase. "L-Lucy?" She looks at me. Ngumiti siya ng tipid, halatang hindi talaga maganda yung pakiramdam niya. "Bakit?" "Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ko. Kahit ayaw niya ay kinapa ko na yung noo niya at napasinghap ng mapansing sobrang init niya. "Oh, my..." I bit my lower lip as I held her hand tight. "Gosh. You're so hot." Kumunot ang noo niya. Napansin ko namang napailing si West na kasama lang namin. "What?" "Anong what ka riyan?" Naguguluhang tanong ko pabalik. "Nilalagnat ka!" Marahan ko siyang hinila para maglakad. "Come on, sa clinic tayo." "A-ayoko." Pinilit niyang bumitaw sa pagkakahawak ko but since I'm way stronger than her because she's sick, walang naging epekto ang pagpupumiglas niya. She winces in pain. "U-uuwi na ako." "Pero—" "Please?" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, at talagang may kasama pang paghila sa manggas ng uniform ko. I sigh. Ang hirap niyang tiisin. "Kahit hingi na lang tayo ng gamot, okay?" Malambing na saad ko. I smile when she nods. Nagbaling naman ako ng tingin kay West na nakatutok lang sa phone niya at mukhang may tina-type. Asa namang may ka-chat siya. Kanina pa naming siya kasama pero nagpapanggap yatang imbisibol ang kapatid ko dahil walang kaimik-imik. "West, gusto mong mauna nang umuwi?" Nagkibit siya ng balikat bago tumango. Itinago niya ang cellphone sa bulsa at hinawakan yung strap ng bag niya. "Sunod ka na lang." "Sige." Nang makaalis na yung kambal ko ay saka ko naman inalalayang maglakad si Lucy. Mas lalo pa siyang nanghina. She looks terribly sick. Para siyang nilalamig. Hinapit ko siya palapit sa akin. Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan niya. "Kaya mo pa ba?" Tanong ko. "Malapit na tayo." She hums softly as a response. Medyo natigilan ako nang lumapat yung kamay niya sa baywang ko pero isinawalang bahala ko na lang. "Nahihilo lang ako." Pagpasok namin sa clinic ay pinaupo ko muna siya sa isa sa kama na available. Sinabi kong humiga muna siya pero ayaw naman niya kaya hinayaan ko na lang. Kaagad kong kinausap yung nurse na naabutan ko. She first checks Lucy's temperature then nagtanong kung anong nararamdaman ng kaibigan ko. Binigyan niya na rin kami ng gamot after. "She needs to take a rest and don't forget na painumin siya ng gamot." Mayumi yung paraan ng pagkakasabi ng nurse. Tumango naman ako sa kanya. "Mas better kung huwag na rin muna siyang pumasok bukas para hindi mabinat." "Okay po, salamat po." Tumango naman siya at tinulungan pa ako na alalayan si Lucy patayo. Muli akong nagpasalamat kay Miss Nurse bago kami tuluyang makalabas. "Gusto mong kumain na muna para makainom ka na ng gamot?" Tanong ko nang madaanan namin yung papuntang canteen habang paalis. Umiling naman siya pero hindi na nagsalita. "Ihahatid na kita, okay?" "Kaya ko namang umuwi mag-isa." Giit niya at umiling-iling pa, tuloy, ngiwi ang inabot niya dahil sa hilo. "Shit." Medyo natigilan ako sa pagmumura niya. Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ng ganoon. Siguro sobrang sama na talaga ng pakiramdam niya. Nakapag-decide na ako, ihahatid ko siya sa ayaw at sa gusto niya! Hindi ako mapapakali kapag hinayaan ko lang siya, eh. "Hindi mo naman kaya, eh." "Kaya ko—" "Huwag nang makulit, Lucy." Putol ko sa pagmamatigas niya. "Ihahatid lang naman kita. Hindi ako akyat-bahay, 'no." Umiwas siya ng tingin. Halatang labag talaga sa loob niya na ihatid ko siya. Ano bang problema? Ayaw niya bang makita ko kung saan siya nakatira? Hindi naman ako judgemental, eh. Hinawakan ko na lang siya ng maayos. Ang sakitin naman ng babaeng 'to. Paglagpas namin ng gate ay sakto namang may sasakyan na huminto sa gilid namin. Mula sa naturang sasakyan ay may lumabas na babae tingin ko'y mas bata lang kay Mama ng ilang taon. Ganoon na lang yung gulat ko nang mabilis itong naglakad papunta sa direksyon namin at walang sabi-sabing yinakap si Lucy. Nabitawan ko tuloy yung kamay niya. "Lucy, anak." Anak? Siya yung mama ni Lucy? Pinagmasdan ko silang dalawa. Napansin ko yung resemblance nila sa mata pati sa lips. Maganda rin yung mama niya na nakasuot ng formal suit. Kung gaano kaputi ang isa ay siya namang ikina-morena ni Lucy. Pinagmasdan ko ang kaibigan ko. Pansin ko sa mukha niya yung disgusto. Ayaw niya bang makita si mama niya? "A-ang init mo." Sabi ng ina nito at dinama rin ang noo ni Lucy katulad ng ginawa ko sa kanya. Bakas ang labis na pag-aalala nito para sa anak. "Okay ka lang ba? Gusto mong dalhin ka na namin sa hospital? Bumabalik na naman ba yung—" "M-ma!" Sinaway na ito ni Lucy sa pagsasalita. Mas lalo pa yata siyang namutla. "Stop. I'm fine." "Let's go home, 'nak." Akmang hihilahin na siya ng ina pero tinapik niya ito palayo. "Lucy, alam mong hindi ka pwedeng magkasakit." Lucy stares at me instead. Natigilan ako kasi para na siyang maiiyak kahit halatang pinipigilan niyang magpakita ng anumang emotion. Napahawak ako sa laylayan ng uniform ko. What should I do? "East..." She calls in a meek voice. I have to do something for her. "Uh..." Tumikhim ako. "M-Ma'am." Napalingon sa akin yung mama ni Lucy. Sinubukan kong huwag mataranta. "Okay lang po ba kung sa amin na lang muna tumuloy ngayong araw si Lucy?" "But she's more safe in..." She stopw midway nang makitang umiling ang anak. "Lucy naman..." "No, Ma." mariing tanggi ni Lucy, "ayokong umuwi sa bahay mo." Her mother flinches at her choice of words. Hurt visibly flashes in her eyes pero mukhang wala pa ring pakialam ang anak sa kanya. She then looks at me, forcing a smile. "Take care of her, please." Napatango na lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. "What's your name, hija?" tanong niya. "East Hansen po." She nods her head. "East, huwag mong papabayaan ang anak ko." Hinalikan niya sa noo si Lucy na wala namang kakibu-kibo bago ito sumakay sa dalang sasakyan. Tumalikod na si Lucy bago pa iyon makaandar kaya kaagad ko na siyang sinundan. "Hey, teka!" Maagap ko naman siyang nasalo nang bumigay ang tuhod niya habang naglalakad. Malalim na ang paghinga niya. Pinilit niyang maglakad palayo sa akin pero hindi niya magawa. "Uuwi na ako." "No." Firm na pagkontra ko. "Sa amin ka na tumuloy muna, okay? Pumayag naman na ang Mama mo." "East—" "Lucy." Kumunot na talaga ang noo ko dahil sa katigasan ng ulo niya. Nagpara agad ako ng taxi at pinasakay siya kahit na ayaw niya. Pagkatapos kong sabihin sa driver yung lugar na papunta sa amin ay saka ko lang pinagtuunan ulit ng pansin itong katabi ko na dinaig pa ako sa katigasan ng ulo. "Aalagaan naman kita, eh. Huwag ka nang magpasaway." Nagbaba siya ng tingin. "Si Papa." "Ha?" "Si Papa," ulit niya. Sinimulan na naman niyang paglaruan ang mga daliri. "Mag-aalala siya kapag hindi ako umuwi." "Sasabihin naman siguro 'yon ni Mama mo—" "Kay Papa ako tumutuloy." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Hiwalay na sila ni Mama." "Oh." Napatango ako. Shame circles my head for deciding ahead. "S-sorry." Walang umimik ni isa sa amin. She leans her head on my shoulder and sighs audibly. "Am I still your friend?" "A-ano?" Naguguluhang tanong ko. "Anong klaseng tanong 'yan? Siyempre, magkaibigan pa rin tayo!" "Kahit alam mo nang galing ako sa broken family?" she asks, "Toxic ako na tao, East, proven na sa kung ilang beses mo akong kinulit para lang maging kaibigan mo. Look, sakitin din ako." She laughs bitterly. Naalala ko yung sinabi ng Mama niya na bawal siyang magkasakit. "Will you still stay?" I kiss her forehead gently and smiles. "Of course I will. Kung gusto mo, alagaan din kita hanggang sa pagtanda mo." Natawa siya. " Sa pagtanda?" Pumikit siya at mas lalong isiniksik ang sarili sa'kin. "Sira. Kapag may sarili ka nang pamilya then you can no longer take care of me." "Sure ka?" Nanghahamong tanong ko. "Eh, paano kung tumanda akong dalaga?" "You're too beautiful para tumandang dalaga." She chuckles. "Imposible." Eh, paano kung ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda? Sige nga, Lucy, paano 'yon? "You don't know what the future holds," ang nasabi ko na lang. Humarap siya sa akin. Pasimple akong napalunok dahil sa sobrang lapit niya. Why do I always have this urge to kiss her? "Exactly, East." She buries her face on my neck. I can feel her warm breath. "Exactly." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD