"Tikman mo, bilish!" I beamed in excitement habang sinusubukang isubo kay Lucy yung graham balls na ginawa ko.
Ngayon lang ulit ako nakagawa dahil ilang araw din akong hindi pinayagang kumilos masyado dahil baka mabinat daw ako. Hay. Ginagawa nila akong mga bata, like, hello, dalaga na kaya ako!
Tapos na yung klase pero nandito pa rin kami sa school at nakatambay lang muna. Hindi kasi namin nakain kanina yung ginawa ko. Nag-overtime kasi yung isang teacher namin, nawili yata mag-discuss. Nagmamadali tuloy kaming kumain.
Pero ayos lang din, at least na-extend yung oras ko para makasama si Lucy, my new found friend!
Iniwas ko ang kamay ko nang akmang kukunin na ni Lucy yung hawak ko. Kumunot ang noo niya samantalang ngumuso lang ako. "Susubuan nga kita, eh."
"Kaya ko namang pakainin ang sarili ko."
"Eh, kahit na!" giit ko, "Please?"
Napabuntong-hininga siya at walang nagawa kung hindi isubo yung inaabot ko. Natigilan ako nang dumikit yung lips niya sa daliri ko. Ang lambot...I mentally shakes my head. Don't think too much about it, self.
"Masarap."
"H-huh?"
Kumuha pa siya ng graham balls sa tupperware na dala ko at isinubo iyon. Ngumiti siya sa akin. "Masarap kako. Gawa ka ulit next time."
Napangiti na rin tuloy ako at ngumiti ng matamis. Ewan ko ba pero sobrang saya ko dahil lang sa simpleng compliment na natanggap ko galing sa kanya.
Hindi kasi talaga masalita si Lucy pero naman, napakaprangka niya. Kaya nakakatuwa kapag pinupuri niya ako. Sulit yung minsan na naiinis siya sa akin dahil sobrang kulit ko raw.
"Uy, alam mo ba, may bago na kaming kasama sa bahay." Kwento ko. Tumingin naman siya sa akin na para bang hinihintay yung karugtong ng sasabihin ko. Ito yung isa sa gusto ko sa kanya, eh. Hindi siya palaimik pero once na may kwento ako, makikinig taalaga siya. And I can really see the interest in her eyes. "Best friend siya ng Ate ko."
"Sino, si North o yung si South?" she asks.
"Si Ate North. Teacher din siya!" Pagbibigay-alam ko. "Jade yung pangalan niya tapos ang friendly niya. Tapos teacher siya ni Ate South sa isang subject. Galing, 'no?"
Palangiti 'yon si Jade, eh. Tapos okay lang sa kanya na hindi ko siya tawaging ate. Ang cutie niya. 'Yon nga lang, feeling ko magkaaway sila ni Ate South. Malakas din kasi topak no'ng kapatid ko na iyon, eh. Nagsusungit kahit hindi naman inaano.
"East, gusto mo rin ba maging teacher?" Tanong niya sa'kin habang panay ang pagkain sa graham balls.
"Hmm..." Tumingin ako sa taas like I'm actually seeking for a good answer. "Ewan. Gusto na ayaw."
"Hoy, anong gusto na ayaw?"
"Gusto ko mag-teacher kasi gano'n yung kapatid ko. Naisip ko, mukhang masaya magturo." I explain, "Pero naisip ko rin, what does it takes to be a teacher? Mahirap siguro. Yung dedication mo sa pagtuturo kailangan," I clenched my fist like a rock. "Solid."
"Pero sa lahat naman ng career na meron, dapat may dedication, 'di ba?" tanong niya sa'kin, "Kasi yung career na gusto nating piliin, 'yon yung pangarap na gusto natin. We are choosing a path that we're willing to dedicate our lives with."
"Pero hindi ko pa nahahanap yung career na gusto ko, eh." Ang sagot ko sa kanya. "Kaya feeling ko hindi ko deserve maging teacher like Ate North. I still need to explore the world to find my own path."
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan dahil hindi naman na siya sumagot. Panay lang talaga ang kain niya hanggang sa siya na mismo ang makaubos sa graham balls. Ang takaw ni Lucy, mahilig sa matamis.
"Pwede kang maging...chef." Opinion niya matapos simutin yung nasa daliri niya. Hindi ko alam kung anong problema ko pero parang nahalina na naman ako sa ginawa niya. Binaliwala ko na lang yung naisip ko. "Masarap kang gumawa ng matamis."
"Igagawa pa ulit kita ng iba pa." Sabi ko habang nangingiti, mukhang maganda ring maging chef tapos magse-serve ako palagi kay Lucy. "Dadamihan ko kaya dapat ubusin mo, ha."
"Mukhang tataba ako dahil sa'yo, East." Umiling siya. Pansin kong pinipigilan niya lang mangiti. "Sa edad ko, mas mabilis na akong tataba, 'no."
"Ilang taon ka na?"
"Twenty." She answers, "Ate mo na nga ako, eh."
"Ate? Ayoko nga." May part sa loob ko na ayokong maging bata ang tingin niya sa'kin. Parang nakakairita. "My mental age is much more mature than may actual physical age. Sixteen nga ako pero isip adult na ako, 'no."
"Oh?" Tumawa siya ng mahina. Biglang niyang pinisil ng mahina ang pisngi ko. "May adult ba na sobrang makulit?"
"Meron! Ako!" depensa ko.
"Okay, bunso."
"Bunso ka riyan." Napanguso ako. "Dalaga na kaya ako."
"Tell that to me kapag nag-eighteen ka na."
"Ikaw, anong gusto mo maging?" Tanong ko na lang para iwas sa subject ng pagiging bata ko. Bakit kaya mga katulad nila masyadong bata tingin sa tulad namin? Pare-parehas lang naman kaming dumaan sa ganitong edad.
"Hmm..." Hinimas niya ang baba at tumingin sa langit. For a split second, I see sadness in her eyes. Saglit lang 'yon pero alam kong hindi ako namalik-mata. "Tingin mo ba ang abnormal ko kapag sinabi ko na wala akong maisip na gusto ko?"
Napakunot ako ng noo. "Hindi naman siguro. Kasi kung tutuusin, mas marami pang mas matanda sa'yo na hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung anong gusto nila."
"Ang weird, 'di ba?" Nangingiting tanong niya. "Halos lahat ng bagay nasa harapan na natin pero ang hirap pa ring hanapin kung ano ba talaga yung gusto natin. Kapag nag-grade eleven na tayo, maraming strand na available, pipili ka na lang pero bakit mahirap pumili? Kapag nag-college ka naman maraming schools na pwedeng pasukan at maraming course na pwedeng kunin pero bakit kaya mahirap mag-decide? Kapag nakatapos ka naman na, mahirap humanap ng trabaho, kadalasan pa hindi angkop sa natapos mo yung makukuha mo. Binigyan ka pa ng choice kung sa huli ay hindi naman tayo ang masusunod."
Natawa ako sa mga sinasabi niya. Hindi naman sa nakakatawa talaga yung naisip niya, ang intetesting nga, eh. Nakakatawa lang in a sense na gano'n talaga yung nangyayari sa totoong buhay.
"Meron tayong tinatawag na opportunity cost." Sagot ko habang inaalala yung tinuro sa'min sa economics. Napailing ako nang maalalang ginawang hugot iyon ng mga classmate namin. "We are choosing something by letting go of something in return."
"Because we can't always choose both. Same as we can't always pursue something that we want kasi may mas valuable pa ro'n na dapat nating piliin kahit hindi natin gusto." she explains, "Opportunity cost is for practicality, walang subjective reason."
"Bakit parang ang bitter mo?" Tanong ko. Natawa tuloy siya at umiling. "Siguro kaya tayo binigyan ng choice kasi para matuto tayong hindi umasa sa sinasabi ng ibang tao, na dapat yung gusto natin yung pipiliin natin. Para kapag dumating yung time na tayo na mismo ang maghihibla ng buhay natin, hindi na tayo basta mac-conform ng ibang tao o ng lipunan mismo."
"Nakakabobo." Sabi niya na lang. "It's like asking why we're born if we're going to die anyway. We can't bend death."
"Bakit napunta tayo sa death?" tanong ko, "Inaano ka ni death?"
Nagkibit lang siya ng balikat. "Naisip mo ba na ang random ng usapan natin?"
Natawa ako ng malakas. "Ang cute, 'no? Kung saan-saan tayo napadpad."
"Masaya kang kausap." sabi niya. Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko kaya dinaan ko na lang sa tawa para hindi niya mapansin.
"Masaya naman talaga ako kausap," sabi ko, "ikaw rin naman, eh."
Kung pwede nga lang na ganito kami araw-araw edi why not? Kung pwede lang na huwag na matapos yung araw na 'to.
"Lucy, since parehas naman tayong wala pang kaplanu-plano sa buhay natin, bakit hindi na lang tayo sabay na mag-explore?" Alok ko sa kanya, "Malay mo naman, mahanap din natin yung gusto natin."
"Siguro." Nagkibit siya ng balikat habang nakatingin sa akin.
"Alam mo bang gusto ko ngayon?" tanong ko.
"Ano?"
"Secret!"
Kumunot ang noo niya. "Nagtatanong ka tapos biglang secret yung sagot."
Humagikhik lang ako kaya napailing na lang siya. Saka ko na lang sasabihin sa kanya yung sagot.
_____